Chapter 15

367K 14.3K 7.4K
                                    

NAHIGA NA AKO sa aking kama paglabas ng bathroom. Hindi na talaga ako naghapunan. Ayos lang sa akin ang parusang ito. Hindi naman ako na-grounded. Kung tutuusin, magaan pa nga ito bilang pandidisiplina. Kulang pa ang hindi pagkain sa aking nagawa. Mas kawawa ako kung napahamak ako. 


Hindi ako makatulog dahil sa pagtunog ng aking tiyan sa gutom. Napabangon ako ng may kumatok sa sliding door sa terrace ng kuwarto ko. Isang lalaking nakakulay itim na hood ang nasa labas.


"Sino 'yan?" Kabado akong tumayo dahil hindi nakalock ang sliding door.


Sumenyas ang lalaking nakaitim na hood. Binuksan nito ang sliding door. "Shhh... It's me."


Kinabahan ako pero hindi naman ako natakot. Siguro dahil alam kong mahigpit ang security dito sa mansiyon, o dahil siguro deep inside me ay alam kong siya lang ang pupunta sa akin dito sa ganitong paraan.


Isinara niya muli ang sliding door at tinakpan ng kurtina. "Mabuti gising ka pa."


"Ano bang pumasok sa isip mo at nagpunta ka rito? Baka may makakita sa 'yo—"


"Walang makakaalam, basta wag ka lang maingay." Ngumiti siya. "Mabuti di ka sumigaw."


"Ano iyan?" Nanlaki ang mga mata ko sa hawak niyang tupperware. Noon ko lang napansin ng magkaharap na kami.


"I brought you food."


Inilapag niya iyon sa ibabaw ng kama. Dalawang tupperware na magkapatong ang dala niya. Agad akong naglaway ng makita ang pagkain. Sa unang tupperware ay kanin ang laman, ang pangalawa naman ay pininyahang manok.


"Sinong nagluto?"


"Yours truly." May hinugot siya sa back pocket ng kanyang maong pants—bote ng mineral water. "Panulak."


"P-pero..." Alumpihit ako. Nakakatakam ang pagkain, kaya lang ay gusto ko ring parusahan ang aking sarili. May nagawa akong mali, gusto ko na makabawi.


"Kung ang iniisip mo ay ang uncle mong ipinaglihi sa sama ng loob, 'wag mo siya munang alalahanin. Bata ka pa, nag-aaral ka, kapag natulog ka nang gutom, mabobobo ka." 


"G-ganoon ba iyon?" 


"Oo, kaya kain na. Saka mo na parusahan ang sarili mo, saka sa ibang paraan na lang." Siya na ang nagbigay sa akin ng kutsara at tinidor. "Bumawi ka na lang. 'Wag mo nang uulitin iyong ginawa mo."  


"Bakit mo ito ginagawa?" tanong ko pagkuwan.


Ngiti lang ang sagot niya sa akin.


Sa kapipilit ni Kuya Calder, at sa katutunog ng aking tiyan ay tinikman ko na ang pagkain. Ang sabi niya, wala raw ibang kakain niyon. Mas makonsensiya raw ako kung masasayang lang. Ayun, namalayan ko na lang na naubos ko na ang kalahati. Talagang ginutom ako dahil sa mga nangyari ngayong gabi.

Obey HimUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum