Chapter 52

325K 13.2K 2.8K
                                    

HE'S NO PRINCE CHARMING.


Jackson was peacefully lying on my bed with his eyes closed. Kung makapag-chill siya ngayon, parang hindi ko ginastos ang pera niya maghapon. Parang wala siyang kaproble-problema sa buhay. Parang hindi siya nagmakaawa sa akin kanina na 'wag ko siyang iiwan.


At parang wala lang, basta na lang siyang nahiga sa kama ko pagkatapos. Talagang dito siya sa kuwarto ko dumiretso. Wala na siyang pakialam kahit nakita siya ng mga katulong.


Napabuntong-hininga ako habang nakamasid sa kanya. His perfect facade was in front of me, teasing and seducing me. Kahit galit ako sa kanya, hindi pumapasok sa isip ko na saksakin na lang siya habang tulog. Mas gusto ko siyang lapitan, haplusin sa mukha, halikan... habang tulog siya. Habang hindi niya alam na ginagawa ko iyon, kasi ayokong isipin niya na mahina ako.


Kahit ang totoo ay mahina naman talaga ako. Dahil kung hindi ako mahina, bakit humantong sa ganito ang lahat? Bakit kahit ramdam ko na noon na may mali sa kanya ay nahulog pa rin ako?


Akala ko sa maiksing panahon, nakilala ko na siya. Hindi pala. Kahit asawa ko na siya, kahit mahal ko siya, marami pa pala talaga akong hindi alam at naiintindihan kung sino ba talaga si Jackson Cole.


Mga ilang minuto na rin ang lumipas na nakatayo lang ako sa gilid ng kama. Akala ko talaga tulog na siya kaya muntik na akong mapatalon sa gulat nang bigla siyang magsalita. "Not sleepy yet?"


He opened an eye.


I climbed into the bed, but keeping a big space between us. Jackson frowned at me. Like he was complaining about the space.


"I'll just take a rest for a bit. Babangon pa ako para ayusin mamaya iyong mga pinamili ko," defensive kong paliwanag. Pero wala naman na talaga akong pakialam sa mga pinamili ko.


Ang lahat-lahat ng iyon, bahagi lang naman ng pagrerebelde ko. Akala ko kasi ay iindahin niya, pero parang wala naman siyang paki.


Jackson responded by reaching me with his left arm and dragging me into him. He pressed my back into his chest, curling his muscled arm over my waist.


I instantly stiffened when I felt his erection pressing against the upper part of my butt. "Jackson, ano ba..."


Sinubukan kong kumawala, lalo lang humigpit ang yakap niya sa akin.


"Relax. I'm not gonna force you to do anything with me."


Napalunok ako.


Hihinga na ba ako nang maluwag dahil sa sinabi niya?


Dapat kumampante na ako, hindi ko nga lang magawa. Kasi paano ako kakampante kung ganitong ramdam na ramdam ko kung iyong matigas na nasa likuran ko na mas lumalaki sa bawat paglipas ng mga segundo.


"We're not gonna do it," he assured me. His hot breath was fanning my neck.


Obey HimWhere stories live. Discover now