Kabanata IX: The Crows maid

2.9K 253 39
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


KABANATA 9: THE CROWS MAID

Elisa Hidalgo

"Mukhang mainit talaga ang dugo niya sa 'yo."

Nakabusangot na tumango si Elisa sa sinabi ni Andrea. Kasalukuyan silang papunta sa receiving area ng mga tagapagsilbi kung saan kadasalasang nagaganap ng pagtitipon ng mga tagapagsilbi. Nakasunod silang lahat kay Rahul. Kanina nang maka alis si Marcus ay kaagad siyang nilapitan ng ibang katrabaho, tinapik siya sa balikat at binigyan ng tingin na nababahiran ng awa. Hindi lang maintindihan ni Elisa, bakit ang init ng dugo nito sa kanya? Tungkol ba 'yon sa nagkamali siya ng pasok? Bumuntong hininga na lang si Elisa.

"Hayaan mo na, amo natin 'yon. Titiisin ko na lang kung pahirapan man ako." Wala naman siyang karapatang magalit sa desisyon nito, she's just a servant and Marcus is her masters son: Her master.

Nagsalita na kaagad si Rahul nang makapasok sila sa may kalakihang silid. Walang masyadong maintindihan si Elisa sa sinasabi nito bukod sa "Kailangan nilang gawin ng maaayos ang trabaho nila" at pinaalala ang mga rules ng mansyon.

"Ayusin niyo ang trabaho ninyo, one mistake, then your out." Pag-papaalala ni Rahul sa lahat.

Ibinaling ni Panter ang tingin kay Elisa na tahimik lang. Tulala sa kawalan. Ilang beses din niyang nakita si Elisa na nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Hindi naman niya masisisi ang dalaga, kinakabahan ito.

Ang nakakapagtaka lang, bakit ito ang napili ng amo nila: ni Marcus? Iyan ang katanungan na bumabagabag sa kanila matapos ianunsyo ni Marcus na ito ang magiging personal maid niya.

"Andrea, Pia." Tawag ni Rahul sa dalawa. "Pagsilbihan niyo ng maigi ang kambal, don't let them trick you. Sundin niyo lahat ng utos nila, Are we clear?"

"Crystal." They both answered in unison.

"Elisa." Tawag ni Rahul sa kanya. Napabalik siya sa sarili at ibinaling ang tingin sa lalaki. "Don't cause a trouble, huwag mo ring galitin ang Young Master. Obey his words without asking why."

Tumango siya.

May ilang paalala pa itong sinabi bago palabasin ang lahat. Nahuli si Elisa dahil sa masyado siyang lutang sa mga pangyayari. Palabas na sana siya ng hawakan ni Marga ang balikat niya. Nilingon niya ito. Nakangisi si Marga at nababakasan ng pang aasar ang mukha nito. Isa pa 'to, mainit ang dugo sa kanya. Akala pa man niya okay na sila noong pinatulog siya nito sa silid niya noong nawalan siya ng malay, 'yon pala hindi, mainit pa rin pala dugo nito sa kanya.

Nagpakawala siya ng iretableng buntong hininga. Ano ba ang nagawa niya para pag-initan ng dugo?

Inilapit ni Marga ang mukha niyo sa pagitan ng tainga at pisngi niya.

"Goodluck, human and advance goodbye." Ani bago lumayo sa kanya. Tinapik pa nito ang balikat bago siya unahang lumabas sa silid.

Lumipas ang kalahating araw na tulala pa rin si Elisa. Panay ang pagpapakawala niya ng malalim na buntong hininga. Idagdag pa ang problema niya, ang nawawalang kwintas. Kanina pa niya 'yon hinahanap. Panay din ang tanong niya sa katrabaho kung may nakita silang kwintas pero walang ibang narinig si Elisa kundi ang salitang "Wala"

The Crow who smiled at meWhere stories live. Discover now