Kabanata XI: The Crows babysitter

4K 195 11
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


KABANATA 11: THE CROWS BABYSITTER

Elisa Hidalgo

"Eli, halika tulungan mo ako."

Lumapit ang batang Elisa sa babaeng nakatayo sa maliit nilang sala. Hindi niya nakikita ang mukha ng babae, malabo ang mukha nito na tila ba burado. Ngunit ang kilalang kilala niya kung sino ito, ang pamilyar nitong mala anghel na boses at ang pangangatawan nito. Nang lumabas ito ay kaagad naman siyang sumunod hanggang sa makarating sila sa kakahuyan hindi kalayuan. Nagtaka siya. Anong meron sa kakahuyan. Huminto sila sa may isang sulok, sa may mga kagamitang pansibak ng kahoy. May yero na nakasandal sa gilid ng puno. Inalis ng babae ang maliit na piraso ng yero na itinambak doon ng kanyang tiyo. Parehas silang lumuhod atsaka tiningnan ang bagay na nakalapag sa sahig.

"May nakita akong uwak. Tulungan natin siya pero huwag mong sasabihin sa iba ang tungkol dito kung hindi ay malalagot tayo sa mga nakakatanda, maliwanag ba? Eli?"

Bumaba ulit ang tingin ni Elisa sugatang uwak bago tumango. Pibaghalong takot at kaba ang naramdaman ng batang Elisa. Paano kung malaman ng mga nakakatanda? Paniguradong mapapalo sila. Labis na ipinagbabawal ang mga uwak sa kanilang lugar, malas daw kasi ito at salot. Akmang hahawakan niya sana ang nanghihinang uwak nang unti-unting lumabo ang paligid.

Habol hiningang nagising si Elisa. Sapu-sapo niya ang dibdib kung nasaan ang puso niya. Sobrang bilis ng pagtibok nito. Malamig din ang pawis niya. She flinched when she felt a pain coming from her arm. Bumaba ang tingin niya. May benda 'yon at nababahiran ng kaunting dugo ang benda. Hindi niya rin maigalaw ng maayos ang braso. Kaunting galaw ay sumasakit ito.

Hindi na kailangang magtanong o alalahanin ni Elisa kung ano ang nangyari, dahil tandang tanda niya kung ano ang naging dahilan ng paglala ng pasa at sugat sa braso niya. Naibaling niya ang tingin sa kwintas na nakalapag sa maliit na side table. Akala niya'y nawala nanaman ito. Kinuha niya ang kwintas at nakangiti itong niyakap. Tinapat niya rin ito sa puso niya. She felt safe. Umagos ang luha sa kayang mata.

The Crow who smiled at meWhere stories live. Discover now