Pagkabigo

89 3 0
                                    

Mundo ay tila iyong pasan pasan
Sa kabiguan na iyong, nararanasan
Panaghoy at sakit na nararamdaman
Tila walang nais na ikaw pakinggan

Sa Pagkabigo mong pinagdadaanan
Payo't gabay ang kinakaylangan
Upang Pagsubok ay yung malampasan
Tagumapay mo't galak sya mong makamtan

Huwag kang sumuko't sarili'y tatagan
Sa iyong Pagsubok,Ikaw ay lumaban.
Matapos ang unos, may araw kang masisilayan
At iyan ang bagay, nayong pakatatandaan.

Kabutiha't dasal, sya mong tandaan
Upang Panginoo'y ikaw ay gabayan
Sa iyong pagbangon sa kinalulugmokan
At pagsubok mo'y mapagtagumpayan.

Tayong mga tao, ay hindi perpekto
Hindi lahat ng bagay makukuha mo
Kabiguay liksyon ng tayo'y matoto
Kung kaya't pagsikapan mong lalo ito.

By: Aimee D.

Authors note :

This poem is written when I was in high school. It's one of the first poem I wrote.
I was once bullied by my classmate because we are poor but things changed when I started to be serious with my study.

Uspoken Thoughts and Poetry Where stories live. Discover now