Unang Halik(First Kiss)

67 3 0
                                    


Ako'y kinabahan nang akoy hinagkan
Nang isang lalaking mahal kong lubosan
Di ko malaman kung sa anong dahilan
Waring lumindol at sumabog ang bulkan

Unang halik na pagka tamis tamis
Na tila langgam na nakakainis
Handog nitong kagilagilagis
Lalaki sa puso kong siyang tumotugis

Ako'y namutla at sadyang nagulohan
Pagkat di ko alam ang patutungohan
Ako'y nagalit siya'y kinayamotan
Siya'y diko pinansin at siya'y iniwan

Sa pag sakop nang gabi sa kalangitan
Siya kong pag alala sa nakaraan
Matamis na halik na aking NaradamanNa sa isipan kong siyang nilalaman

AimeeD

Uspoken Thoughts and Poetry Where stories live. Discover now