Tale 9

10.3K 488 76
                                    

Tale 9
The Four Sacred Beasts
~Eclipse~

I'am now an official member of the Thousand Crows..

Binigyan nila ako ng isang mansion sa tuktok ng isang burol.. Malayo sa ibang mansion ng iba pang mga alchemists ng 1st Division.. May kakahuyan na bumabalot sa paligid ng mansion, shielding it from the eyes of everyone outside. Kompleto rin ang mga kagamitan na kailangan ko sa paglikha ng mga medicinal pills, at mayroon din akong mga medicinal books na nakatambak ngayon sa ibabaw ng aking study table.. Hindi lamang iyon. May ibinigay din sila sa aking ibat-ibang klase at uri ng mga binhi na kailangan kong palaguin para maging sangkap sa mga medicinal pills na aking gagawin...

Bilang isang Level 5 Expert, maaari akong tumanggap ng mga job offers mula sa labas na nakapaskil sa main office ng guild.. Bukod doon, kailangan kong ma-meet ang quota per month ng medicinal pills na kailangan kong ibigay sa guild kapalit ng lahat ng pangangailangan ko na pinupunan nila..

May munting pond sa harap ng mansion kung saan masiglang naglalaro ang aking apat na Familiars.. Si Damnable ay nasa itaas ng isang puno at masiglang sinusuyo ang isang ibon na halatang hindi natutuwa sa mga ikinikilos nya..

Si Unbearable ay tila isang normal na pusa na aliw na aliw na hinahabol ang isang paru-paro...

Si Blabbermouth naman ay walang humpay na nagku-kwento sa isang palaka na halatang hindi interesado sa mga sinasabi nito..

Habang si Tiny ay nakatitig lamang sa kanyang repleksyon sa pond.. Kahit isang pagong si Tiny at kahit isa itong immortal sacred beast, may isang kahinaan ito. Hindi ito marunong lumangoy.. Yeah, poor little Tiny.

Isang linggo na ang nakalipas simula noong dumating ako dito sa guild. Sa ngayon ay abala ako sa pag-aalaga sa mga medicinal plants sa munting hardin sa tabi ng aking mansion...

Isang linggo na din akong hindi lumalabas dito. Alam ko na sa ipinakita kong performance sa Alchemic Trial of Fire ay itinuturing ako ngayon ng mga Masters ng guild bilang isang importanteng myembro nila.. Patunay nun ang ibinigay nila sa aking espada. Isa itong Lightning Sword na sa aking palagay ay isa sa mga importanteng yaman ng guild. Alam nila na maraming magtatangka sa aking buhay kaya naman hindi sila nagdalawang isip na ibigay sa akin ito.. Ang hindi nila alam, hindi ko naman kailangan ito. Una dahil hindi ako marunong humawak ng espada. Hindi ako nag-abalang mag-aral ng paggamit nito kahit sa mga nakaraan kong buhay. Dahil pangalawa, I don't need it, cause I'am much more deadlier.

Iwinasiwas ko sa hangin ang hawak kong espada, nagdilim ang kalangitan at tila may bagyo na nagbabadyang mabuo.. Cool~ This sword can actually control the wheather. Like a wand! Marahil sa kamay ng isang alchemist ay isa lamang itong pangkaraniwang espada na kayang maapektuhan ang kidlat sa langit. Pero sa kamay ko, I can control the weather instead!! Maybe it's time for me to learn how to wield a sword!

May narinig akong mga yabag na papalapit sa aking bakuran.. I'm not sure who it is. But I want to know how sharp this sword is. Can it cut a person in half in one strike?? Or is it just a sword that controls the weather?? I'm quiet curious.. I want to test out this sword..

Noong isang pigura ang lumitaw mula sa kakahuyan ay agad kong pinalipad ang espada sa direksyon nito..

"Amara! Amara! Good ne--- Ehh?? Shet! Ahhhhhhhhh!!!" may excited na tinig na umalingawngaw sa tenga ko na napalitan ng panic pagkatapos ay nakita kong bigla itong umiwas noong makita ang espada... Tumama ang espada sa isa sa mga puno at pagkatapos ay galit na bumaling sa akin yung lalaking bagong dating.. "Amara! May atraso ba ko sayo?? Ngayon lang ulit tayo nagkita kaya bat mo naman ako papatayin pagkakita mo pa lang sakin?? Huhuhu!"

AlquemieTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang