Tale 45

12.7K 532 147
                                    

Tale 45
Reunion

Nababalot ng katahimikan ang isang condominium unit sa isang parte ng Maynila.

Tahimik na nakamasid sa labas ng bintana ang isang binata.

Magulo ang kanyang buhok at tila inaantok ang mga mata.

Walang mababakas na emosyon sa kanyang maamong muka. Dahil dito ay hindi mawari kung may bumabagabag ba sa kanya o wala lang syang pakialam sa mundo.

Tumunog ang isang cellphone sa kanyang tabi subalit hindi sya nag-abalang kuhanin ito. Napansin nya sa screen ang isang bagong mensahe sa papular na app na Converse.

New project. Photoshoot for RealMensCologne. Tomorrow, 9am.

Ang mensahe ay mula sa kanyang manager.

Isa syang sikat na modelo. Batikang artista ang kanyang mga magulang ganoon din ang kanyang lola na nanalo pa ng Best Actress Award noong kasikatan nito.

Hindi sya nagreply sa mensahe.

Tinatamad sya.

“Sana sa susunod kong buhay, isa na lang akong bato sa tabi ng daan.” Buntong hininga ng binata.

Sa kabila ng mga ngiti na nakikita ng mga tao sa front cover ng mga magazine, posters at billboard, isang tamad na tao ang binata. Saksakan sya ng negativity. Pessimist kung baga.

Ilang buntong hininga pa ang maririnig.

Gusto nyang tumakas.

Hindi sya masaya sa buhay na mayroon sya.

Kung maaari na lang sana syang maging isang isda. O ibon sa himpapawid. Simple lamang siguro ang buhay.

“Luuuucccccccaaaaaaasssssss!!!”

Tinatamad na nilingon ng binata ang pinagmulan ng malakas na sigaw.

“Arya.” Tinatamad nyang tugon

“Lucas! Sumama ka sakin! Ngayon din!” ma-authoridad na utos ng dalaga

Pinagmasdan ng binata ang nakabukas na teleportation portal.

“Is that even safe? Are you sure I wont lose a leg or an arm or my life if I cross through that?” tanong nya

“I know I’m not good at creating portals, but this one is created by Sapphire. So drag that lazy legs here and go to Aralon with me.” Arya

“What for?” walang gana nyang tanong. More work... Hindi sya masaya sa naisip.

“We need your help to look for Amara.” Arya

“Pass.” Walang gana nyang tugon

“..........” Arya

Nagulat ang lahat ng tao sa pagyanig ng buong gusali.

Hindi matukoy ng lahat kung may naganap bang lindol.

Malakas ang tunog ng fire alarm na nag-uudyok sa lahat ng residente ng condominium na lumikas tungo sa kaligtasan.

Matapos humupa ng tension, walang makapagpaliwanag sa totoong nangyari.

Walang nakaalam na isa sa mga residente ang nawawala.

Ang sikat na modelong si Lucas Seacreast.

***

“You’re here.” Bati ni Sapphire sa binata

“Yes. It took all my luck in life to get here alive.” Buntong hininga ni Lucas, sapilitan syang pinatawid ni Arya sa teleportation portal patungong Aralon kahit pa wala syang tiwala sa teleportation portal nito. Mabuti na lang buo pa silang nakarating sa Aralon.

AlquemieWhere stories live. Discover now