Tale 44

11.1K 561 51
                                    

Tale 44
The King



“Nabalitaan nyo ba, may bagong biktima nanaman daw ang Angel’s Hands.”

“Anong Angel’s Hands??”

“Hindi mo sila kilala? Isa silanngmalaking organisasyon ng mga magnanakaw. According to rumours they were originally a group of bandits who grew in power. Isa sila sa most wanted organization sa buong Aralon.”

“Wala pa rin silang binatbat kay Phantom Emperor, balita ko isang assassination guild ang niligpit nya two days ago.”

“Hindi lang ako makapaniwala na sa dami na ng mga naging biktima nya, hindi pa rin sya mahuli ng mga  authoridad.. Paano kung itong school ang sunod nyang salakayin? Nakakatakot isipin.”

“Balita ko may rason sa bawat pagkilos nya. Hindi naman siguro sya basta sasalakay dito. Knock on wood, bro. Knock on wood.”

Agad nilang kinatok ang kahoy na lamesa sa cafeteria.

“Anyways,  balita ko ngayong araw ang departure ng mga sophomore alchemist na nanalo sa Game of Storms last week.”

“Inayos lang ni Headmaster ang mga papeles nila at humingi ng approval sa mga magulang nila. Balita ko mga estudyante pa din sila ng Aurum pero sa guild ng Thousand Crows sila mananatili para mag-aral.”

“Ang swerte nila bro.”

“Sinabi mo pa.. Di na nakakapagtakang nanalo sila sa Game, isang Grandmaster Alchemist ang prof nila.”

“Kung alam ko lang sana, siguro lumuhod ako at nagmakaawa na mapasali sa klase nila.”

“Ako din. Pero huli na ang lahat.”

Ilang buntong hininga ang maririnig sa cafeteria.

***

“Bakit bigla tayong pupunta sa Aurum University?” tanong ni BloodWolf sa mga kasama

“Hindi ko din alam.” SilverWolf

“Boss didn’t explain anything.” StarWolf

“Basta nung lumitaw yung pulang parrot, bigla na lang sinabi ni Master na may lakad tayo.” LoneWolf

“Ang weird nung parrot na yun. Umiiyak ito nung makita si Master.” SilverWolf

“Natatanaw ko na ang Aureus.” Saad ni StarWolf

“Ngayon lang ulit ako nakalabas simula noong makalaya ako sa Torture room. May mga lalabanan kaya ulit tayong mga demon pawns?” Excited na tanong ni SilverWolf

Nagkibit-balikat ang tatlo.. Hindi rin nila alam. Normally, pinaghahanda sila ng kanilang master kung mayroon silang sasalakayin, subalit wala itong sinabi ngayon kaya naman hindi nila alam kung bakit sila patungo sa unibersidad.
Lumabas si Lance mula sa kanyang silid.

“Boss!” Bati ni Starwolf kaya agad ding bumati ang tatlo

“We’re near.” Lance

“Master, are we going to attack the school? Are they under the demons influence now?” tanong ni Bloodwolf

Umiling si Lance.

“We’re here to pick up someone.” Nakangiting tugon ni Lance

Agad natigilan sina LoneWolf, StarWolf at Bloodwolf. Pamilyar ang ngiti nito.

“M-master are you referring to that kid?”tanong ni LoneWolf, praying that his master will say no.

“Yes.”

Agad nawala ang ngiti ng tatlong lobo.

Gods no! Not again!

Nagtataka naman si Silverwolf

“Who??” tanong nya

“The kid Boss brought home last time.”bulong ni Starwolf

“The assassin?” namutla si Silverwolf.. Narinig nya na ang kwento mula sa tatlo. Nag-uwi ng binatilyo ang kanilang master noong panahon na nasa torture room pa sya. That assassin is known as Magician, an SSS rank assassin.

“Get ready to land.” Narinig nila ang kalmadong tinig ng kanilang master

Agad namang kumilos ang lahat.

‘He look so excited!’ sa isip ng mga lobo

Agad naman namangha ang mga mamamyan ng Aureus ng makita ang lumilipad na barko..

Tanging ang pinakapromenenteng mga tao lamang ang mayroon nito.

Kahit mga Grandmaster Alchemists ay walang ganitong karangyang mode of transport.

“T-that flag..” kinakabahang turo ng isang mag-aaral ng Aurum sa flag na wumawagayway sa tuktok ng barko

“That’s the flag of the Kingdom of Lux!”

“B-bakit sila narito?”

Noong mawala ang mahika, nagkaroon ng kaguluhan sa bawat sulok ng Aralon. Bumagsak ang gobyerno ng State of Gorgona at naging parte na lamang ng State of Ignis ang ilang lupain nito. Subalit ilang mga organisasyon, samahan at panibagong kaharian ang lumitaw.

Sa kasalukuyan, ang Empire of Sinnah sa Dark Continent ang kinikilalang pinakamakapangyarihang pwersa sa Aralon, in the first place, never silang naging reliant sa magic kaya hindi sila naapektuhan ng pagkawala nito.

Ang Kingdom of Lux ang kinikilalang rival ng Empire of Sinnah. Isa itong bagong kaharian na lumitaw sa isang bahagi ng lupain ng Gorgona years ago.

Maliit lamang ang lupain ng kaharian subalit masagana ang bawat mamamayan. Five years ago, kinoronahan ang bagong hari ng kaharian. Si Vaughn Lance Kingston.

“Baka napadaan lang sila?”

“Balita ko ay tanging ang royal family ng kingdom of Lux lamang ang may pribelehiyong pumasok sa kahit saang bayan sa apat na estado.”

“Ibig sabihin ba, lulan ng barkong yan ang hari ng Kingdom of Lux?!”

“Balita ko bata pa ang hari nila at isa pang bachelor.”

“Ohmygods, siguradong kapag nakita nya ko magbabaho ang lahat. Magkakaroon na ng reyna ang kaharian nila.”

“Kapal naman ng muka mo.”

“Nagsasabi lang ako ng totoo. Sa ganda kong ito, mabibighani sya sakin.”

“Kapag nakita ka nya di sya makakatulog.”

“Talagang hindi, iisipin nya ko ng iisipin.”

“Oo, sa sobrang panget mo, babangungutin sya kaya di sya makakatulog.”

“Tigilan nyo na yan, tingnan nyo!”

“B-bakit mukang maglalanding sila dito sa school?”

Tama sila. Naglanding sa isang malawak na parte ng school ground ang barko.

Parami ng parami ang mga estudyante na nakikiusyoso.

“Excuse, padaan.” Singit nina Stephany sa kumpol ng mga mag-aaral

“Bakit dito tayo pinapunta ni Prof? Akala ko ba aalis na tayo papuntang Thousand Crows? Gusto nya din ba munang makitsistmis dito bago tayo umalis?” Zoe

“Sa tingin ko ay iba ang rason.” Lhey

Agad nilang nakita ang iba pa nilang mga kaklase. Lahat sila ay may dalang mga maleta.

“Bakit dito ang meeting place natin?” tanong ni Oxa

“Baka itong barkong ito ang sundo natin?” Stephany

“Baliw ka ba? Barko yan ng royal family ng Kingdom of Lux, nandito siguro sila para bumisita sa school..” Zoe

“Bawal ba umasa? Ang bongga kung yan ang sundo natin diba?” Stephany

“Give way for the two grandmasters!” maririnig ang tinig ni Prof Linda habang hinahawi ang daan para sa dalawang grandmasters

“Headmaster Fred, hindi ko alam na kakilala mo ang royal family ng Lux?” komento ni Grandmaster Lambert

“You think too highly of me Grandmaster Lambert. I’m not sure why they are here either. I’m here to welcome them if they’re here with good intentions and decline them if necessary.” Headmaster

“But why is the meeting place here?” Prof Linda

“Lady Amara said that the meeting place is the landing place of a giant flying ship, I believe this is the only flying ship in the vicinity was it not?” Grandmaster Vermillion

Natahimik na si Prof Linda.

Binati ng dalawang grandmaster ang mga mag-aaral ni Amara matapos makita ang mga ito. Agad nabalot ng inggit ang ibang mag-aaral lalo na si Prof Linda.

Natahimik ang lahat noong bumaba ang apat na kalalakihan mula sa barko.

“Greetings, we are the SwordEnvoys of the Kingdom of Lux.” Pakilala ni StarWolf

“T-the Sword Envoys?!” react ng isa

AlquemieWhere stories live. Discover now