2: Campus King & Miss EIC

16 4 0
                                    

GABRIELA CARIDAD

HINDI KO MAPIGILAN ang sarili ko na pagmasdan with disgust ang mga librong nasa harapan ko ngayon. Isa akong book lover, libro ang buhay ko, isa na ito sa mga pinakamagandang bagay na naimbento sa buong mundo at habang tinitignan ko ang mga itong sira, wala nang takip, punit at nakatupi na ang mga pahina ay naiinis ako sa mga taong gumawa nito sa mga walang muwang na libro.

"Ano 'to staring contest?" Nagsalita na naman si Anthony, ang taong gandang-ganda sa sarili. Ewan ko ba kung bakit naging innate ang inis ko sa taong ito na tuwing nakikita ko ay bigla na lang nasisira ang araw ko. Masyado kasing mahangin, napaka-perpekto ng tingin sa sarili.

"Huwag na tayong magsayang ng oras. Let's sort them out first." Pero kahit ganoon ay agree ako sa sinabi ni Anthony. "Kuya patulong ako dito." Sambit ko sa lalaking nasa tabi ko. Bigla siyang nataranta sa kinatatayuan niya nang tawagin ko siya.

Isa-isa kong inilagay sa kabilang lamesa ang mga librong nasa maayos namang estado at kailangan lang palitan ng plastic cover samantala ang mga sirang libro na kailangang i-repair ay ipinahawak ko sa payat na lalaking late nang pumasok kanina.

Matapos kong simulan ang trabaho ay nagsimula na ring mag-ayos sina Anthony at ang isa pang kasama naming babae na pretty face pero hindi ko alam ang pangalan. Familiar ang mukha niya, isa siya sa mga sosyalera dito sa school pero she's not important enough para makuha ang interest ko. Likewise dito sa lalaking tumutulong sa akin ngayon, never ko pa siyang nakita dito sa school it's either freshman siya or talagang da who lang talaga.

Kay Anthony, familiar na ako sa kaniya dahil ginawan ko siya ng article last year nang manalo siya bilang Campus King. Ugh, reminiscing that moment makes my mood shift.

"I shouldn't be here in the first place." Sarili ko lang dapat ang kausap ko pero dahil sa frustration ay bigla ko itong nasambit ng malakas. Napatingin tuloy ang tatlo sa akin kaya ipinagpatuloy ko na lang ang gusto kong sabihin. "Totoo naman. Dapat ang ginagawa ko ngayon ay ang centerfold ng school paper. Hindi itong pag-aayos ng sirang libro."

"Kung bakit naman kasi pati nagmamay-ari ng school ay kinakalaban mo." Isahang binuhat ni Anthony ang mga maayos na libro at inilipat ito sa kabilang lamesa. Inirapan ko lang siya.

"Freedom of speech ang tawag 'don. At isa pa, sino ang magvo-voice out sa mga hinanakit ng mga estudyante kung hindi kami? Iyon ang trabaho namin bilang journalists." Depensa ko sa sarili ko. "Kung nabibigatan ka na, pwede mong ipatong dito 'yang mga libro." Itinuro ko sa lalaki ang upuang nasa tabi niya nang mapansin kong malapit na niyang mabitawan ang mga librong ipinahawak ko sa kaniya. Wala pa yata sa sampu yung libro, matangkad siya kaso parang lampa.

"Daming alam, eh nasa detention ka nga ngayon eh." Sumbat ni Anthony.

"Hindi naman kasi 'yun ang rason kung bakit ako nandito ngayon. Ibang offense ang dahilan." Nang matapos naming paghiwalayin ang mga libro ay nagsimula na akong maglagay ng tape sa mga punit-punit na pahina.

"May iba ka pang kasalanan?" Interesadong tanong ni Anthony. Maging si pretty face girl ay napatingin sa akin.

"Wala ka na 'dun." Sagot ko na lang upang matapos na ang usapan.

"Okay." Kibit-balikat ni Anthony sabay upo sa isang plastic chair at ipinatong pa ang mga paa sa lamesa. Kumha siya ng isang libro at ininspeksyon ito. Hinintay ko kung anong gagawin niya pero ibinaba niya lang ito saka kumuha ulit ng bago.

Nang mapansin kong ako lang ang gumagawa sa aming apat ay nagsalita na ako. "Alam niyo para mas mabilis tayong matapos, kailangan nating ma-assign ng trabaho sa bawat isa." Pinagmasdan ako ng anim na mata matapos kong bulabugin ang sarili nilang mundo. "Isa sa atin ang mag-aalis ng plastic covers, ang isa naman ang maglalagay ng bagong cover. Yung dalawa, sila ang mag-aayos sa mga nasirang libro."

Detention LibraryWhere stories live. Discover now