5: Now Jump

6 0 0
                                    

JANELLE DEL MUNDO

"Sige basahin mo." Utos ni Rico. I was shocked and at the same time feel ashamed. I can see in his eyes the sadness. Hindi ko siya kilala pero I can feel the burden that he is carrying.

"Sigurado ka ba? Pwede namang hindi na." Gabriela voiced out what I was thinking.

"Getting to know 'di ba?" Pinilit ngumiti ni Rico but his eyes say otherwise.

Binuksan ko ulit ang wallet niya para kunin ang suicide letter. I unfolded it and stared at those black inks written in hand cursive. Ayokong basahin, ang bigat sa dibdib at dapat confidential ang mga sulat na ganito. Hindi dapat ito binabasa in front of others.

"Alam mo, 'wag na lang. Ako na next." Si Anthony naman ang nagsalita trying to change the topic. The environment is already tensed and awkward. 

"Okay lang talaga. Gusto ko ring marinig baka may nalimutan akong isulat." Rico joked pero that is not funny at all.

"Actually," Segunda naman ni Gabriela. "Suicide is a serious matter na dapat pinag-uusapan." She signaled at me to start. Pinandilatan ko siya. Is she serious? Tinignan ko si Anthony for help pero shockingly ay sumang-ayon din siya kay Gabriela.

I read the first lines in silence. Paano ba ako napunta sa sitwasyong ito? "Dear 'Nay at 'Tay..." Panimula ko. "Kung binabasa niyo na ito, ibig sabihin ay wala na ako. Gusto ko lang sabihin sa inyo na wala kayong kasalanan sa nangyari. Ako ang problema, ako ang dahilan. Maayos ang pagpapalaki niyo sa akin, kayo ang naging inspirasyon ko upang ipagpatuloy ang buhay. Pero nitong nagdaang araw ay hindi ko na kayang kontrolin ang nararamdaman ko." I stopped for a second to breathe. "Sobrang nahihiya ako sa inyo kasi hindi ko maibigay pabalik ang kalinga at aruga na ibinibigay niyo sa akin. Madaming sakrpisiyon na ang ginawa niyo pero ni isa ay hindi ko ito napahalagahan. Alam kong masasaktan kayo sa ginawa ko kaya humihingi ako ng paumanhin. Mahal ko kayo at sana ay mapatawad niyo ako."

I cried. Yes the letter got me. Itiniklop ko ang sulat at ibinalik ito sa wallet ni Rico at saka ko tinignan sina Gabriela at Anthony. "Are you happy now?" Kita ko sa mga mkuha nila ang parehong pakiramdam pero sa aming tatlo ay ako lang ang nagpadala sa emosyon.

We fell in silence for a moment bago nagsalita si Anthony. "Kailan? Kailan mo plano?" Tanong niya kay Rico.

Nakita ko naman ang palihim na paghampas ni Gabriela sa braso ni Anthony.

"Pagkatapos nito." Sagot ni Rico habang nakayuko.

"Oh no! No! No! Hindi ka namin pauuwiin pagkatapos nito." Mabilis na sambit ni Gabriela. Tumango ako in agreement.

Tumawa lang si Rico. "Anong gagawin niyo, ikukulong niyo ako dito?" Tanong niya na tumatawa pa rin but the sadness in his eyes is still present.

"Paano namin mababago ang isip mo?" Si Anthony ang nagtanong.

"Bakit? Hindi niyo naman ako kilala, hindi niyo naman ako kaibigan? Bakit niyo papalitan ang desisyon ko?"

"Because that's our job as part of the human race. We need to help each other." Ani Gabriela.

"Oo, agree ako sa kaniya kahit na pang-Miss Universe ang sagot niya." Segunda ni Anthony.

"Wala na kayong magagawa, desidido na ako." Saad ni Rico na para bang ganoon na lang kadaling pagdesisyunan ang buhay.

"How dare you..." Nanginginig kong sumbat sa kaniya. Hindi ko na natiis ang sarili ko. Nagulat si Rico sa mga sinabi ko. Ganoon din ang naging reaction nila Anthony at Gabriela. "How dare you to take suicide this lightly?"

"Hindi mo alam ang pinagdadaanan ko." Hinarap ni Rico ang mga masasamang tingin na ipinukol ko sa kaniya.

"I don't care. Wala ka rin namang pakialam sa feelings ng parents mo right?"

Ibinaling ni Rico ang tingin niya sa ibang direksyon. "Araw-araw kong nilalabanan ang depresyon. Alam mo ba ang kung gaano kabigat 'yun? Araw... araw. Madali lang magsalita hanggang hindi mo nararanasan ang posisyon ko ngayon."

"I said I don't care."

"Teka lang," Pumagitna na si Gabriela. "Hindi sa ganitong paraan maso-solusyunan ang problema." Anito habang nakatingin sa akin.

"I lost my brother to suicide." Natahimik sila sa ibinunyag ko. Muli kong tinignan si Rico. "Alam mo ba yung feeling with the knowledge that you could have done something to prevent his death? Alam mo ba yung guilt na araw-araw kong dala at ng parents ko? The what ifs that will never be answered?" Muling nagsimulang pumatak ang mga luha sa aking mga mata.

"I was in a club when that happened." Pagkukuwento ko. "I was having the time of my life with my friends without knowing that my brother is battling his own demons alone." Lumapit si Gabriela sa akin para i-comfort ako pero sinuway ko siya. I don't need that shit. "Pag-uwi ko, I checked on him to borrow his charger. I found him hanging with his eyes opened. Those eyes..." Napahagulhol na ako habang inaalala ang nakaraan. "Those eyes that will forever haunt me until I die."

Nakayuko lang si Rico habang nakikinig sa kuwento ko. I tried to calm myself down at nang ma-kontrol ko na ang emotions ko ay muli kong binasag ang katahimikan. "So how selfish are you?" Tanong ko kay Rico "Are you selfish enough to pass the burden that you are carrying right now to your parents? Iapapadama mo rin ba sa kanila ang nararamdaman mo ngayon" I saw him wiped his tears from his eyes.

Umiling lang si Rico. "Madali lang magsalita." Pag-uulit nito sa sinabi niya kanina.

His casualty triggered my anger issues. Tumayo ako at mula sa kinauupuan niya ay hinila ko siya sa braso. Nagulat ako na hindi siya pumalag. Para siyang bata na hinila ko paakyat sa rooftop. May limang floors ang Library Building at nasa third floor ang libary.

"Ja-Janelle sandali lang!" Hinabol kami nila Gabriela at Anthony. Gabriela tried to stop me pero hindi ako huminto sa paglalakad.

"Janelle can you calm down?" Pansin sa boses ni Anthony ang kaba but that didn't stop me.

I pushed the rooftop door when we got there at bumungad sa amin ang lamig na dulot ng ulan. I almost forgot na umuulan pala. Mabuti na lang mayroong cover ang rooftop.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Sigaw ni Gabriela mula sa malalakas na patak ng ulan sa bubong ng rooftop.

Hindi ko sila pinansin. Hinila ko si Rico papunta sa gilid ng rooftop sa parte kung saan hindi na kami abot ng bubong. "Madali lang magsalita 'di ba?" Saad ko kay Rico. Hinintay ko ang sagot niya habang unti-unti siyang binabasa ng ulan. Hindi siya sumagot.

"Tutal wala ka namang paki sa mararamdaman ng mga magulang mo, then by all means kill yourself." I dared him. Just like Rico ay basa na rin ako sa ulan.

"Hoy babae! Nahihibang ka na ba?" Kabadong sigaw ni Gabriela kasama si Anthony na parehong nanatili under the cover of the rooftop upang hindi mabasa ng ulan.

Rico started to walk towards the edge of the rooftop which took me by surprise for a moment.  He stood over the parapet and stared at me.

"Shit! 'Tol pag-isipan mo ng mabuti 'yang gagawin mo!" Lumapit na sa amin si Anthony.

"Oh my God!" Sa takot ay napatakbo si Gabriela sa tabi ng pinto ng rooftop. "Please! Sir Vorope!" Sigaw ni Gabriela sa loob ng building pero hindi kami maririnig ni Mr. Voroper dahil nasa faculty room siya ngayon.

I stared back at Rico. "Now jump."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 16 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Detention LibraryWhere stories live. Discover now