3: Psycho Rico

18 1 0
                                    

ANTHONY SEVELLE

NAGISING ako nang biglang magsalita si Gabriela. "Ano ang ginawa mong against sa rules?" Dinig kong tanong niya kay Rico. Nag-angat ako ng tingin at interesadong hinintay ang isasagot nito.

Saglit lang na sinulyapan ni Rico si Gabriella saka agad na yumuko at muling itinuon ang atensyon sa inaayos na libro na para bang walang narinig na tanong. Sa tingin ko may problema sa lalaking 'to. Simula pa kanina ay hindi  pa siya nagsasalita maliban na lang kung tinatanong namin siya, pero hindi rin naman sumasagot.

Napahikab ako sa kinakaupan ko, isang paalala mula sa aking katawan kung gaano ka-boring ang oras na ito. Upang mawala ang antok ay nagikut-ikot ako sa loob ng library at pinagdiskitahan ang mga librong nasa fiction section.

Kumuha ako ng isang libro. "The Da Vinci Code" na isinulat ni Dan Brown. Hindi mo aakalaing ang isang pirasong bagay na ito ay naglalaman pala ng isang magandang kwento. Ang problema, hindi ako mahilig sa libro kaya thankful ako sa mga taong nakaisip na gumawa ng mga pelikulang galing sa libro.

"May na-ospital na tao dahil sa akin." Nabulabog ang katahimikan nang biglang magsalita si Rico. Napatingin ako sa direksyon niya. Maging sina Gabriela at ang babaeng naka-red pants na ayaw sabihin ang pangalan ay nakuha niya ang atensyon nila.

Ngayon lang siya sumagot? Pagkatapos ng limang minuto? Loading?

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Gabriela. Lumabas ako mula sa shelves ng mga libro at umupo sa pinakamalapit na lamesa. Mukhang interesado ang kwento ng isang 'to.

"Kilala niyo ba si Eric Salvador?" Tanong niya sa amin.

"Oh shoot! Huwag mong sabihing ikaw ang gumawa nu'n sa kaniya?" Hindi ko na napigilang sumingit. Kasama ko si Eric Salvador sa Volleyball team at nabalitaan ko ngang na-ospital siya kahapon dahil may nakaaway daw siya.

"Hindi ko siya kilala." Saad naman ni Gabriela na hindi pinansin ang sinabi ko.

"You call yourself editor-in-chief and yet you don't know what's happening around campus?" Si Red Pants Girl naman ang nagsalita at dahil sa mga sinabi nito ay namula si Gabriela mula sa kinaupuan niya. Hindi nga yata niya kilala si Eric.

"Kilala mo siya?" Tanong ko kay Red Pants Girl.

"Boyfriend siya ng friend ko." Sagot niya na hindi tumitingin sa akin.

"So sino nga si Eric Salvador?" Usisa ulit ni Gabriela kay Rico na lalong lumaki ang kyuryosidad sa nasabing pangalan

"Siya yung na-ospital dahil may sumaksak sa mukha niya." Yumuko si Rico na tila nahihiyang aminin ang ginawang kasalanan. "Ako ang sumaksak sa kaniya."

Kitang-kita ko ang pamumutla ng mukha ni Gabriela na para bang anumang minuto ay ready na siyang tumakbo mula sa kinaupuan niya. Pinilit kong 'wag matawa. "Ano, magtatanong ka pa?" Nang-iinis kong saad sa kaniya habang palapit sa dalawa upang umupo sa dati kong puwesto.

Nakahinga naman si Gabriela nang samahan ko silang dalawa ni Rico. I can't blame her, we got a psycho over here. "Anong ginamit mong pansaksak sa kaniya? Paano mo ginawa?" Ako na ang nagtanong kahit na alam ko na ang sagot. Hindi ko inaasahang isang payatot ang makakagawa no'n sa tulad ni Eric na malaki ang katawan.

Mula sa bulsa ay inilabas ni Rico ang isang itim na ballpen. Nang tanggalin nito ang takip ng ballpen ay biglang nanlaki ang mata ni Gabriela. "God! Sinaksak mo siya ng ballpen?" Hindi makapaniwalang sambit nito habang pasimpleng tumayo at naglakad palayo. 

Tama nga ako sa impression ko kay Rico. May something sa lalaking 'to, psychotic yata eh.

"Ba't mo naman siya sinaksak?" Usisa ko na sana hindi ko na lang itinanong dahil bigla siyang tumingin sa direksyon ko na para bang kakainin niya ko ng buhay. Napataas tuloy ako ng dalawang kamay upang ipakita na wala akong masamang plano sa tanong ko. "Nagtatanong lang, hindi mo kailangang sagutin kung ayaw mo." Mabilis kong sabi.

Detention LibraryWhere stories live. Discover now