Entry #39

200K 4.7K 172
                                    

Dear Future Boyfriend,

Lahat ba ng lalaki ay may Push and Pull technique sa amin mga babae? Si Mr Creeper kasi hindi na ako nireplyan kagabi matapos ko syang i-text. Ano kaya ang nangyari sa kanya? Ang dami pa naman nyang texts na sinend sakin. Para pa nga syang nag-aalala? Ano kaya ang nakain nun? Palagi tuloy akong nakatunganga sa cellphone ko. Hanggang sa mesa kanina di ko maiwan. Na-lowbat na tuloy ngayon.

Ano kaya ang nangyari don? Ano kaya ang ginagawa nya ngayon? Bakit kaya di nya ako tinetext? Samantalang ang kulit kulit nya dati. Hindi kaya... di na nya ako crush? Ganon ba yon?

Di ko na nga lang bubuksan ang cellphone ko. Tapos na rin naman yung unli text ko eh. Pero sana diba, sana naman kung di nya na ako gusto, magpaalam naman sya nang maayos.

Ikaw, kung dumating yung araw na ma-realize mo na hindi mo na ako mahal, sabihin mo sakin ha? Ayoko kasi nang naghihintay. Lagi mo nalang akong pinaghihintay.

Love,

Kayleen

Dear Future BoyfriendWhere stories live. Discover now