Entry #45

191K 4.4K 81
                                    

Dear Future Boyfriend,

Nakapatay parin ang cellphone ko. Hindi ko na ito binuksan simula nang ma-lowbat kakahintay ng text galing kay Mr Creeper. Bubuksan ko ba o hindi? Nawi-wirdohan na ako sa sarili ko. Bakit ko ba sya iniintindi? Eh ano naman kung mag-text sya o hindi? Wala rin naman akong load kaya di ko sya marereplyan. Di ko rin pala matetext si Ashleen. Oh! Right! Viber! LINE! Kakaotalk!

Nakaalis na kaya sila papuntang Japan? Tapos na ang graduation ni Ashton kaya siguro nga nasa Japan na sila ngayon. Hmm.

Oo nga pala, pumunta dito kanina si Steve na may dalang kakanin. Pinapabigay ng Lola nya sa Lola ko. Niyaya nya rin ako na pumunta sa bayan para mamasyal. Sumama na rin ako kasi pinagtulakan ako ni Lola kanina palabas ng bahay. Mabuti nalang sumama rin si Kuya Dylan kahit pano hindi yon matatawag na date.

I wonder kung makikipag-date kaya ako sa’yo, sasama rin kaya si Kuya? Ang epic siguro non. Sana magkasundo kayong dalawa. :)

Love,

Kayleen

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon