Entry #72

170K 4.7K 278
                                    

Dear Future Boyfriend,

In love talaga ako sa kanya! Haay. Hindi na ako makapaghintay, sana debut ko na bukas! Haha! Kaso mga three weeks pa bago yon mangyari. Three weeks pa bago sya umamin na sya si Mr Creeper. Kaya ko naman maghintay. Malapit na rin naman. Kinakabahan pa ako kung paano nya sasabihin ‘yon.

Kaninang umaga dumaan si Ashton sa bahay para kunin ang mga cookies na dapat ay si Gio ang kukuha. Paano nya nalaman ang tungkol sa usapan namin ay di ko alam. Siguro tinanong nya si Gio. Nagseselos ba sya? Ang cute nya talaga! Natutuwa ako, gusto ko tuloy syang pag-selosin ulit. Gusto ko kasi syang makita na possessive sa akin. Bakit ba kasi ako natutuwa kapag nagseselos sya? At natutuwa rin ako kapag sinusuyo nya ako. Gusto ko syang yakapin ngayon! Nakakagigil sya! Para tuloy gusto ko syang palaging awayin para lang suyuin nya ako. Haha! Ang saya kasi e!

Hwag sana syang magbago. :)

Love,

Kayleen

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon