Chapter 1: Batangas

36 3 1
                                    

Braille Adleridge's P.O.V.

Ako si Braille Adleridge, and this is my life story. And today is my comeback at Batangas as a 10th grader, 'yung huling bisita ko kasi dito grade 3 pa lang ako kaya 'eto parang nababaliw sa kaka-intay ng pagdating namin sa bahay namin. It's been nearly an hour and a half of sitting in a tin can. Me and mom are riding a van while dad is still at Manila pero alam ko na magkikita kami before the start of the school year. I'll be studying at Ambrose Academy it's not really a high class school but I like it that way. It has a peaceful ambiance and it also gives a soothing feeling, so all in all.. it is perfect. Province life isn't really new to me so living in Batangas is going to be pretty easy.

Onti na lang.... Bakit ba kasi ang haba ng kalsada?!! 

"Honey, kailangan natin ng kalsada para makarating sa Batangas." sabi ni mommy na ikinagulat ko.

"Pano niyo nalaman?!" she only gave me laughter as a reply. "Mom! Stop reading my mind!"

"I wasn't reading your mind, it was written all over your face that you hate the road."

"Hmph!" tinitigan ko na lang ulit ang ang kalsadang napakahaba. Maybe after 5 long minutes narating na din namin ang bahay. Well, not really there but the way there. Ang Adleridge Manor.

It was as a very historical place for me and my clan. This is the house that my father and his siblings grew up, the legendary C3 also known as the Code 3, bakit "Code 3"? Kasi ang name ni dad ay Samuel Morse Adleridge, next to him is Blaise Vignere Adleridge my aunt and lastly Leon Albert Adleridge. They were all named after a code and it's creator, awesome right? At ang nakakatuwa pa do'n ay kapangalan ko din ang isang code, ang Braille code, ang code para sa bulag. Sabi kasi ni dad ang kapanganakan ko raw ay magiging paraan upang imulat ang mga taong binulag ng mga nakatataas. Mayroon akong pinsan, si kuya Dice, code din siya, ang Dice code, anak siya ni tito Leo. Nakatira siya sa Pampanga isa siya sa mga rason kung bakit ako excited pupunta daw kasi siya sa Batangas para bisithain kami, para na kasing kapatid sa'kin si Dice.

Nang maiayos na nila ang van sinumulan na naming lakarin papasok ang mansyon. Balak na dati ni lola ipaayos ang kalsada pero tinanggihan nina dad 'yon, sabi kasi ni tito Leo sayang yung putik na nasa harap ng bahay, malinis daw kasi yun at pwede pang paglaruan. Dahil nga daw sa nagbago na ang panahon, gusto daw nilang mag-iwan ng kahit konti mula sa panahon nila. At saka 'di rin naman kasya ang mga kotse dun, dahil sa mga bahay at sa mga bata. Tinahak na namin ang daan papuntang mansyon, medyo maaga pa ngayon alas singko pa lang kasi ng umaga do'n sa Maynila pero dito sa Batangas buhay na buhay na agad ang mga tao. Naglakad lang kami ni Mom at nung driver at nung iba pang mga tauhan ni dad. Dumaan kami sa isang maputik na daanan, madami ng batang naglalaro at mga matatandang nagtra-trabaho. Napakalayo ng buhay na 'to sa buhay Maynila. Ang hangin ay napakasarap, ang paligid ay tahimik at ang babait ng mga tao rito. Nasa unahan na sila mommy dahil may aayusin pa daw. Ako naman.. 'eto, parang baliw sa kangingiti.

"ATE BRAILLE! ATE BRAILLEEE" sigaw ng isang batang lalaki na punung-puno ng putik ang mukha, may maikli itong buhok na itim. Tumakbo ang bata diretso sa akin. Nico? 

"NICOOOOOOOO!" ibinuka ko ang aking mga kamay at nakahanda ng salubungin ang bata, pero sa gulat ko na lang ay may biglaang nagbato sa kanya ng isang prutas. Tinamaan siya nito sa paa at mukhang madadapa. Agad ko itong sinalo, pero imbes na maalalayan ito, nadaganan pa ako at nahulog sa putik. "Nico ayos ka lang?" tanong ko sa bata, tinignan ko ito at mukhang di naman nasaktan. Tumayo na ito mula sa pagkakabagsak.

"Okay lang po ako, ate." sagot nito sa akin at tinulungan ako sa pagtayo. "Ikaw ate, ayos ka lang?" tanong naman nito sa 'kin ng makatayo ako.

"Ayos lang ako." sagot ko naman dito, at saktong pagtayo ko naman ay may mga batang putikan din na may hawak ng tirador at prutas ng kamatsile. May dumating na tatlong lalaki at tatlong babae. 

"Kayo kasi, eh. Nadamay pa tuloy si ate sa inyo!" sabi ni Nico sa iba pang mga bata.

"Eh ikaw kasi, eh. Malay ko ba na pupunta ka kay ate. Naglalaro kasi tayo tapos bigla kang tatakbo sa gitna, ayan tuloy nahulog si ate dun sa putik." sabi naman nung isang batang mataba na mukhang buko dahil sa bilog niyang ulo at dahil na din dun sa kanyang buhok na pabagsak. "Ate okay ka lang ba? Ako nga pala si Jacob. Kayo po ba ano pong pangalan niyo?" tanong sa'kin ni Jacob na bigla namang kinutusan ni Nico. Mukhang napasakit ang pagka-kutos dahil napahawak si Jacob sa ulo.

"Tangek! Si ate Braille 'yan! Anak ni ninong Samuel!" pagtama naman ni Nico dun sa batang si Jacob.

"Weh? Si ate Braille 'yan? Bakit di ko siya makilala?" ani ni Jacob habang hawak pa rin ang ulo niya.

"Ikaw pa naman biglang mag-swimming sa putik ng di mo inaasahan. Malamang matatakpan ng putik ang ibang bahagi ng mukha niya." sabi naman nung isang batang babae, she does have a point though, di ko rin sila makilala, eh.

"Wehh? Ikaw si ate Braille? Pruweba." sabi ni Jacob habang inilahad ang kanyang kamay na 'tila ba may hinihingi.

"Jacob diba?" tumango naman siya du'n sa tanong ko. "Gusto mo ng pruweba?" tumango ulit siya. "Alam ko kung sino crush mo nung kinder. Gusto mo sabihin ko?"

"HALA ATE BRAILLE 'WAG!!!" sigaw naman ni Jacob "Wag mo na sabihin, pleaaasee." pagsusumamo sa'kin ng bata.

"Nandito siya di'ba?" sabi ko habang nakangisi, lumingon naman si Jacob sa paligid namin at tumango. "Naniniwala ka na?" tumango uli siya. "O, ngayon, sino ako?"

"Si ate Braille." sagot niya ng pabulong.

"O, pano ako dapat binabati ng batang mabait?" Bumalik muli ang ngiti ng bata sa sinabi ko at akmang yayakap na siya sa akin ng dumating ang isang tauhan ni dad. Naka- tux ito at naka-shades. Matangkad ito at matikas ang katawan. 

"Miss Braille. Your mother is waiting for you at the manor. She sent you these clothes," sabi niya at sabay na rin ng pag-abot ng isang set ng damit na naka zip lock "she ordered me to tell you that you should change your clothes at Mang Karding's place if you are already heading back to the manor." sabi niya ng hindi nawala ang titig sa'kin.

"Anything else?" tanong ko.

"She also says that you should have fun with the children. Don't forget to be home before lunch and she also said that you may bring the children to the manor tomorrow and not today so that your mom can still have time to rest and prepare and nothing else other than that."

"Thanks." pagkatapos no'n umalis na ang guard at iniwan kami. TInignan ko naman ang mga bata at nginitian sila. "'Asan na yung yakap ko?" napangiti naman sila at niyakap ako, kumain kami ng saglit sa bahay ni Mang Karding nagkwentuhan at pagkatapos no'n, nagtiraduran uli kami.

Tulad ng sabi ni mommy uuwi ako bago mag-lunch. Pagkadating na pagkadating ko dun ay nakaayos na ang lahat. Kumain kami ni mommy at nagkulitan, tinawagan ko din si Kuya Dice para sabihing nasa Batagas na kami at mukhang natawagan na siya ni mommy, sinabihan niya ako na magpakatino daw ako habang wala siya. Baka daw pasakitin ko ulo ng mga tauhan ni daddy it was a long day and after that, knock out na me.

_______________________________________________________________________________

Binalik ko lang siya kasi trip ko lang po.

(OOf-_-)

The Richmen's DaughterМесто, где живут истории. Откройте их для себя