Chapter 2: Secret Garden

24 4 4
                                    

Braille Adleridge's P.O.V.

Tilaok ng mga manok at ang liwanag ng araw sa umaga ay ang gumising sa'kin mula sa isang mahimbing na tulog.

Nag- unat ako ng saglit at umupo bago tumingin sa maliit na alarm clock sa kanan ng aking higaan. Alas-kwatro pa lang pala kaya di ko pa narinig itong mag- alarm. Kiniha ko ito at tinitigan.

"Naunahan na naman kita." sabi ko sa alarm clock bago ito ibalik sa dati nitong pwesto. Bumangon na ako at ginawa ang aking girly morning rituals. Naligo, nagsipilyo, at namili ng damit.

Sinuot ko ang short shorts na maong at isang oversized white shirt na may nakalagay na 'Cute ako sabi ni mama.' at sa harap at sa likod naman 'palag ka?!' ti-nuck-in ko ito at pagkatapos ay pumunta sa tapat ng bintana ng aking kwarto kung saan kita ko si Mang Isko na nagtatanim, siya ang punong hardinero na nagtrabaho dito ng mahigit sa dalawang dekada, katabi naman niya ay si Aling Belinda, ang kanyang asawa, siya ay nagtra-trabaho dito ng isang dekada. May ibang mga tauhan pa na di ko gaanong kilala, dahil mukhang bago lang sila dito.

"GOOD MORNING, MISS BRAAAAAILLE!!!" sigaw ng isang lalaki mula sa labas ng hardin.

Loki? Loki!

"LOOKKKIIII!!!" nagmadali ako palabas ng mansyon upang batiin ang aking matalik na kaibigan, si Carlo Kim. Marami akong nadaanan na tao pero 'di ko na muna pinansin ang mga ito ang mahalaga ay mayakap ko muli ang aking pinakamatalik na kaibigan, si Loki.

Agad-agad kong binuksan ang gate ng mansyon at niyakap si Loki.

"Ganyan mo ba 'ko na miss?" sabi niya. Tumango na lang ako at mas lalo pang hinigpitan ang yakap at ganu'n din naman siya.

Pagkatapos ng matagal na yakapan ng magkaibigan bumitaw na ako at ganu'n din siya.

"Kamusta ka na?" tanong niya.

"Okay lang naman ako, ikaw?"

"'Eto, gwapo pa rin." sabi niya sabay tingin sa lupa habang hawak ang kanyang baba na 'tila bay tinititigan ang kanyang repleksyon mula sa kanyang anino.

The F.?!

"Halika na nga. Baka isipin nila na nababaliw ang bespren kong koreano!" sabi ko sa kanya sabay kapit sa braso. Hinila ko siya papasok ng hardin, and this time binati na namin ang mga kasambahay sa hardin.

"Magandang umaga, mga bata." sabi ni Mang Isko habang nag-di-dilig ng mga halaman

"Magandang umaga rin po, Mang Isko." bati naman pabalik ng kasama ko.

"Magandang umaga po." bati ko naman dito, nginitian kami ng matanda at nagpatuloy sa kanyang ginagawa.

Pumunta kami ni Loki sa may isang sulok ng hardin, ito ay isang pader na halos takpan na ng makapal na halaman na nagbubunga ng magagandang dilaw na bulaklak. Nang sigurado na kaming walang nakatingin ay pasimple kaming lumusot sa isang masikip na butas sa likod ng mga halaman. Ilang hakbang lang ay naabot na namin ang dulo ng sikretong lagusan.

"Nakalabas din!" sigaw ng aking kaibigan.

"Sa wakas. Nakabalik na ulit ako dito!" sabi ko matapos humigop ng isang preskong hangin sa loob ng sikretong hardin. Dito kami pumupunta 'pag gusto naming takasan ang mundo. Bi-bilang lang kasi sa kamay ang nakaka-alam ng presensya ng hardin. Ang tanging nakaka-alam lang nito ay si Lolo Harry, si Papa, si Tita Blaise, si Tito Leon, si Kuya Dice, ako, si Mama, at syempre.. si Loki, dahil nga patay na si lolo, at hindi na din kasi ito napupuntahan nila papa, si Kuya Dice naman nasa Pampanga na nakatira para pag-aralan ang pagpapa-takbo ng kumpanya, dahil nga tinanggihan ito ni papa at ibinigay kay tito Leon, si kuya Dice na ang susunod na mamamahala dito. Kaya ako na lang ang napag-iwanan sa hardin, lahat kasi sila ay abala na sa pangkabuhayan ng aming pamilya. Mabuti nga't naging kaibigan ko si Loki, dahil na din sa tulong niya, napangalagaan ko ito ng mabuti para sa C3 at para na rin kay kuya. Ang sikretong hardin ay nasa i-ilang metro lang ang haba at lapad, di ito gaano kalaki tulad nu'ng nasa bungad na hardin, pero ito ang may pinaka-magandang tanawin sa lahat. Dahil mula sa hardin ay makikita mo ang paghaharap ng langit at dagat, at dagat at lupa. Ang munting hardin na ito ay pinamumugaran din ng iba't ibang klase ng ibon, 'di nga lang ganu'n kadami. Balak na nga namin ni Loki na palawakan ito ng kahit konti para madagdagan ang mga puno. Halos natakpan na rin kasi ang hardin ng maraming puno. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit di pa ito nalalantad sa iba. Yung mga ibon na nabibili namin ni Loki mula sa bayan ay inilalagay namin dito. Sa dulo ng hardin ay isang bangin kung saan sa tapat nito ay may isang mahabang troso na pinutol sa kalahati upang gawing upuan. Si lolo daw ang nagputol ng punong iyon para sa mga anak niya, kaya kahit anong mangyari, isa iyon sa pinaka-importanteng bagay sa hardin. Ang hardin na ito ay isang napakagandang lugar para makapag-pahinga at makapag-isip. Ang lihim na hardin ay isa sa pinaka-importanteng bahagi ng mansyon. Dito nagsimula ang C3, dito sila tumibay at tumatag. Ang munting hardin na ito ay isang paraiso para sa lahat ng nakapunta na dito.

The Richmen's DaughterWhere stories live. Discover now