Chapter 3: Adleridge Manor

9 3 0
                                    

Braille Adleridge's P.O.V.

Sa pagsapit ng alas- sais, tulad ng aming nakagawian, pumasok na kami ng mansyon. Hawak kamay kaming lumabas ng hardin. At ng makalagpas na sa sikretong lagusan, masaya kaming bumati sa mga tauhang bagong dating. Pero bago kami makalagpas sa hardin may kumalabit sa akin. Napalingon ako sa kumalabit at ganu'n din ang aking kasama.

"Iha." 

"Lola/Mrs. Reyes!" sabay naming sambit ni Loki sa aking lola, si Dorabella Adleridge. Siya ang pinaka unang may pangalan na ang pinaghanguan ay isang pangalan ng cypher. Siya ang nakatatandang kapatid ni lolo.

Dahan-dahan naming hinarap ni Loki ang matanda.

"Kumusta na po kayo, Mrs. Reyes?" tanong ni Loki, pero imbes na sagutin ni lola ang tanong, tinaasan niya si Loki na 'tila ba'y may  mali ito. "Ay oo nga po pala! Lola Bella pala."

"Ayan! Mas mainam!" sabi ni lola. "O, ano 'yong tanong mo?" sambit muli nito.

"Ahm, Mrs-- I mean Lola! Lola Bella, kamusta na po kayo?" tanong muli ni Loki.

"Ayos naman. Eh, kayong dalawa? May progreso na ba?" tanong ni lola na ikinatigil namin habang si lola nama'y ibinaba ang tingin nito. Nang napagtantuan namin ang tinitignan ng matanda ay agad agad akong bumitaw kay Loki. "O, bakit kayo bumitaw?!" tanong sa'min ng matanda.

"Eh, kasi.." sabi ko naman mula sa kawalan.

"Eh kasi ano?!" tanong na pagalit ng matanda. Napakamot tuloy si Loki sa batok habang ako nama'y napayuko.

"Ang sabi po ni be-"

"Ano sabi mo??" pagputol naman ni lola sa sinasabi ni Loki. "Be? Di ba ang ibig sabihin no'n ay.." sabi ni lola at sabay takip sa bibig niya, nanlaki din ang mga mata nito. Mukhang nagulat sa sariling ini-isip.

"P-po??" sabi ni Loki na nanlalaki ang mata. Nagulat din ako sa sinabi ni lola, ni hindi ko nga magawang magsalita. Tinignan ko uli ang ekspresyon ni lola at ganu'n pa rin ang hitsura nito.

This is so wrong!

Magsasalita na uli sana ako ng bigla naman itong nagsalita muli.

"Kung kayo na.. bakit di ko alam?" sabi ni lola na parang isang napakalaking tagahanga na 'di nasabihan ng mga pangyayari sa tel

Nag-iisip pa si lola kaya naisipan ko nang itama ang maling pag-aakala nito.

"La, hindi po ka-" sabi ko pero pinutol ito muli ng matanda.

"Ikaw bata ka!" biglang turo sa'kin ni lola. "Di ka man lang nagpakita sa'kin kahapon! Mas inuna mo pa yung mga batang 'di mo ka-ano-ano!" napangiwi na lang ako sa sinabi ng matanda. "Mas nauna pa kayong nagkita nitong kaibigan mo kesa sa lola mo!" sigaw uli nito. Napakamot na lang uli si Loki ng kanyang batok. Ako naman ay di maka-isip ng paraan para pakalmahin ang matanda.. "Teka nga! Bakit nga pala kayo nanggaling du'n sa hardin alas-sais ng umaga? Anong ginawa niyo do'n?!" nabigla akong malaman na nakita pala kami ni lola sa paglabas namin ng hardin. 

"Lola--"

"Teka!" pagputol ni lola sa sinasabi ni Loki. Lumingon ito sa pinanggalingan namin at sa di ko maintindihang dahilan, nanlaki ang mata ng matanda at dahan- dahan kaming hinarap. Hinawakan nito ang noo ko at nagsalita. "Magkaka- apo ulit na ako?" sabi ni Lola na ikinabigla naming dalawa.

"No! Lola you're mistaken! Braille's-" pagpapaliwanag ni Loki na naputol ng biglang hinimatay si lola, agad naman namin siya sinalo. "Sh*t!" napamura na lang ang matalik kong kaibigan sa mga pangyayari.

Humingi kami ni Loki ng tulong sa pagdadala kay lola sa loob ng mansyon. At pagpasok namin sa mansyon, nagmadaling tinawagan ni Mama si Dra. Mary Anne Funtez, ang doktor ni lola. Inakyat namin si lola sa kwarto niya at matapos ang ilang minuto, dumating agad ang doktor.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 07, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Richmen's DaughterWhere stories live. Discover now