CHAPTER 2 #PagbabalikSaBagongNeverland

22 1 0
                                    

AUTHORS NOTE: phothona, phothot! Mga ka pete and randy, book 2, sa matagal pong update, kasi po nag-aaply po akong muli sa public school, medyo, madami pong requirements at mahaba ang process, bakit ganun noh? Masyado nilang pinahihirapan yung mga nag aaply sa government??? Anyway, eto na nga ako, wala nang patumpik-tumpik pa! karaka-raka ang chapter 2 ng paborito ninyong sabaw serye este bl fantaserye, pete and randy, book 2, enjoy! credits sa may-ari ng pics, hindi po yan sa akin ok.

"Nandito ako sa garden sa likod ng school building,tinatamad pa akong umuwi ng bahay, inaaya ako ng mga co teachers ko sa party na inorganize nila, pero, tumanggi ako, nagdahilan ako na maysakit ako, kahit wala naman, kahit ang totoo, ang sakit ko...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Nandito ako sa garden sa likod ng school building,tinatamad pa akong umuwi ng bahay, inaaya ako ng mga co teachers ko sa party na inorganize nila, pero, tumanggi ako, nagdahilan ako na maysakit ako, kahit wala naman, kahit ang totoo, ang sakit ko, pagiging brokenhearted, sa talipandas na pete, lumalanghap ng sariwang hangin, nakatanaw sa mga bulaklak at puno, yumuko ako, at napansin ko na suot ko pala ang asul na susi na bigay ni (makikilala nyo sa mga susunod na chapters) nakakatawa lang isipin na para akong si sakura ng cardcaptor sakura, parang bata na maysuot nito, matanggal na nga, kinapa ko ang lock, bakit ganun?

Hindi ko matanggal ang lock!

At umilaw ito!

Seryoso?

Baka naman may pailaw yung susi, pero wala eh!

Hanggang sa, hala!

Lumutang yung susi at may tinuturo itong direksyon, sa malaking puno ng narra!

Hindi hindi to totoo! Malikmata lang yan, randy, sabi ko sa sarili ko, kinurap kurap ko pa ang aking mga mata at kinusot pero hindi eh! Nakaturo talaga yung susi doon!

Tama, aalis na ako dito, baka lang pagod lang ito, sabi ko sa sarili ko pero ang nangyari, hinatak ako ng susi, oo ng mismong susi! Ano ba! Tigilan mo nga ako! Sabi ko sa susi, pero may sariling buhay ang susi, hinatak ako ng marahas hanggang sa nasa tabi na ako ng punong narra na tinuturo nito, oh tapos? Ano bang kailangan mo sa akin! Nasasakal na ako ah! Tanong ko sa susi at hindi ko nagustuhan ang sumunod na nangyari, ahhhhghhhh! May puting malwanag na portal na bastang sumulpot sa punong narra at hinatak ako nito!"

CHAPTER 2 #PagbabalikSaBagongNeverland

RANDY POV

Bog!

Isang pagsabog ang narinig kosa kagubatan ng neverland, anong nagyayari? Asan na yung mga hayop? Mga engkantado?Engkantada?Nagtatayugang mga puno at berdeng mga halaman? Bakit puro mga butas ng isang pagsabog ang mga nakikita ko sa lupa, nasa paglinga linga ako nang biglang bog! Argghhhh! Tinamaan ako ng pagsabog, pero, bakit ganun?, parang may humatak sa akin at heto kami sa ilalim ng isang malaking puno, kamusta ka na?, sabi ni...

CAPTAIN HOOK!

MR. ALBERT MARTINEZ AS CAPTAIN HOOK/ AMA NI PETE

Hindi ok! Nakikita mo naman hindi ba?

Pete and Randy, Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon