CHAPTER 6 #KapahamakanNiRandy

13 0 0
                                    

AUTHORS NOTE: sawadekhup! Mga ka servant 18! Kamusta po kayo? Ok naman po ba? may na po ngayon, pero patuloy ang MECQ o quarantine, kakalungkot noh! Sana nga mawala na yang COVID19 na yan! Para maging ok na tayong lahat, pray, pray po tayo guys nang unti unti na tayong makabalik sa dati, anyway, eto na nga po ang new chapter, ng inyong petexrandy book2, maraming maraming salamat po sa walang sawang supporta! Khap khun khap! Enjoy reading!

CHAPTER 6 #KapahamakanNiRandy

FLASHBACK SCENE

ARAY! MASAKIT YON AH!, sabay sapu sa bayag ni pete, HINDI MO BA AKO BIBIHISAN? SIGE NA! BIHISAN MO NA AKO, PLEASE?, sabay puppy eyes with matching yakap at lagay ulo sa balikat ni randy, AYOKO NGA!, pakipot na sabi ni randy, ang sumunod na eksena ay nakabihis na si pete ng semi formal niyang pang haring kasuotan at kumakain sa lamesita kaharap si randy, masayang masaya ang hari, gayundin si randy, pero itoy palabas lamang sa kanya, sa labas ng pinto, nakamasid lang si wendy, nag iisip ng plano, kung paanong mapapaalis ulit si randy sa neverland, ang hindi niya alam, napaghandaan na siya ni randy, kumbaga nga sa laro ng chess, malapit nang maka checkmate si randy, kailangan lang niyang maisagawa ang plano at ang kapalit nito, ay tagumpay!

SA PAGPAPATULOY...

Ibinaba ni randy ang mga pinagkainan ni pete sa kusina nang masalubong niya dito si wendy, malungkot na umiinom ng orange juice sa lamesa, oh! Anong tinitingin tingin mo dyan, wendy?, akala mo siguro, maawa ako sayo?, hahaha... never! Hindi na ako maawa sa iyo! Ahas ka! Kung bes kita, isa kang sawa...sawang bessss....

Sabi ni randy sa harap mismo ng mukha ni wendy, pero si wendy, blank face, hindi nagalit, kalungkutan lang ang nadarama,

Gusto mong makuha si pete?

Oo, hangal ka ba? Sa tingin mo ba ay babalik ako ng neverland nang hindi siya nakukuha? Hinde!

Pwes! Mag usap tayo sa kagubatan!

Tayo lang, walang ibang kasali.

Hahaha! Ano ako? Utu-uto?

Hindi kita niloloko randy, seryoso ako... sabi ni wendy sa seryosong tono.

Naninimbang si randy, kun pagbibigyan niya ang kalaban o hindi...

Hanggang sa, sige! Pumapayag ako! Hindi ako tatanggi sa alok mo!

SA KAGUBATAN...

Oh ano na! anong pag uusapan natin?, sabi ni randy.

Patawarin mo ko randy, huhuhu, patawarin mo ko sa mga kasalanang nagawa ko sayo, pakiusap! Patawarin mo na ako, huhuhu...hagulgol na sabi ni wendy, unti unti pa siyang yumakap dito, lumalambot naman ang puso ni randy, kaya dito na nakakuha ng tiyempo si wendy na ilabas ang nakatago sa jacket niyang isang maliit na punyal na may pampatulog,

CHUG! Paalam Randy, hahaha!

Hayop ka!

Traydor ka talaga!

Hindi ka na nagbago! Argghhh!

Unti unting nawalan ng malay si randy at ang sumunod na eksena ay, nagkamalay siya, na nakatali sa isang malaking punong narra sa gitna ng kagubatan, sa una, tahimik at walang panganib na mararamdaman sa gubat hanggang sa...

RAAAWWWWRRR!

Isang malaking leon, ang lumitaw sa kaliwa ni randy,

HAYOP KA, WENDY! IKAW BA ANG MAY KAGAGAWAN NITO?

Hanggang sa may isa pang leon na lumitaw sa kanan, nakatingin sa pain na katakam-takam sa paningin nila, kinakabahan na si randy, pero nag iisip siya, pilit niyang kinakalagan ang tali sa likod niya, pero, ramdam niyang makapal at masinsin ang pagkakatali!

NAK NG! PAPAANO AKO MAKAKATAKAS NITO?, sabi niya,

Hanggang sa, naglabasan ang mga grupo ng Leopard at Hayena sa likod ng halamanan,

HINDI! HINDI KAYO TOTOO! MAHIKA LANG KAYO! HINDI NYO KO MAPAPATAY!, sabi ni randy

Hanggang sa, ARRRGHHH!, Naramdaman niya ng unang sakmal ng unang leon sa kaliwa niyang braso, sumunod ang sakmal ng ikalawang leon, sa kanan niyang braso, pilit siyang gustong kumawala sa tali pero hindi niya magawa, hanggang sa, BATHALA, NAPAKALUPIT NYO NAMAN SA AKIN! Umiiyak niyang sabi, ANG GUSTO KO LANG AY HUSTISYA, PERO BAKIT, PARANG SA MGA KALABAN KO PA KAYO, KUMAKAMPI? BAKIT! BAKIT? ARGHHHH...

Nararamdaman na niyang ang panghihina at pagkawala nang dugo nang biglang,

BOG! SLASH!, Unti unti nawala ang mga hayop, dahil sa isang lalakeng naka itim na kapa! Sinagupa niya ang mga hayop nag walang takot!, hanggang sa, wala na ang mga mababangis na hayop at ang nanghihinang si randy na lang ang natira, pakiramdam ni randy na mawawalan na siya ng malay kaya nagpasya na siyang ipikit ang kanyang mga mata at mapagpasyahang magpasalamat sa tao o sa kung sinong tumulong sa kanya ngayon.

Nagising siya sa tinig ng isang lalakeng gumigising sa kanya sa tabi ng kama, napag alamanan niyang nasa isang barko siya at, IKAW! CAPTAIN HOOK? Ang nagligtas sa akin kanina?, gulat na sabi niya.

THE ONE AND ONLY! Ikaw naman! Bakit na nagpauto sa kalaban mo! Muntikan ka nang mamatay sa mahika niya!

Tinignan ni randy ang mga sugat ng paglapa sa kanya ng mga leon, at, wala ito!

ANONG NANGYARI SA MGA SUGAT KO?, gulat na tanong ni randy,

Hindi ka naman talaga nalapa!, as I said, napasakamay ka ng mahika ng wendy!, hindi mo na ba natatandaan na isa siyang BABAYLAN!, MANGKUKULAM NA MANGGAGAMOT???, ang ginamit niya sa iyo ay isang kutsilyong ginagamit din sa mga manikang pangulam sa kanilang mga kaaway!-sabi ni captain hook!

TALAGANG TUSO AT MASAMA SI WENDY!, KAILANGANG MAGING MAINGAT AKO SA SUSUNOD!, sabay tayo ni randy,

Oh! Saan ka pupunta!, sabi ni captain hook.

BABALIK SA PALASYO! TIGNAN KO LANG KUNG DI MANGINIG SA NERBIYOS SI WENDY!, PAG NAKITA NIYANG NAKABALIK AKO NG LIGTAS SA GUBAT!, Tugon ni randy.

Uli, mag iingat ka!, tandaan mo! Hindi palaging nasa likod mo ko! Hindi pa ako dapat Makita nila pete! Huwag kang magpapasindak, matatakot at mahuhulog sa mahika ni wendy, kung gusto mong magtagumpay sa misyon mo dito sa neverland!

ITUTULOY.

AUTHORS NOTE: Sawadekhup guys! OH AYAN! Nakapag update na po ako mga ka pete at randy, habang extended ang Quarantine dahil sa covid 19, khap khun khap! Maraming maraming salamat po sa mga patuloy na naniniwala sa aking talent, bumabasa, nag vote, nag cocomment at naglalagay ng story na ito sa wattpad, booklat at dreame app, hanggang sa susunod na update! Keep safe guys! Mwah! Uy! May jowa ka na? ingat ka! Baka ma ahas yan ng katulad ni wendy! Hehe!

Pete and Randy, Book 2Where stories live. Discover now