CHAPTER 3 #KungMagkikitaTayongMuliPeteXRandy

18 2 0
                                    

AUTHORS NOTE: and im back! Medyo natagalan lang ng update kasi po nag aaply na ako sa public elem, masalimuot ang process, biruin mo yon?, anyway, wala yang kinalaman sa story na to hehe, so balik tayo kila pete and randy.

So eto na po, ang chapter 3 ng pete and randy, book2, tingininginingngining hehe ;D

CHAPTER 3 #KungMagkikitaTayongMuliPeteXRandy

Randy POV

Nagising ako na nasa tabi ni captain hook, hubut hubad at tanging putting kumot lang ang takip, naghihilik pa si captain, tulog pa, pero ako, pinagmamasdan siya, nakangiti, dahil alam kong nasa akin ang pinakamalakas na alas!

Alas na tatalo kay pete.

Saan tayo pupunta?

Tanong ko kay captain, pagkatapos naming maligo ng sabay at magbihis.

Kila pete, magsisimula na ang pinakamagandang palabas!,nakangiti niyang sabi. Inabot din kami ng isang oras sa paglalakbay, papunta sa daungan ng barko, sa palasyo nila pete. Tahimik ang paligid, pero bakas ang sirasirang mga bahay ng mga taga neverland, ang butas butas na mga dingding ng palasyo, ang uka ukang mga lupang taniman at ang mga taga roon na lugmok sa lungkot at kagutuman.

Ibinaba ako ng pasikreto ni captain sa daungan, dahil hindi pa daw ito ang tamang panahon para magharap harap sila, ang plano niya, ako ay babalik sa palasyo, na kunwari sugatan at pinagsamantalahan nila, kukunin ang loob nila pete at, doon magsisimula ang paghihiganti.

Magsisimula na ang palabas, isa, dalawa, tatlo, at inilabas ako ni captain sa backdoor ng palasyo, saktong walang tao, kumatok ako sa pintuan, tulong!!! Tulunganponinyoako!!! Saklolo!!!, nang bumukas ang pinto, sir randy?, sabi ng kawal na puso at, thug!

Kunwari ay hinimatay ako, ramdam kong binuhat ako ng mga kawal, at narinig ko ang boses ng ina ni pete, si wendy at pete, lahat sila nagulat sa aking pagdating, mukha kasi akong kaawa awa, pero ang di nila alam, itoy palabas lamang,

Naramdaman kong inihiga ako sa kama, hinubaran at pinunasan ng maligamgam na tubig, idinilat ko saglit ang aking mga mata, siyanga! Si pete! Ang nag asikaso sa akin, tatay na tatay na ang kanyang hitsura, may bigote at medyo humaba ang buhok, nakapang haring kasuotan na dark blue, siya na ata ang tagapagmana.

Hmm... acting ko kunwari,

Randy, randy, gising, mahal ko,

Hmmmm...at unti unti kong nagmulat ng mata, asan ako?

Nandito ka sa palasyo, kamusta ka na?

Sabi niyang nakalimutan na ata ang mga masasamang pinagagawa niya sa akin,

Hmm salamat pete, miss na miss nakita, pagkukunwari kong sabi, unti unti siyang napaluha, at hinalikan niya ako sa labi, marubdob, mapusok, parang wala nang katapusan hanggang sa, tok! Tok! Tok!, pete, asawa ko, nandyan ka ba?, si wendy! Ahm, hinahanap ka nang asawa mo pete, sabi ko, ahhhgggg, randy, dito ka lang ha, sandal lang, babalikan kita, sabay punta sa pinto ng kwarto, pagkasara nito, narinig ko ang mga yabag nilang pababa, inaya siguro ni pete si wendy, ako na lang, mag isa dito sa kwarto, umiiyak, ang tanga! Tanga ko! Bakit ako umiiyak sa kanya eh hindi naman siya karapat-dapat iyakan, salawahan siya!

Ang dapat sa kanya, mamatay!

Oo nga!

Dapat

Dapat siyang mamatay!

FLASHBACK SCENE SA BARKO NI CAPTAIN HOOK

Sigurado ka na bang papatayin mo ang anak ko?,sabi ni captain hook.

Hahaha, parang hindi mo siya anak ah,sabi ko.

Hindi ko siya anak, sabi nito na siyang ikinagulat ko,

Ha? Eh bakit anak ang tawag mo sa kanya?

Dahil sa asawa ko ang ina niya, kahit ito'y isang palabas lamang!, pagpapanggap!

FLASHBACK SCENE, ANG BATANG AMA NA SI CAPTAIN HOOK AT INA NI PETE

NAKAKADIRI KA!

HAYOP!

IMMORAL!

Sabay ng pagsampal at pagiyak ng ina ni pete sa kwarto nito.

ANONG GAGAWIN KO!?! NALILIBUGAN AKO SA KAPWA LALAKE, ALAM MO YAN, CONSTANCIA! PERO ALAM NI BATHALA, PINIPIGILAN KO!, PINIPIGILAN KO!, PARA SA ANAK MO!, SI PETE!, PARA SA ATIN!, paiyak nitong sabi,

HINDI NA MAIBABALIK ANG DATI NATING PAGSASAMA!, KUNG MAGSASAMA TAYO!, PARA KAY PETE NA LANG YON!,sabay bitaw ng malakas na sampal sa ama ni pete, END OF FLASHBACK.

NAKAKAGULAT! Bakit hindi kita naamoy noon pa! ang galing mong magtago ah!, pagmamangha kong sabi. Lumapit sa akin si captain, nang malapit ang mukha sa akin at sinabing, oh, ano?,nagagalingan ka na sa akin?, sabay nakaw ng halik sa labi ko, buwiset ka! Magnanakaw ng halik!,sabay hampas ko sa kanya, at napalitan ng tawanan ang malungkot naming paguusap, END OF FLASHBACK.

Nasa pagbabalik tanaw ako nang pumasok ulit sa kwarto si pete, ok ka na ba?, tanong niya, hindi ko siya sinagot at sa halip ay niyakap ko siya at nagsimula ang aking acting skills, NATATAKOT AKO PETE, TAKOT NA TAKOT AKO HUHUHU....

Bakit?Ano bang nangyari saiyo? Nakita ka naming duguan at walang malay sa backdoor ng palasyo.

Pinunasan ko ang peke kong mga luha, hindi na sana ako babalik dito sa neverland, kaya lang... may nangyari eh! May dumukot sa akin mula sa mundo namin, mga mukhang pirata, akala ko nga may nag prank o nangloloko sa akin, hindi pala!, totoo pala yon!, dinala nila ako sa kanilang barko dito sa neverland, ikinulong sa isang kwarto, madilim, walang pagkain, at ang mas masaklap pa noon, huhuhu... BINUGBOG NILA AKO PETE! BINUGBOG NILA AKO! HUHUHU AT PINAGSAMANTALAHAN HUHUHU!

Nakita ko sa mga mata ni pete, ang pagkagulat, tumayo siya sa pagkakaupo sa kama at sinabing: MGA HAYOP SILA! MGA HAYOP! Sabay balibag ng mga gamit sa lamesita, ginalingan ko pa ang pagiyak,para maramdaman niya ang awa at panghihinayang sa akin, hinawakan ko ang kanyang mga kamay at sinabing, pete, pakiusap, huwag mo kong ibibigay sa kanila, babalikan nila ako! At papatayin! Pakiusap! Pakiusap... huhuhu, at niyakap ko siya.

HUWAG KANG MAG ALALA, HINDI KA NA NILA MULING MAKUKUHA SA AKIN, MAPAPATAY KO MUNA SILA!, BAGO KA NILA MAKUHA!

At umiyak na naman ako ng peke, SIGE LANG PETE! SIGE! MAGISIP KA NA PATAYIN ANG IYONG STEPFATHER, PARA KAHIT PAPAAANO, MAGAMIT NAMAN KITA AND AT THE SAME TIME, MAKAGANTI AKO SAYO HAHAHA! HAHAHA!,sa isip ko. ITUTULOY.

AUTHORS NOTE: oh ayan, nakapag update na ako, bago ako mag ENGLISH PROFICIENCY EXAM, kasi naman, bakit pa kaming mga teachers, may ganyan bago makapasok sa public elem o hs, talagang literal na pagpasok sa butas ng karayom! Anyway, do vote, comment kung nagustuhan nyo ang aking kwento and put these in your wattpad, booklat, or dreame library, khapkhunkhap! Maraming salamatpo! Mag mamarch na, may apoy pa ba ang relasyon nyo? Sana naman...

Pete and Randy, Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon