CHAPTER 1

32 1 0
                                    

Chapter 1

Zy Vera


Today is my first day as a senior high school student of St. Carmen University kaya umagang umaga pa lang ay kumilos na ako. I admit na masyado talaga akong mabagal sa pag aayos. At isa pa ay kailangan ko pang idaan sina Brent at Bryle sa school nila.

Being their elder sister, it's my responsibility to take a look after them. Simula nung namatay kasi si mama ay hindi na nag asawa pa si papa kaya he became a single parent to us since then.

Nakakalungkot nga lang na hindi man lang nakilala ng kambal si mama. I'm somehow lucky dahil for 9 years ay may tumayong ina sa akin. Unlike them.


I spray my perfume around my body habang tinititigan ang sarili ko sa salamin. Pagkatapos niyon ay lumabas na ako ng kwarto bitbit bitbit ang shoulder bag at phone ko. Naabutan ko silang kumakain ng breakfast with SOMEONE na nakatalikod sa akin.


"Kumain ka na, iha. Pumasok na ng trabaho ang papa mo kanina pa." Sabi ni manang sa akin pagkababa ko.


Tumango naman ako at ngumiti sa kanya. Siya ang pinagkakatiwalaan ni papa na tagapamahala rito sa bahay. Taga-luto, taga-linis, taga-laba ng mga damit namin at kung anu-ano pa, maliban na lang siguro sa mga uniform at undergarments ko.

Talagang maaasahan dito sa bahay si manang. Paminsan-minsan nga ay siya ang napagsasabihan ko ng mga problema ko sa tuwing wala si papa rito.

Madalang lang din naman kasi kung umuwi rito si papa dahil sa trabaho niya, mabuti nalang talaga at nandito si manang.


"MORNING INSAN!"


Napatawa ako at marahang ginulo ang buhok ng gwapo kong pinsan. "Good morning!" I greeted him back at saka naglagay ng pagkain sa plato ko.

"Aga pa bro ah? Tsaka infairness ang gwapo mo ngayon." Nilingon ko siya habang siya naman ay  abala sa pag ihip ng coffee niya.

"Normal, bro." Prenteng sagot niya kaya naman napataas ang kilay ko. WOW. Just--- wow. Lakas makasakay sa pang uuto ko ah? Sabagay kailan pa ba ako masasanay sa kahanginan nitong pinsan ko?

Nagulat ako nang bigla siyang humagalpak ng tawa sa gilid ko. GHAD.


"Ate ihahatid daw niya kami sa school namin, right kuya?" Tanong ni Bryle sa kanya. "You got it right, 'lil bro." Sagot ni Cael sabay fist bump nilang tatlo including Brent.


Brent and Bryle do really have the same features but Brent is more childish compared to Bryle. Well, mas nauna kasing lumabas si Bryle sa sinapupunan ni mama kaya siguro ganon— I dont think so. Brent's hair is highlighted with brown kagaya nang sa akin while Bryle have the spiky black. Bryle also have his birthmark above his eyebrows.

My brothers are totally handsome. They look like an exact male version of my mom.



After namin ihatid ang kambal sa school nila ay dumiretso agad kami ni Cael sa University namin. We're both Grade 11 students and I'm taking HUMSS while his is STEM.

Actually, ako lang talaga ang lumipat sa school na ito for senior high. Sina Cael at Kuya Silvester naman ay dito na talaga nag aaral since first year high school pa sila. They're siblings but kuya is one year ahead than the both of us. Ate Florence naman is their eldest sister. She's already in her college.

Sa lahat ng pinsan ko sa side ni papa ay si Cael ang pinaka close ko sa kanila. Dahil syempre, magkababata kami. He's, uhm... annoying and childish, but a lot of girls out there are keep on chasing him. Gwapo eh.

The Pain Of Loving YouWhere stories live. Discover now