CHAPTER 3

15 0 0
                                    

Chapter 3

Zy Vera

Two weeks had passed since I transferred a new school. New surroundings, new faces, new friends. I thought at first that it's just going to be simple but I'm wrong. It didn't. My existence spread like a wildfire in just a week.

Kilala ang mga pinsan ko rito. Kung tutuusin ay hindi na nga dapat ako magtaka kung masyado akong napagtutuunan ng atensyon. But of course... I'm just not used to it. I'm not aiming for spotlight or anything at all.

For a short period of time ay mas lalo kong napagtanto kung gaano kasikat ang Off-beat Creative Group sa school na ito. I saw their personality and their differences to each other as well.

Silvester and Klevin are the most matured members in their group. Kung titignan ay sila rin iyong pinaka-matangkad. They're the most serious and passionate when it comes to dancing. Ang sabi sabi nga ay sila raw ang best assets ng grupo. Ang pinagkaiba lang siguro ng dalawa ay mas ilag at suplado si Klevin. Kuya Vest looks that way too but he's more approachable. Si Klevin kasi iyong tipo na malakas ang dating pero parang ang hirap lapitan at kausapin.

Count and Von are the bubbliest on the other side. Hindi ko alam kung ano ang kinakain nila at parati silang hyper. Hindi mapaghihiwalay ang dalawang ito lalo na pagdating sa kalokohan. Kumbaga, sila iyong clown sa grupo. Mapang-asar din at kung nagkataong pikon ka ay talagang mas lalo kong mapipikon sa kanila. Para silang sina Brent at Bryle version sa sobrang kulit at daldal. They're the noisiest among the rest but the best to be with.

Cael and Rylie are the most winning and cute. Sila iyong bunso sa grupo. Sa pagkakaalam ko rin ay dati ng pumoporma si Rylie sa kaibigan ko. I am just not that sure of what's really going on between them. Si Cael naman ang crush ng karamihan pero never pang nagka-girlfriend. Ewan ko ba sa kaniya. Cael also got the soft features of his Kuya Silvester.

"Grabe Zy, sobrang compatible nila sa isa't isa..." pagku-kwento ni Shanine sa akin.

"May g-girlfriend si Klevin?" I asked hesitantly while looking at my food. Sa sobrang dami ng sinabi niya ay parang hindi mag sink-in sa akin ang lahat.

Of course, Zy! Sobrang gwapo tapos walang girlfriend? It's 21st century for pete's sake!

"Yes!"

Kumikislap ang mga mata ni Shanine nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya. She's smiling sweetly na para bang suportadong suportado niya ang relasyon ng dalawa noon pa man. Na para bang ang daming nangyaring maganda bago pa ako dumating.

Ngumiti ako ng hilaw habang pinapaikot sa tinidor ang pasta ko.

"Ldr... pero keri lang." dagdag niya at nagkibit balikat.

Napainom ako ng juice dahil parang may kung anong nagbara sa lalamunan ko. Nasa isang pasta and pizzeria shop kami dahil inaya ako ni Shanine na kumain muna bago kami umuwi. It's her treat anyway so who am I to say no?


Mag aalas-sais nang mapagpasyahan naming umuwi na. Sinusundo na rin kasi siya ng driver nila. May solo speech pa kami bukas pero heto kami...

"Ingat!"

"You too. Bye bye!" aniya bago sumakay sa kanilang itim na honda.

My smile faded away when I could no longer see the car she was in. I tilted my head and looked up at the sky. The sun was now sinking and the whole sky was turning to blood. The cold breeze of wind flew my hair away.

For some unknown reason, dinala ako ng aking mga mata sa kabilang kalsada. I flinched. Klevin is there. He's holding his phone and taking a photo of the beautiful scenery which I admired the most.

The Pain Of Loving YouWhere stories live. Discover now