CHAPTER 5

16 0 0
                                    

Chapter 5

Zy Vera

"Excuse me, nurse. Nasaan ang room ni Cael Trias?"

I slightly tapped the information desk. Natigil sa pagku-kwentuhan ang dalawang nurse sa nurse station at agad akong inassist. She scanned something on a monitor and pointed to me the direction.

"3rd floor, room 54, miss."

"Okay. Thank you."


Agad kong sinunod ang sinabi niya sa akin. Sa sobrang pagmamadali ko nga ay hindi na ako nag-abalang kumatok pa at walang pag-aatubiling pinihit ang door knob ng pintuan.

Napatingin silang lahat pagpasok ko. Nakaupo si Cael sa hospital bed habang dindampian ng nurse ang kaniyang pasa ng ice pack. Si Kuya Vest naman ay nakayuko lang sa kamay niyang may benda. Count and Von are both standing near the window while Klevin was leaning beside the door.

"Kumukulo ang dugo ko sa inyong mga bata kayo," halatang naii-stress na sambit ni Mommy Lori habang pinapakalma siya ni Ate Florence.

Mommy Lory is my tita but I'm calling her 'My' or 'Mommy' since then.


"My," I called her softly.


She turned around and gave me a sad smile. Napabuntong hininga ako at agad na dinaluhan si Cael para tignan ang kaniyang lagay. There are bruises on his face! Siya pa naman ang pinakabata sa kanilang lahat tapos sumali-sali siya roon?!

"Anong nangyari?"


Inilibot ko ang paningin sa kanilang lahat para makakuha ng sagot pero wala akong nakuha. They are all avoiding my gaze!

"Goodness," I uttered out of frustration and roamed my eyes to pin-point someone.

"Von? Ano ba..." I trailed off. "Ano ba talagang nangyari sa inyo roon?"


His eyes darted from left to right until he met mine. Parang tanga niyang itinuro ang sarili at saka tinanong si Count sa gilid niya kung siya raw ba ang kinakausap ko.

"Oo, tanga," siniko siya ni Count.

"A-ah ano, e... na-napaaway," he answered when I gave him a glare. "M-may mga nag gate crash kasi, e. Hindi namin alam kung saang school galing pero nanggulo tapos binastos si Shanine."


"What?! Where is she?"

"Hinatid na ni Rylie." Sagot niya.


Nasapo ko ang aking noo sa sobrang frustrated. I didn't expect this to happen. Paniguradong malaking issue ito sa SCU, and worse, baka makarating pa sa faculties.



Nagkausap kami saglit ni Ate Flor at Mommy nang medyo humupa na ang galit niya. The doctor said earlier that the boys can go home na. Wala naman silang natamong malala though. Pasa at sugat lang, so far.

"I contacted Kuya Jim kanina and he texted that he's now waiting for you at the parking lot." Ate told me as she gave me a hug. She's pertaining to their driver na susundo sa akin.

"Sleep-over ka sa bahay minsan, ha? Alam mo naman, iba na talaga ang college life. No ta walwal na muna," dagdag niya at mahinang tumawa.


I smiled. I'm just happy for her. She's now more matured in handling things. Well, it's part of growing up.


"Klevin, iho? Can you take our Zy to the parking lot? I don't think she knows the way." Mommy Lori glanced at me.


I closed my eyes in embarrasment. Masyado naman nila ata akong bini-baby?!

The Pain Of Loving YouWhere stories live. Discover now