DNF: Entry 7

238 4 0
                                    

Dear Diary,

REALLY!? Hanggang ngayon ay naninigas parin ang katawan ko sa mga nangyari kanina. Hindi ko kasi sukat akalain na posibleng mangyari ang mga bagay na yun pero—hindi ko alam! Hindi ko na maintindihan!

Kauuwi ko lang ng bahay, gulat. Takot. Di malaman ang gagawin. Tuliro. NAAA! I let my guard down! Ano ba naman yan! Pambihira naming pangyayari yan! Ba’t ba kailangang maging ganito?

Kung nagtatanong kayo kung anong nangyare, sige. Ikukwento ko sainyo. Haaaaay nako!

(Earlier than that)

 

“Eeeeeeeeeeeeeeeeh! Naiinis ako!” she said habang naglalakad kaming tatlo. Si Barbara na kumakain ng instant noodles at si Alexia na pulang-pula dahil sa galit. Ewan ko ba kung bakit galit na galit siya. Pero cute parin siya. Nyaaan

“Ikain mo nalang yan.” Sabi ni Barbara. Aba. Effect ba to ng noodles at ang bait-bait niya kay Alexia ngayon?

“No. I’m not hungry. Though—“

“AH! Anyways, thank you at sinamahan niyo ako. Kailangan ko nang pumunta sa klase. Late na ako! Jaa!” sabi niya sabay takbo. PERO TEKA! INIWAN NIYA AKO!?

“Aaaaaah…” napasigaw si Alexia. OMG. Napaupo siya sa sahig at hawak-hawak niya ang tiyan niya. Na-nako naman! Ba’t ba ako iniwan ni Barbara!

“A-alexia! Okay ka lang ba?” sabi ko sakanya.

“H-help me please!” sabi niya. Mukang hirap na hirap na siya. Akay-akay ko siya papuntang clinic at sabi ng school nurse ay umuwi nalang daw siya para gumaan ang pakiramdam niya. Binigyan siya ng gamot para medyo gumaan ang pakiramdam niya papuntang bahay. Haaaaay.

“Kaibigan ka ba niya?” sabi nung nurse.

“Ah.. Opo.” Ata.

“Samahan mo nalang siya pauwi ha? Baka kasi mapano siya doon papuntang bahay. Mabuti na yung may kasama siya.

“Ah eh.. Sige po. Thank you po maam.”

“Okay sige.” Sabi nung nurse sabay alis. Iuuwi ko daw si Alexia sa bahay niya. Nako naman. Yung ganda kong to ay hindi ginawa para tagahatid ng bahay ng isang babaeng—oh. Nevermind.

“Aphrodite—ako nalang ang uuwi. May kotse naman eh.”

“Ha? Hindi! Sasamahan parin kita.”

“Ha? Ah.. eh.. wag nalang Aphrodite. Ka..kaya ko nanaman eh.”

Tingnan niyo to. Kanina halos pumasok na siya sa loob ko dahil gusto niya akong kasama. Ngayon, tinataboy na niya ako dahil sa ihahatid ko lang naman siya ng bahay. Ewan ko ba kung anong kaartehan meron ang babaeng to.

Diary ni Faphrodite: Ang Diyosa ng FapWhere stories live. Discover now