DNF: Entry 8

209 5 0
                                    

Dear Diary,

“Uuuuuuy okay ka lang ba Aphrodite?” tanong sakin ni Cyrene. Tatlong linggo na rin ang nakalilipas simula nung mangyare yun. Si Cyrene na ang katabi ko ngayon dahil lumipat ng upuan si Carkmichael na malapit sa pinto. Tinitingnan ko siya sa malayo since ako nga nasa pinakasulok, malapit sa may bintana. Nakipag-exchange si Carkmichael sakanya kaya naman naging instant friend ko si Cyrene.

“Okay lang ako Cyrene.” Sabi ko sabay tingin sa bintana.

“HINDI KAYA! Tingnan mo nga yang mata mo? Ang lalim oh! Mag-iisang buwan ka na kayang ganyan!” sigaw ni Cyrene. Napansin kong napatingin si Carkmichael sa direksyon namin saka tiningnan lang ako. Pero siyempre, hindi ko siya tiningnan.

“Ah eh… Grabe kasi talaga yung mga anime na pinapanuod ko! Ang babadass! Kaya nag oovertime ako sa panunuod! Grabe kasi talaga eh! Woooo! Actually, hindi ko na nga sana gustong matulog eh. Kaso lang kailangan na talaga eh. Kaya ayun. Ganito yung mata ko. Ahehe” pagpapaliwanag ko sakanya. Pero siyempre, hindi naman talaga yun yung dahilan.

 Napatingin naman si Carkmichael sa bag niya diary saka lumabas ng room. Sinundan siya ng mga tingin ko hanggang sa nawala na siya ng tuluyan.

“Baliw baliw kang babae ka. Dapat hanggang 10pm ka lang o 11pm! Pumangit ka na tuloy. Tingnan mo itsura mo sa salamin. Muka kang zombie.”

“Eeeeeeeeeeeeeeh hayaan mo na. Teka lang, na c-cr ako. CR muna ako ha? Tapos bibili na rin ako ng pagkain!”

“Aw okay okay. Sige! Balik ka agad ah?”

“Hmmm! Okay!” sa totoo lang hindi naman talaga ako naiihi. Pero gusto ko lang bumili ng pagkain. Kinuha ko ang wallet ko sa bag saka lumabas na ng classroom. Buong linggo akong walang tulog kasi naman

PARATI KONG NAIIMAGINE SI ALEXIA AT SI CARKMICHAEL! Sus maryusep namang buhay to diary.

Maglalakad na ako papunta ng elevator nang may humawak sa kanang braso ko.

“Ah—uy!” hinding hindi ko talaga to inaasahan eh.

“Sabi ko na nga ba’t lalabas ka.”

“Lalabas talaga ako Carkmichael! Bibili ako ng pagkain eh.”

“Yan rin ang inisip kong sasabihin mo.” Gusto ko pang barahin ang lahat ng mga sinabi niya diary. Pero napatitig siya sakin ng matagal. Yung mga tingin niyang parang wala naman talaga siyang tinitingnan pero nakatingin siya sakin. Nang—

“May gusto ka ba sakin?”

Halos malaglag yung panty ko nun diary. Pwera biro. Kasi naman! Yung—yung tanong niyang yun. Hindi ko rin maintindihan eh.

“Wa—wala! Wala akong gusto sayo!” sagot ko nalang. Tiningnan lang niya ako ulit. Saka ngumiti sakin at binitawan ang braso ko.

Diary ni Faphrodite: Ang Diyosa ng FapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon