Chapter 52: LIAM MONTENEGRO

102K 2.4K 274
                                    

Chapter Fifty Two: LIAM MONTENEGRO

Flashback

WIMBLEDON HIGH THEATER

THIRD PERSON POV

“Family, friends, professors, and graduates, welcome to the Wimbledon High School Class of 2009 Graduation!” saglit na tumigil ang Head Mistress at tiningnan ang mga estudyante nya.

“Although today is not the first graduation for any of you, it is more than likely to be the wettest, and it is more likely than not to be your last. Despite its finality, today is not the last day that you will spend celebrating each other’s lives together. “

Tahimik lang ang lahat at nakikinig dito,  wala man kahit isa ang nagtatangka na gumalaw o mag-ingay dahil kilala nilang magalit ang Head Mistress ng Wimbledon.

“Finally, on behalf of all of the graduates, I send out our heartfelt thanks to those of you who traveled from near and far to join us here today. Not only do we appreciate your presence at this ceremony, but also your endless guidance and support over the past three, and often more, years. They could not have done it without you, and to that end this graduation ceremony commemorates our joint achievement…..”

Matapos magsalita ng Head Mistress ay agad na nagpalakpakan ang lahat at tumayo, sunod naman na lumapit ang emcee sa mic stand at nakangiting ngumiti sa lahat.

“and now, for the speech of class valedictorian…”

Saglit itong tumigil at tiningnan ang list nito kung saan nakasulat ang pangalan ng mga High school students graduate ngayon araw at kung sino-sino ang mga nakakuha ng karangalan.

“Liam Xavier Montenegro”

Isang malakas na palakpakan ang maririnig sa buong theater, may ilang sumisigaw pa at sumisipol. Naghintay ng ilang sandali ang mga graduates, guest at parents sa may stage para sa pag-akyat ni Liam.

“Montenegro?”

Tiningnan ni Eloisa si Pamela na nakaupo sa may bandang unahan ng guest, napailing na lang si Pamela dito habang sinisilip ang relo.

“Kuya bilisan mo, late na ako!”

“Heto na nga!”

Halos mabangga na ni Jireh ang mga sasakyan sa unahan nya sa sobrang bilis ng pagpapatakbo nito. Hindi na nga nya pinapansin ang traffic sign para makapagdrive ng mabilis.

Halos isang oras na silang late para sa graduation ceremony ni Liam isama pa na ito ang magbibigay ng speech para sa batch nila bilang valedictorian.

Hinubad ni Liam ang damit nito at saka isinuot ang isang puting polo. Sa sasakyan na sya nagbihis dahil wala ng oras kung dadaan pa sila sa bahay nila. Hinubad na din nya ang rubber shoes at nagpalit ng leather.

Apostle Thirteen: The Return of the QueenWhere stories live. Discover now