Chapter 65: WAR OF APOSTLES part 1

136K 3.1K 1.4K
                                    




Chapter Sixty Five: WAR OF APOSTLES part 1

THIRD PERSON POV

Flashback

"What should we do? Sigurado ako na susugod agad si Ophiuchus..."

"Sigurado yun..."

Napatingin ang lahat kay Lyra, matapos nilang malaman ang katauhan ni Kneel as Ophiuchus, hindi na agad nagsayang pa ng oras si Lyra.

"First, kailangan nating malaman kung nasaan sya at kung anong pinaplano nya. After revealing his self, hindi na magaaksaya ng oras si Kneel para patayin tayo..." at yun din ang gustong gawin ni Lyra.

The first one who will make the first step will have the advantage in this war. Isa ito sa mga bagay na iniiwasan ni Lyra na mangyari noon, hindi dahil sa posibilidad nab aka matalo sya o mamatay kung hindi dahil sa mga taong nadadamay.

It is a war na walang kasiguraduhan kung mabubuhay ka pa, na bilang ang bawat Segundo mo at paghinga, na tatapos sa kung ano pa mang pangarap meron ka.

Huminga ng malalim si Caleb na nakasandal na ngayon sa pader habang nakatingin kay Lyra. He knew that Lyra was in pressure at naiinis syang isipin na isa sya sa punot dulo ng lahat ng ito.

Kung pwede nga nya lang ibalik ang nakaraan ay ginawa na nya pero alam ni Caleb na imposible ito at wala ding mangyayari kung patuloy nyang sisisihin ang sarili nya.

"Based sa mga nakaraang magkilos nya, he is attacking in general. Ibig sabihin, may posibilidad na gumawa sya ng isang bagay na papatay agad sa atin sa isang atake lang..." si Caleb.

"Pero paano natin malalaman kung nasaan si Ophiuchus?"

Lahat sila ay nag-isip ng paraan kung papaano malalaman ang location ni Kneel o kung saan ito possible na naandoon. Since si Caleb ang lagi nitong kasama, possible na alam nito kung papaano mag-isip ito.

Napasandal si Lyra sa kinauupuan nya at idinaas ang paa saka ito ipinatong sa kabila na nakadikwatro.

"Alam ni Kneel kung saan ako nakatira kaya possible na minamatyagan nya din ang mga kilos natin. Kung matre-trace natin ang connection nya sa mga cctv at system, malalaman natin kung nasaan sya..."

"You mean by system at connection..."

"Ihahack natin mismo ang computer system at security sa bahay ko, sigurado ako na may trace doon kung saan nakakonekta si Ophiuchus..." dagdag ni Lyra.

Sabay sabay naman na napalingon ang lahat kay Pierre na nasa isang sulok lang at hawak ang laptop nito busy sa kung anoman ang ginagawa.

"Teka, bakit kayo sa akin nakatingin?" Pierre

"Obviously, pagdating sa hacking, ikaw na ang pinakamahusay sa grupong ito..." si Lyra saka tumingin kay Akagi na nasa isang sulok din at ayaw lumapit sa mga Apostles sa takot nitong masaktan sya.

"Hoy Akagi, tamaan ka pinapatamaan kita"

"Bwisit ka!"

Ngumiti lang si Lyra dito at mas natuwa pa syang asarin si Akagi. Ibinaba ni Pierre ang laptop nito at natatawang tumingin sa lahat.

"Teka teka lang ha, si Ophiuchus ang pinaguusapan natin dito. Sa tingin nyo ba magiiwan sya ng code kung saan mahahanap natin sya?"

Nahirapan nga silang alamin ang katauhan nito then gusto ni Lyra na itrace nya ang kinaroroonan ni Ophiuchus? Para na din sya nitong ipinain sa kalaban at isa pa, kapag nadetect sya ni Ophiuchus, siguradong malalaman din nito ang location nila.

"Kung ganun lumayas ka dito, wala ka palang silbe eh" saka binato ni Lyra ng sapatos si Pierre.

"Ang hard mo Lyra..."

Apostle Thirteen: The Return of the QueenWhere stories live. Discover now