Chapter 55: PREPARATION

96.5K 2.4K 997
                                    

Chapter Fifty Five: PREPARATION

HOSPITAL

THIRD PERSON POV

Agad na sumugod si Kyle sa hospital ng malaman nya ang nangyari. Hindi na nga ito dumaan pa sa reception para magtanong, gusto na nyang makita si Amber at malaman kung ano ba talaga ang nangyari dito.

Halos maibuga naman ni Pierre ang kapeng iniinom nito ng mapadaan sa gawi nya si Kyle na halatang kinakabahan at di mapakali. Agad nitong itinapon ang cup ng kapeng iniinom at tumakbo papunta sa kwarto ni Amber.

"Masamang balita..."

Napatingin naman si Eiji at Klio kay Pierre na natataranta at di alam kung saan magsisimula.

"Naandito yung ex ni Amber"

"Ex?" si Klio

Sa pagkakatanda ni Klio, wala namang ibang naging ex si Amber at wala din itong ibang nakarelasyon bukod sa kanya. Hindi kaya ex lang ni Pierre ang nakita nya o hinahunting na ito ng mga babaeng niloko lang nya?

"Yung nagpapatay sayo..."

"It's Kyle, paano nya nalaman?" si Eiji.

Nagkatingnan naman ang dalawa pagkatapos ay tumingin si Klio kay Amber na halatang nagulat din.

"Naging kayo?"

"Hindi ah..." mabilis na tanggi nito.

"Masama ito..."

Napayuko si Eiji at bahagyang nag-isip. Ang alam nito, patay na si Klio at kung naandito man nga si Kyle ngayon, possible na alam na nito ang kondisyon ni Amber. Isa pa, buntis si Amber at yun ay isang bagay na hindi na nila matatago.

Tumayo si Klio at pinatunog ang mga daliri nito. Noon paman, gusto na nyang basagin ang mukha ni Kyle o di kaya ay ipakaladkad ito sa kabayo sa kahabaan ng Edsa at ito na ang pagkakataon para gawin yun.

"Tang-ina, ngayon ko sya babawian, tamang tama na nasa hospital na sya..."

Tumayo na din si Eiji at saka hinila si Klio. Hindi nya pwedeng hayaan na magkagulo dito. Knowing Klio, wala itong pinipiling lugar lalo na kapag galit sya pero mas lalong magiging komplikado ang lahat kung hahayaan nya itong magwala dito.

Itinulak nya si Klio papasok sa isang cabinet kung saan nakalagay ang mga damit ni Amber.

"Eiji, ano ito?"

Pilit na lumalabas si Klio sa cabinet pero pilit din syang itinutulak papasok ni Eiji sa loob.

"Nakalimutan mo na ba? Ang alam nila, patay ka na..."

"Oo nga" si Pierre.

"Sumama ka na din sa kanya..." at hinila ni Eiji si Pierre at sinipa din ito papasok sa loob.

"Teka, bakit pati ako?"

"Amber..."

Hindi na natapos ni Klio at Pierre ang sasabihin nila ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Kyle. Lalabas sana si Klio pero sinipa pasara ni Eiji ang cabinet para sumara, naipit pa ang kamay ni Pierre sa ginawa nito.

"Kyle..."

Lalapitan sana ni Kyle si Amber pero biglang humarang si Eiji sa harapan nito. Napatigil si Kyle at humarap dito.

"At sino ka naman?"

"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong nyan? Bigla bigla kang pumapasok sa kwarto ng iba..."

Nainsulto si Kyle sa sinabi nito, para kasing pinapalabas nya na wala naman silang pinagsamahan ni Amber at taga labas lamang ito.

"Are you a friend of her? Maybe kay Aries..."

Apostle Thirteen: The Return of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon