Prologue

228 10 8
                                    

PROLOGUE

        Nakaupo ang isang 20 year old Danna sa isang sulok ng waiting area ng terminal 3 ng International Airport, giniginaw at nag-iisa. Hinihintay nyang dumating ang kanyang dalawang matalik na kaibigan na animo’y isa siyang muchacha kung tratuhin ng mga ito. Galing kasi ang mga ito sa isang Student Summit sa China and for sure ma a-out of place na naman siya sa kanya-kanyang panghahambog ng mga ito tungkol sa kanilang masayang paglalakbay.

         Ewan nya kung bakit itinuring nya ang mga ito na matalik na kaibigan despite the fact that they were so expert in pointing out her flaws and demeaning her in front of everyone. Ganoon nga talaga siguro ang friendship, walang pinipili. She loves these two despite their differences.  Naging kaibigan nya ang dalawa since highshool and hindi nya inakala na magtatagal ang pagkakaibigan nila ng ganito. The  two are in their last year in college at maiiwan siya with her five year course na ilang ulit nya na ring ibinagsak.

        “Ang tagal naman nila. Bakit pa kasi ako pa ang magsusundo sa kanila eh sa may kotse naman na makakasundo sa dalawang yun!” Napakamot nalang ng  ulo si Danna dahil sa makati rin naman talaga iyon. Hindi pa kasi siya naliligo dahil tumawag ang dalawa na magpapasundo sila sa kanya. ASAP daw kaya ayan ang aga nyang naghintay sa wala.

        Kung hindi lang siguro siya open-minded ay malamang napaghahalataan nya na ang mga ito na ginagawa na siyang isang driver which is hindi naman talaga maikakaila dahil panay ang pagpapahatid ng mga ito sa kanya sa kung saan-saan. Nauubos na nga ang kanyang baon dahil sa gasolina at toll fee. Shopping ditto, shopping doon, lakwatsa kung saan-saan, masaya sana kung sa pagsasama-sama nya sa mga ito ay mag-eenjoy din siya, eh hindi naman! Minsan kasi siya ang bumibitbit ng mga pinamili nito dahil nahihirapan na ang mga ito sa dami ng mga pinamili. Parati lang din siyang nakasunod sa dalawa na animo’y yaya talaga ng mga ito dahil nabobored na siya at hindi nya maenjoy ang ginagawa.

        “Psh. Bwiset tong dalawang to ah! Lagi na lang. ” Reklamo pa nya habang inaayos ang pagkakalagay ng kanyang eyeglasses at isinalpak ang nakatodong volume ng kanya earphones.

        Ilang minuto pa ang lumipas bago dumating ang mga ito. Ensakto din namang nangangamoy na siya at umiinit na ang kanyang puwet sa kaka-upo.

        “Bessssshhhhhyyy!” Alam nyang iyon ang sinabi ni Dindy kahit di nya iyon marinig dahil sa lakas ng earphones na nakasalpak. Dindy is lofty and a beauty at 20 and she would definitely fit as a beauty queen. Moderate lang ang pagka-maldita nito at nasa lugar din di gaya ng nakasunod na nakabusangot na si Summer. Maganda din ito at maraming nanliligaw dito, kaya lang she is becoming the literal bitch that everyone is talking about. Papalit-palit kasi ito ng boyfriend at minsan nga ay nangtu-two time. Magaganda ang dalawa, samantalang siya naman, frustrated cool nerd na darkly tanned dahil sa kasasali sa mga drag race at napaka gulo pa ng buhok na ilang beses nya  nang kinamot ngayong araw, parang may kuto na nga siya eh. Magkakasing-edad lang naman sila at hanggang ngayon ay nagtataka siya kung bakit hindi pa siya dumaan sa pagdadalaga.

        “Tik!” Pinitik ni Dindy ang hangin para magising kuno ang diwa nya while Summer harassingly grabbed her earphones from her ears. Masakit iyon dahil nabigla siya sa ginawa nito but instead of throwing out an angry growl at her friend ay ngumiti lang siya sa mga ito, now that’s what they call hypocrisy. Magaling siya doon, sa pagtago ng totoong nararamdaman. Sayang ang lamig ng aircon kung paiinitin lang ng dalawang utak na kumukulo!

Cupid's MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon