UF: Prologue

7.6K 239 29
                                    

UF: Prologue

Mga ngiting malapad ang sumalubong kay Raziel Cassius nang makauwi siyang muli sa Cloude Feryss.

"Maligayang pagbabalik, anak ko," nakangiting bati ni Zadkiel nang dumating ang kanyang anak na si Raziel galing sa mundo ng mga tao at mga bampira.

"Ikinagagalak ko rin pong makita kayo ulit, ama," magalang na sabi ni Raziel saka yumuko sa kaharap niya at bumaling kay Angelo at Master Lou. "Ikinagagalik ko po kayong makita rito."

"Raziel, na-miss kita!" masiglang sabit ni Angelo saka yumakap kay Raziel kaya yumakap rin pabalik ito.

"May laman ang tiyan mo, Raziel," seryosong sabi ni Zadkiel na nagpahinto sa kanya at napakapit siya sa damit niya.

"O-Opo, b-buntis po ako," pagtatapat ni Raziel na nagpalaki sa mga mata ni Angelo at napatingin sa tiyan niya.

"A-Ano? Pero lalaki ka, Raziel," naguguluhang sabi ni Angelo at hinawakan ang tiyan ni Raziel at hinihimas ito. "May bata rito?"

"Sino ang ama?" seryosong tanong ni Master Lou dahilan para hindi makasagot si Raziel at napayuko nalang.

"Halatang-halata naman sa pakpak mo na sinuway mo ang unang batas ng mga anghel, ang mahulog sa isang taga-lupa," sabi ni Zadkiel habang nakatingin sa pakpak ni Raziel na may kaunting parte na kulay pula.

"P-Patawad... ama," hikbi ni Raziel pero ngumiti lang si Master Lou samantalang si Zadkiel ay seryoso lang.

"Bampira ba ang ama?" seryosong tanong ni Zadkiel na nagpalaki na naman sa mga mata ni Angelo.

"Bampira?" mahinang tanong ni Angelo halatang gulat sa narinig. "A-Ano?"

"O-Opo," nakayukong sagot ni Raziel.

"Ano na ang gagawin mo?" tanong ni Master Lou.

Nag-isip naman si Raziel dahil sa tanong ni Master Lou. Kahit na si Raziel ay hindi niya alam kung ano ang gagawin niya, galit siya sa sarili niya dahil hindi man lang niya sinabi kay Sefarino ang katotohanan, parang dinurog ang puso niya dahil ipinagkait niya ang anak nila.

"Mahal mo ba si Sefarino Lazarus?" Napaangat naman si Raziel sa mukha niya dahil sa tanong ni Zadkiel. Kahit na marami siyang tanong sa isipan lalong-lalo na kung bakit kilala ni Zadkiel ang bampirang si Sefarino.

"O-Opo," pagtatapat ni Raziel kaya napangiti ang ama niya.

"Gusto mo bang bumalik?" Nagulat naman si Raziel sa tanong ng ama at nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na kasiyahan sa kanyang puso.

"Opo!" walang pag-aalinlangang sagot ni Raziel.

Ngumiti naman si Zadkiel saka niyakap ang anak, napatingin naman si Raziel kina Angelo at Master Lou na ngayon ay nakangiti na rin, masaya sila para kay Raziel.

"May kondisyon ang pagbabalik mo sa lupa." Kinabahan naman bigla si Raziel.

"A-Ano po?"

"Makakalimutan mo ang mga bampirang nakasalamuha mo, okay lang ba 'yon sayo?" tanong ni Zadkiel kaya tumango si Raziel. "Kaya mo bang tumira doon?"

"Opo," sagot niya. Kakayanin para sa hinaharap.

"Huwag kang mag-aalala dahil nandoon si Mazel para tumulong."

"Salamat, ama."

"Iiwan mo na naman ako?" reklamo ni Angelo kaya napatawa si Raziel.

"Pasensya ka na, Angelo."

Lumapit naman si Angelo saka hinawakan ang tiyan niya.

"Dadalawin ko kayo roon, ano ang ipapangalan mo?" tanong nito habang hinahaplos ang tiyan niya. Tahimik ding naghihintay ng sagot sina Zadkiel at Master Lou.

"Hindi ko pa alam kung babae ba o lalaki ang dinadala ko," sagot ni Raziel dahilan para mapangiwi si Angelo dahil nae-excite na siyang makita ang bata.

"Lalaki ang magiging anak mo, Raziel," nakangiting sabi ni Master Lou. "Ramdam ko."

Napahawak naman si Raziel sa tiyan niya at nag-isip kung ano ang ipapangalan sa bata.

"Safarel," bulalas niya saka tumingin sa kanila. "Safarel ang magiging pangalan ng batang dala ko."

Unbiased Fate - [MPREG]✓Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora