UF: 04

2.5K 198 13
                                    

UF: 04

"Y-Your mom?" mahinang bulalas ni Sefarino saka naramdaman niyang kumabog ang dibdib niya.

"Insan? Pinapapunta ka sa sala dahil may importanteng—" hindi na natapos ni Orazi ang sasabihin ng napatingin siya sa magkasama na sina Sefarino at Safarel na nakatitig sa mga litrato na nasa pader.

Para silang mag-ama, kapareho ang mga reaksyon nila na nagpailing kay Orazi at saka ngumiti. "Ayaw ko munang sabihin kay insan."

"Insan?" tawag niya kay Sefarino pero tiningnan lang siya nito saglit saka bumaling kay Safarel.

"Maiwan na muna kita rito," paalam ni Sefarino saka tumungo na sa pinto pero agad lumingon si Safarel.

"Old man, I'm coming with you!" sigaw ni Safarel saka tumakbo sa tabi ni Sefarino habang si Orazi naman ay naiwan sa kwarto.

"Old man?" nagtatakang tanong niya. "What a strange kid, he dares to call Sefarino an old man, manang-mana sa ugali ni Sefarino."

Wala na ring nagawa si Orazi kundi ang sumunod sa kanila.

Pagdating nila sa sala ay agad na sumalubong si Elerah pero nagulat ito nang makita si Safarel.

"That—wow. B-Batang Sefarino ang kaharap ko," manghang sabi ni Elerah habang nakatitig sa bata saka ito hinawakan sa mukha.

"Mom, enough!" saway ni Sefarino saka hinawi ang kamay ng ina.

"I-Is he your son?" tanong ni Elerah pero sinamaan siya ng tingin ni Sefarino. "Who's the mother-"

"Mrs. Lazarus, nandito na po ang lalaki na kanina pa nasa labas," magalang na sabi ng isang tauhan ng mga Lazarus at saka tiningnan kung sino ang lalaki na gustong makapasok sa bahay nila.

"Mom?" nagtatakang tawag ni Safarel sa ina niya kaya napalingon ang lahat sa lalaki na ngayon ay magalang na yumuko sa kanilang harapan.

"A-Ako na po ang humihingi ng kapatawaran sa ginawa ng anak ko," nakayukong sabi ni Raziel habang ang mga bampirang nasa harapan niya ay gulat na nakatingin sa kanya.

Lumapit naman si Safarel kay Raziel.

"Mom, wala naman akong nagawang masama," sabi naman ni Safarel. "At bakit ka nandito? Paano na ang mga tinda mo?"

Ginulo naman ni Raziel ang buhok ni Safarel. "Naku, Safar, mas importante ka kaysa paninda ko," nakangiting sagot nito saka bumaling sa mga bampira.

"Y-You're real?!" nagtatakang tanong ni Sefarino sa kanya habang sinapo ang mukha ni Raziel kaya nagulat siya.

"P-Po?"

"R-Raz!" sambit ni Sefarino saka niyakap si Raziel nang mahigpit. Nanginginig ang mga kamay ni Sefarino habang nakayakap dito. "Bumalik... ka. Binalikan mo ako."

Napalapit naman sina Elerah, Orazi, Edoardo at Doyle sa kanila, halatang-halata sa mukha nilang ang pagkagulat.

"Raziel!" sambit ng mga ito kaya ngayon ay si Raziel at Safarel ang naguguluhan sa nangyayari.

"E-Excuse me po? Paano niyo ako nakilala?" tanong ni Raziel kaya napakalas si Sefarino sa kanya.

"I'm your husband!" deklara ni Sefarino habang nakatingin sa mga mata ni Raziel at nakahawak nang mahigpit sa mga kamay nito pero kumunot lang ang noo ni Raziel.

"H-Hindi kita kilala," tipid na sabi ni Raziel kaya napabitaw bigla si Sefarino sa pagkakahawak.

"W-What?" gulat na tanong ni Sefarino saka nag-isahan na sa pagpatak ang mga luha niya, sino ba naman ang hindi sasakit ang puso kung ang taong inaasam mo ay nandito na sa harapan mo ngunit hindi ka nito kilala. "N-Nagbibiro ka... ba?"

Unbiased Fate - [MPREG]✓Where stories live. Discover now