UF: 11

2.2K 169 19
                                    

UF: 11

Dalawang araw na ang nakakalipas simula nang ideneklara ni Zadkiel na pakasalan ni Sefarino si Raziel. At simula nang pumunta si sa Red Falls ay sumasakit na ang ulo ni Raziel at bigla nalang may mga alaala na bumabalik pero nawawala na lang bigla.

"Nasaan ako?" relax na tanong ni Raziel. Hindi niya magawang mataranta kung nasaan siya ngyaon dahil ang maliit na bahay kubo ay puno ng mga pink carnations sa loob kaya imbis na mag-panic siya ay nagawa niya pang i-enjoy ang sarili niya sa paglilibot sa loob.

Langhap na langhap niya ang kakaibang amoy ng mga bulaklak na sumusuot talaga sa ilong niya na nagpapangiti sa kanya pero agad siyang tumakbo papalabas ng makaramdam siya na parang nasusuka siya.

Pero sa kasamaang-palad pagbukas niya sa pinto ay hindi na niya napigilan ang pagsusuka niya at naisuka niya ito.

"Fuck!"

Pero ang mas malas ay may nasukahan siya, si Sefarino, na ngayon ay puno ng suka ang buong katawan at may talsik rin sa mukha nito. Hindi maipinta ang mukha ni Sefarino sa nangyari sa kanya pero imbis na magalit siya ay sinalo niya si Raziel na ngayon ay pinapawisan at nanghihina.

"Hey, Raz, are you okay?" nag-aalalang ni Sefarino saka mahinang tinatapik-tapik ang pisngi ni Raziel.

Nahihiyang ngumiti ng matipid si Raziel habang ang mga mata nito ay hindi na niya kayang buksan.

"P-Pasensya ka na, S-Sefar, hindi ko na—" Hinfi pa natapos ni Raziel ang sasabihin niya nang tuluyan na siyang nahimatay kaya agad siyang binuhat ni Sefarino.

"Raz? Raz?"

Imbis na k-in-idnap niya ito at dinala sa secret base para surpresahin ay siya naman itong nasurpresa sa suka ni Raziel.

"So? Ano na ang kalagayan ni Raz?" nag-aalalang tanong ni Sefarino na kalalabas lang sa banyo dahil naligo siya nang makauwi na sila.

Napapailing lang si Doyle kaya agad niya itong nilapitan at niyugyog ang mga balikat. "Old man! Answer me!"

"He's pregnant."

Napahinto si Sefarino sa pagyugyog pero ang mga kamay niya ay nasa balikat pa rin ni Doyle.

"W-What?"

"He's pregnant. Congratulations!" bati ni Doyle kay Sefarino saka tinapik ang braso nito.

Hindi naman ni Sefarino ang gagawin niya, kusang tumalon-talon ang katawan niya habang ang labi niya ay hindi niya mapigilang hindi mapangiti.

"Anong nangyayari, taong bampira?"

Napahinto si Sefarino at agad na lumingon sa bagong dating.

"Ama!" nakangiting tawag niya rito pero napakunot lang ang noo nito.

"Anong ama ang pinagsasabi mo?"

Napasimangot si Sefarino habang si Doyle ay napatawa lang. "Doon din naman 'yun patungo."

"Hindi pa kayo kasal, alalahanin mo 'yan." Tumingin si Zadkiel sa anak na nakalatay sa kama. "Anong nangyari sa kanya?"

"Buntis po siya, Ama!" masayang balita ni Sefarino.

Masama siyang tiningnan ni Zadkiel. "Binuntis mo na naman ang anak ko nang hindi pa kayo naikasal?!"

"Anong kaguluhan ito?" tanong ni Deus na kararating lang kasama ang asawa nitong si Elerah.

Tinuro ni Zadkiel si Sefarino. "Binuntis ng anak mo ang anak ko—"

"May apo ulti tayo, Zad!" masayang sigaw ni Deus saka niyakap pa si Zadkiel na ngayon ay hindi alam kung ano ang gagawin.

"Hindi ko akalain na ganyan lang ang reaksyon mo."

"Hindi ka ba masaya?"

"Masaya subalit hindi pa sila kasal—"

"Sus, okay lang 'yun."

Napailing si Zadkiel. "Mag-ama talaga."

Gabi na nang magising si Raziel.

"So, may kapatid na ako?" masayang tanong ni Safarel.

"Yeah, ako pa," proud na sabi ni Sefarino.

"Bakit ka naman magkakaroon ng kapatid, Safar?" tanong ni Raziel na kararating lang sa garden. Hindi kasi nila sinabi sa kanya ang balita.

Hinawakan ni Sefarino ang magkabilang kamay ni Raziel saka ngumiti ng pagkalaki-laki.

"Buntis—fuck!" Hindi niya natuloy ang sasabihin ng biglang sumuka na naman sa kanya si Raziel. "Okay lang, tanggap ko na."

"I-I'm sorry, Sefar."

Tumawa lang si Safarel mula sa garden hanggang sa makapasok sila sa bahay. Buhat-buhat ngayon ni Sefarino si Raziel na nanghihina na naman kaya 'yung suka na nasa damit niya ay nandoon na rin sa damit ni Raziel kaya napangisi na lang siya sa naiisip niya.

"Dad, alalahanin mong buntis na si Mommy—"

"Mali ang iniisip mo," depensa ni Sefarino.

"Nababasa ko ang laman—"

"Mali ang pagkakabasa mo! Gusto ko lang makasabay si Raziel sa pagligo."

Napailing si Safarel. "Matutulog na ako. Doon ako matutulog kina Lola."

"Hey—" Napailing si Sefarino. "That kid."

Kagaya ng sinabi ni Sefarino ay sabay silang naligo ni Raziel. Pinuno niya ng tubig ang tub pagkatapos ay inilagay ang natutulog na si Raziel na walang saplot saka sumunod na siya pero pag-upo niya ay biglang bumukas ang mga mata ni Raziel na gulat na gulat.

"S-Sefar?!" hindi makapaniwalang sigaw ni Razeil habang nakaturo kay Sefarino at nakatayo pa ito sa harap ni Sefarino kaya nakangising napapailing si Sefarino.

"Are you seducing me?" nakangising tanong ni Sefarino at ang paningin nito ay bumaba sa pang-ibabang parte ni Raziel saka napa-lip bite. "Nice strategy."

Dahil sa sinabi ni Sefarino ay isang malakas na sipa ang natanggap niya.

Dumaan ang mga araw na palagi nalang silang masaya. Kahit saan sila dinadala ni Sefarino at dahil doon ay unting-unti ng nahuhulog ang loob niya.

Pababa si Raziel sa hagdan habang nakahawak na naman sa ulo niya dahil kumikirot ito. Ang mga alaalang nakalimutan niya dati ay unti-unti ng bumabalik pero nalilito pa rin siya dahil hindi ito sunod-sunod.

"Ano bang klaseng alaala 'yon?" nagtatakang tanong niya at napahinto. "B-Bakit kasama ko si Sefar sa mga alaala ko?"

"Raz?" tawag ni Sefarino kaya napalingon si Raziel.

"Hmm?"

"Do you want to fly again?" nakangiting tanong ni Sefarino at inilahad ang kamay niya sa harapan ni Raziel.

Biglang may nag-flashback na pangyayari sa isip niya.

"Are you okay?"

"S-Sefar?" Nagulat si Sefarino nang makita niyang umiiyak si Raziel.

"What happened? Hindi ba maganda ang pakiramdam mo?"

Napaiyak nalang si Raziel dahil naalala na niya. Naalala na niya kung sino Sefarino sa buhay niya.

Agad niya itongn niyakap na nagpagulat kay Sefarino. "First time mong yuma—"

"Na... naalala ko na lahat."

"Ha?"

Kumalas si Raziel at nakangiting tumutulo ang luha. "Naalala nakita, Sefar, hindi lang ikaw pati na rin ang lahat ng nangyari dati."

Hindi naman nakagalaw si Sefarino.

"Hindi ka ba masaya?"

"Masayang-masaya ako pero hindi ko akalain na maaalala mo ako. "Napaiyak si Sefarino. "Akala ko sapat na sa akin na makasama ka, kayong dalawa kahit na nakalimutan mo na ako. Ang saya ko ngayon."

Unbiased Fate - [MPREG]✓Where stories live. Discover now