Avoidance

33 1 0
                                    

//Allen

Nakatayo ako sa tabi ng sasakyan namin at hinihintay na matapos sa pagkain sila Mom and Dad. Mabilis kasi akong natapos.

Okay, fine. Binilisan ko talaga dahil iniiwasan ko si Sena. Noong una ay natuwa pa ako dahil nakita ko agad siya. Kaya lang unti-unti akong kinabahan. Parang ang bilis masyado na nakita ko siya.

When I was on US, every time I had a free time, I thought of what I'll say to her when we see each other again. Many times I wrote a draft. Sometimes I practice my lines in front of a mirror. There are moments that I even record my voice just to hear it again so I can insert some other thoughts I think she needs to hear.

Napabuntong hininga na naman ako. Ano ba ang gagawin ko? Maghintay muna o biglain na para makapaglet go na agad ako kung sakali.

Sinipa ko ang isang maliit na bato at tinignan kung saan ito papunta. Gumulong-gulong ito hanggang sa tumigil almost 10 feet away, sa may rubber shoes na white and pink.

Dahan-dahan kong iniangat ang tingin ko at nakita ang humahangos pa na si Sena. Tumakbo ba siya? Medyo malawak kasi ang parking lot at malayo kaunti mula sa restaurant. Siguro nga tumakbo siya.

"Allen," sabi lang niya. Puno ng emosyon ang boses niya. Ugh. Nakakadala. Tumingala ako para mapigilan ang pagtakas ng luha sa mata ko pero may nakawala pa ring isang patak at lumandas ito nang mabilis sa pisngi ko.

All of our memories came rushing back as fast as a jet plane. Para akong nasuntok nang hindi ko inaasahan. Wait, nasuntok nga ako.

Hinawakan ko ang pisngi ko na medyo mahapdi, "What the hell was that for, Sena?" Buti na lang medyo mahina lang.

"For leaving without saying good bye in person," umiiyak na sagot niya. She wiped the tears away harshly using the back of her hands. Then shove me on the chest, "for breaking up with me without real closure," isang tulak pa ulit kaya napasandal na ako sa sasakyan namin. "For helping me move on," niyakap na niya ako. Ako naman hindi ko alam kung yayakapin din ba siya kaya nasa gilid lang ang mga kamay ko. "Thank you, Allen."

Natigilan ako sa sinabi niya. Nagpapasalamat siya? Bakit? I pushed her away gently then placed my hands on her shoulders, "Sena, first of all, ganyan ka magpasalamat? Ang bayolente mo naman!" Napangiti siya kahit na umiiyak pa siya. Pinunasan niya ulit ang mga luha niya. "I'm sorry for hurting you. I really am. I loved you, Sena. It's true, but I just had to end it before it gets harder to leave you." I cupped her face with both my hands and using my thumbs, wiped her tears slowly rolling on her beautiful face. I sighed wistfully, remembering all our moments together. I took a deep breath to calm my nerves and ask the question that would dictate my next plan, "are you happy, Sena? With Trey?"

She took a step away from me to really look me in the eye before she nodded. She smiled, "thank you, Allen. Tinulungan mo akong makamove-on sa'yo at salamat din dahil tinulungan mo si Trey sa panliligaw sa akin. Salamat talaga. Kahit na sobra akong nasaktan at nanghinayang para sa ating dalawa noon, tinulungan mo pa rin ako nang sobra. Salamat."

She hugged me one more time before saying good bye and running her way back to the resto.

Nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa hindi ko na siya matanaw. Tinanggal ko ang mga kamay ko bulsa at napaharap ako sa sasakyan namin. Doon ko naipatong ang mga kamay kong nakatakip na sa mukha ko.

Dubdub. Dubdub.

Shekinah. I guess this is it? I need to let go of Sena and my hope for her.

Dubdub. Dubdub.

Napasigaw ako pero parang walang lumalabas na boses sa akin. Nakabuka lang ang bibig ko pero walang boses. Siguro ganito talaga kapag sobrang depressed ka, no sound can describe how you feel.

I felt my knees weaken and I slowly fell into a kneeling position then to a sitting position. Napasandal ako sa isa pang kotse na katabi ng pinagparkingan ni Dad.

Hinilamos ko ulit ang mukha ko at saka tumingala habang nakapikit.

Tila nakikisali ang panahon sa akin dahil parang biglang nagdilim.

One hundred, 99, 98, 97, 96, 95, 94, 93, 92, 91, 90, 89, 88, 87, 86, 8---

"Uh, excuse me? How long are you gonna use my car as a safe corner?" Napatigil ako sa pagbibilang ng pabaligtad (it is a way to calm myself, I always do that whenever I cried when I was young) at napatingin sa pinanggalingan ng boses -- which is directly in front of me.

Nakasalubong ng mga mata ko ang isang pares ng mata na sobrang pamilyar sa akin.

Dubdub. Dubdub.

Here I amWhere stories live. Discover now