Shared

21 0 0
                                    

//Allen

"We're here," napatingin ako sa kanya at nakitang pababa na siya ng sasakyan.

Bumaba na rin ako at ineexpect na makita ang building ng isang ospital pero isang high-rise tower ang nasa tapat ng parking lot na tinigilan niya.

"Is this building a hospital?" Tanong ko habang sumusunod sa kanya papunta sa pintuan. Mukhang nasa gilid kami ng tower.

She looked back at me with a mischievous glint in her eyes.

Dubdub. Dubdub.

"No," sabi lang niya saka binuksan ang pinto at naglakad sa, tingin ko ay, lobby ng tower.

Tumapat siya sa isang elevator and called for it. With a ting, the door opened and we stepped in. She pressed 17 and we just stood there silently. Ang awkward talaga ng elevator scenes. Idagdag pa na walang tugtog sa loob ng elevator kaya sobrang awkward ng katahimikan.

Walang ibang sumakay sa elevator at makalipas ang halos dalawang minutong awkward moment, we stepped out of that suffocating box.

Dire-diretso siyang naglakad hanggang sa dulo ng hall. She entered her pin and the door clicked open. She looked at me then nudged her head to the door, gesturing me to come in and I did.

Inilibot ko ang tingin ko pagpasok. May tatlo pang pintong nakasara which I presumed as either rooms or bathrooms. May partition at makikita sa maliit na daanan doon ang lababo. Malamang ay doon ang kitchen at dining room. Nasa receiving area kami at may loveseat doon at mga bean bags, carpeted ang wood floor, may TV at DVD set din. Pero ang kapansin-pansin ay ang kulay ng buong lugar.

Bukod kasi sa brown na sahig na kahoy ay puro puti at gray lang ang lahat. Puti ang pader, mga partition at kisame. Gray ang mga pinto, appliances, furnitures at fixtures.

May mga black and white pictures din sa pader na pumapagitna sa mga pinto. Heck! It's a very cool house.

She walked past me, nakatayo lang kasi ako sa spot na pinagtigilan ko.

"Why did you bring me here?" Tanong ko na lang at saka naglakad papunta sa pinakamalapit na bean bag para umupo.

"I need to look after your hand," sabi niya at saka pumasok sa isang pinto at nasulyapan ko na iyon nga ay ang bathroom. Tiled iyon at puti pa rin ang kulay pero na lang sa mirror box, shower curtain na kulay gray. Iyon lang kasi ang nasulyapan ko pero siguradong may iba pang gamit doon na kulay puti at gray.

Lumabas siya sandali dala ang isang medicine box.

"Wait, I already told you, walang injury ang kamay ko," sabi ko nang umupo siya sa sahig sa tapat ko.

Pero kinuha niya pa rin ang kamay ko at tinignan iyon.

"Sabi sa'yo, wala eh," pagyayabang ko pa pero may pinindot siya sa likod ng palad ko and there's a sharp pain. Napakagat ako sa labi ko para hindi ako magsusumigaw sa sakit.

Heck! Shit! Crappy shit!Lalo niya pang diniinan at nang mapatingin ako sa kanya ay nakatingin siya sa akin at parang sinasabi niya na, "I told you there's an injury and I won't stop 'till you admit it."

I groaned a bit and she stopped putting pressure on my knuckles.

"I am not an expert or something but I can tell that no bones have been broken, it's just bruised," ibinaba niya ang kamay ko sa lap ko at tumayo siya papunta sa may kitchen area naman. Ilang segundo lang ay bumalik siya na may dalang ice bag. Kinuha niya ulit ang kamay ko at lumakas na naman ang tibok ng puso ko.

"Wait, hindi ko pa rin alam ang pangalan mo," out-of-the-blue na sabi ko.

Napaangat ang tingin niya sa akin at nagtama na naman ang mga mata namin na nagpalakas na naman sa tibok ng puso ko.

"Well, you first." Sabi niya. Parang yung unang gabi lang na sinamahan ako ni Shekinah. Pinilit niya akong magshare kahit hindi ko pa nga siya kilala pero siya pa rin ang unang nagpakilala.

"Nah. Ikaw muna. Nauna akong magtanong."

Medyo diniinan niya ang pagpress ng icebag sa kamay ko. "Pssh. What a whiner," dinig kong bulong niya habang nakayuko. "Fine, then. My name is Yzza. Yzza Mariano." Tumingin siya sa akin saka bumalik ulit ang tingin sa kamay ko. Teka. Bakit nga pala hindi niya na lang iwan ang icebag sa kamay ko or ako yung ipahawak niya. Baka nangangalay na siya.

Yzza. Yzaa. Yzza.

Tuwing inuulit ko ang pangalan niya sa isip ko ay tila nakikisabay ang puso ko.

I kind of spaced out but she shook my injured hand a bit which made me look at her.

"Where were you? You spaced out!" She said, laughing. She stood, opened one of the doors and went inside it.

So, I just sit there trying to think if it is possible that she has Shekinah's eyes until my eyes land on something.

A picture.

It is artistically shot in black and white but I know that the real color of that building is red-brown. It is made of bricks, apparently. It's the one buiding I'd never forget about... And no, it's not a motel or club.

The hospital. And as if I need any other mind-blow proof that Yzza is somewhat connected to me, she called me from inside her room. She called my name.

I tried to remember if I told her my name or if Dad has called me by my name when I said that I'll be going with Yzza but, no. I never told her. Dad only addressed me as "Son" in front of Yzza.

I slowly get up and instead of heading to Yzza's room, I went for the photographs. There are other more pictures other than the hospital.

There's the inside of a 7/11 store. It might be just a normal 7/11 store if not for the woman behind the counter. Shekinah's mother.

"Allen, what's wrong?" I heard her confused voice behind me so I faced her.

"Who are you?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 07, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Here I amWhere stories live. Discover now