Kabanata 01

1.8K 48 20
                                    

Kabanata 01

Kiss






Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko kaya bumangon na ako at nagmuni muni pa bakit buhay pa ako? Charot.



Dahil Sport Fest, Palaro, or ano man ang tawag dyan ay late ako nagising dahil ganun naman talaga tayo pag may program sa school late lagi dahil nakakabored ang program.





Pagkatapos nagmunimuni ay naligo na ako mga 5hrs char. 30 mins lang naman hindi naman ako maarte sa buhay slight lang pag when it comes to bebe.



Charot.




Nag bihis na ako since Sport Fest namin ngayon kailangan namin mag suot ng Palaro Shirt namin which is okay naman kaso ang init lang nga.




Dahil grade 12 na ako at graduating na, akalain niyo ay nakapasa ako papunta grade 12 sa kabobohan ko? Magic.




Ang kulay ng palaro shirt namin ay mint green at sa harapan nito naka print ng Mighty Wolverine, amp lakas maka X-Men. Tapos sa likod naman ay may print Grade 12 parang jersey.




Sinuot ko ito with my denim pants para may arte naman. Nag suot din ako ng bucket hat na kulay white dahil ang collar ng palaro shirt namin ay white tapos ang sleeve collar rin ay white kaya matching.




At suot din ng nike white sneakers ko na galing saa ukay ukay at kinuha ko ang maliit na bag ko. At tapos na ako, bumaba na ako sa pangalawang palapag.




Nakita ko si Mama nag hahain na ng pagkain. Si Papa naman ay MIA hindi ko alam nasaan baka hindi na naman umuwi.




“Mabuti at gising ka na. Handa na ang pagkain kumain ka diyan dahil kailangan ko maaga pumunta sa trabaho. Ikaw na bahala sa sarili mo pati si Rebecca ay pakainin mo!” aniya at nag mamadaling umalis ng bahay.





Speaking of Rebecca nasaan na kaya yung babae na iyon? Nakita ko sya bumaba at umirap nang nakita niya ako.




“Where’s mom?” tanong nya.




“Saan daw?” barumbadong sabi ko sakanya.




“Ugh! Just tell me! You’re acting like a kid again!” naiinis niyang sabi at umupo sa hapag kainan.




“Pass, English! I don’t speak dollars, young miss!” pang aasar ko sakanya.




Umirap sya saakin at nagsimula ng kumain. Kumain na din ako dahil for sure mamaya ay magugutom na naman ako. Excited na nga ako madaming pagkain ngayon Sport Fest! Marami ‘rin booths!




Ang section namin which is last section ay naka assign sa Marriage Booth. Mabuti naman ay hindi ako nakasama sa pag gawa ‘nun dahil player ako!



“So, where’s mom and dad?”




“Hindi ko alam! Si Mama umalis sa trabaho si Papa MIA na naman.” Sabi ko at binalot ang sandwich sa bag ko.




“Seriously? Wala kang kwentang kausap.” She said and left.




Ganyan ang relasyon namin ni Rebecca. Kung sya ay english at maarte as in ubod sa kaartehan sa buhay ako naman ay opposite niya medyo maarte lang pero keri na.




Si Rebecca yung tipong anak na achiever sa lahat ng bagay. Kahit grade 10 palang sya ay madami na naachieved. She is consistent honor student, nasa first section, matalino, famous, maganda, at beauty queen.




Baka Sakali // CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon