Kabanata 05

756 32 5
                                    

Kabanata 05

Witnessed




At dahil balik na ang regular classes, no more sport fest, no more hayahay one week ay balik reality na ulit tayo, may klase na.





At ngayon naiistress na kami dahil balik tambak requirements at projects na naman. At dahil tamad tamad ako hindi ko ginawa ang projects ko during Sport Fest nag proprocrastinate na naman ako!





Oraorada na naman akong gumagawa ng projects at requirements ko. May PT kami sa Gen Math, gumawa ng Tutorial Video. Napaka ironic talaga nga project na ‘to kasi gagawa ng Tutorial eh mismo nga ako hindi ko maintindihan ang lesson eh mag tuturo pa ako? Ako nga mas kailangan ng tutorial eh!





Tapos yung research namin wala pa ako naka type ng binigay saakin ni Kim na task lagot na talaga ako doon!






Tapos sa pananaliksik ngayon araw mag start mag start ng title defense hindi ko pa talaga naaral ng maayos ang topic namin, weh ba shan? Maayos? Kailan kapa maayos mag aral?





So in the end, at medyo nasanay ako late magising. Hulaan niyo? Syempre late na naman si Shane Anizeanne Juarez! Walang bago iyon!





Dali dali ako naligo at mala flash kumilos. At nagbihis ng uniform namin. Eto ang gusto ko sa Harwell dahil sa uniporme.






It’s a dark maroon slacks and white polo blouse with long necktie color dark maroon with our seal. Tapos sa blouse ay may pocket sya both sides at may line na color dark maroon. Tapos tuwing Monday at Thursday ay kailangan namin mag suot ng dark maroon blazer for formality.






Maarte with class.







Dali dali kong kinuha ang gamit ko at as expected na una na si Rebecca saakin never yun nalate. Hindi na ako nakapag paalam kay Mama at Papa. Sumakay na ako ng jeep medyo chill na this time.





Tanggap ko na nalate ako kaya sulitin na. 8:30 na, 8:00 am mag start klase namin. Pumasok pa ako ng gate na chill chill lang at nakangiti pa sa Guard.





Pumunta na agad ako sa Guidance Office at kumuha ng Admission slip para sa mga late. Mabuti nalang talaga ay malapit ang Guidance Office sa building namin.





Habang nag lalakad nakita ko si Rafa at Maureen magkasama. Nagkwekwentuhan sila may hawak si Rafa na isang malaking notebook nasisigurado ako list yon ng mga nalate or inproper uniforms.






May sinasabi sakanya si Maureen at tumatango naman si Rafa at nakatingin sa phone nya. Hindi niya siguro ako napansin hanggang sa nakapasok na sila sa Humss building.





Tinignan ko phone ko at nagulat ako may message sya saakin. Kaya pala nakatingin sya sa phone nya dahil hindi ako nakareply or assumera lang ako?





Bebe Rafa: Goodmorning, baby! Eat well and Take care of yourself. See you!





Me: slr, morning, ikaw din ingat.





“Goodmorning, Maam.” Bati ko at tumingin silang lahat saakin. Pumasok ako at binigay ang slip sakanya.






“Late ah! Bat ka late?” bungad saakin ni Nice.




“Late night talks ba?” tukso ni Ree.





“Gago hindi, ginawa ko chapter 2 ko patay ako kay Kim pag hindi ko yon ginawa!” asik ko sakanila.






Baka Sakali // CompletedWhere stories live. Discover now