Chapter 33

18.9K 854 77
                                    

MALIWANAG na nang makalabas kami. Iba ang saya a ginahawa dahil natapos na ang lahat at kasama ko si Ace. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maka-move on ang mga loko dahil sa sinabi ni Rachel at pagkatapos non, panay sunod at buntot sa akin ni Ace dahil hindi ko siya pinapansin.

"Kira, come on..." Narinig ko bulong niya pero nag kunwari ako na may ginagawa at tinitignan ang mga kasama namin sugatan. Naiitndihan ko ang galit nila kahit ako ay nagulat din sa sinabi ni Rachel kaya hindi talaga nila maiiwasan na magalit dahil importante sa kanila si Rachel.

Pero sa ginawa niya kanina ang pagtaboy saakin doon ako nagalit, kahit ano kalma ang gawin ko sa kaniya ay pinapanguhan talaga ng galit niya ang mga iyon. Lalo na si Blake, galit na galit at halos hindi na makilala ni Bea anh nobyo. Napailing na lang ako.

"Oh? What's the problem?" Sabi naman ni Jacob na ngayon ang pinaka kalma sa kanilang lahat. Sumandal siya at nakangisi tumingin kay Ace kaya napairap ako at tumalikod.

Hindi ko maipaliwanag ang mararamdaman ko kapag magtatapat ulit kami ng mga magulang ko. Hindi ko alam kung ano sasabihin at gagawin ko. Laking pasalamat ko na lang na nandiyan si Ace para samahan ako.

Utang ko kay Lucy ang pag sagip niya sa buhay ni Ace at laking pasalamat talaga ako dahil doon. Minsan napapansin ko ang pagbabago sa sarili ko mula nung nawala ang dugo ni William sa aking katawan. Hindi rin ako makapaniwala na marami ako nagawa noon, nilamon ako ng galit.

"Ayaw ako pansinin ni Kira," nakanguso na sabi ni Ace at parang bata. I scoffed while looking at him, I just rolled my eyes.

"It looks the war is over huh?" Lahat Kami ay napalingon sa boses na iyon at bumalot ang galit sa buong katawan ko at nanaliksik ang mga mata ko.

"Help..." Sabi ng matandang babae na hawak hawak niya. Si Alex na hawak hawak ang isang matandang babae at nakangisi saamin.

"Ace honey? Ipagpapalit mo ako diyan?" Sabi ni Alex at tinignan ang buong katawan ko. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ikaw bruha ka hindi ka talaga nagdadala!" Sabi ni Bea at pinipigilan ni Blake sa pag sugod. Tumawa si Alex at malanding tinignan si Ace. Mabilis ko sinamaan ng tingin si Ace kaya nanlunok ito. Umirap ako at humarap kay Alex.

"What the hell?! You're still alive?" Sabi ni Rachel at matalim na tinignna si Tyler.

"Don't look at me like that, Rey. Masamang damo ata iyan," sabi ni Tyler kaya nag buntong hininga ako.

"Let me talk to her--" pinigilan ko si Ace habang matalim tinitignan si Alex. Ngumingisi ito at malandi tinitignan si Ace.

"Ako na, kailangan turuan ito ng leksyon." Sabi ko kaya tumango si Ace pero akala niya makakaligtas siya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"At ikaw rin, pag usapan natin ang pagiging babaero mo." Sabi ko kay Ace kaya tumaas ang kilay niya at nagtawanan ang mga kasama namin pero agad natahimik ng sinamaan sila ng tingin ni Ace.

"Madali pang na man ako kausap, Kira. Just give me Ace then I'll give Reid's mother to you, simple as that." Sabi niya kaya tinaasan ko siya ng kilay at tinignan ang babae. Nanlaki ang mga mata ko na napagtanto ina talaga ito ni Reid.

Bumalot ang kalungkutan na maalala na namatay si Reid. Kahit marami siya nagawang kasalanan saakin umaapaw pa rin ang pagsasamahan namin at mga mabubuting alala na iniwan niya saakin.

"Give me Ace then--" mabilis ako nakapunta sa likuran niya at sinaksak siya kaya nabitawan niya ang babae. Tinignan ko si Tyler at mabilis naman ito kumilos at kinuha agad ang matanda.

"Y-you bitch...hindi ka tumutupad sa usapan." Sabi niya kaya ngumiwi ako at diniin ang pagsaksak sa kaniya kaya dumaing siya.

"I didn't agree in the first place, Alex. Marami ka naging atraso sa akin, bukod sa paglalandi kay Ace ano pa ibang talento mo?" Sabi ko kaya sinamaan ako ng tingin.

"Wala kang alam kung ano nangyari sa aming dalawa sa loob ng mga taon na wala ka," nakangisi sabi niya kaya tinignan ko ng matalim si Ace. Tinaasan ko siya ng kilay kaya napalunok siya.

"Sino nag tanong?" Sabi ko kaya umawang ang bibig niya. Diniin ko ang pagsaksak sa kaniya kaya humiyaw siya at hindi pa ako nakutento at sinaksak pa ulit siya at nakita ko ang mga kasama ko ay napalunok at nag iwas ng tingin.

Ngumisi ako at hinugot na yung punyal. Sinipa ko ang likuran niya kaya natumba na siya tuluyan.

"A-argh..." Daing niya at tila Nag aagaw buhay na. Lumuhod ako sa kaniya at nakangisi pa rin.

"Sa susunod mag hanap ka ng lalaki na lalandiin hindi yung akin, Maliwanag?" Sabi ko pero sinamaan lang niya ako ng tingi at napapikit na. Tumayo na ako at pinagpag ang kamay. Kinuha siya nila Andrew at Jacob.

"S-son...please wake up for mommy oh?" Nakita ko ang matandang babae na nakayakap sa bangkay ni Reid kaya nangilid ang luha ko at sumikip ang dibdib.

Pupunta sana ako sa puwesto nila nang hinila ni Ace ang braso ko.

"Let's talk first." Sabi niya pero tinignan ko lang siya at inalis ang pagkahawak niya sa braso. Nagbuntong hininga ako at sumulyap sa nanay ni Reid.

"Later, Ace..." Sabi ko at mabilis nakapunta sa puwesto nila.

"H-he's not dead, right? Hindi pwede..." Sabi niya at humagulhol. Napayuko ako at kahit anong gusto ko hawakan siya at nakokosensya ako.

"I-I'm sorry, this is all my fault. I'm really sorry..." Sabi ko at pinipilit na hindi maiyak. Yumuko lang ang ginang at pinagpatuloy ang pag iyak. Hinaplos ko ang mukha ni Reid at mapait na ngumiti.

"May pangako siya sa akin na ililigtas niya ako mula sa kamay ni William na buhay...p-pero ngayon..." Hindi niya na natuloy at humikbi na. Napayuko na lang ako at nagulat ako na yinakap niya ako at saakin humikbi. Napatingin ako kay Bea na ngayon ay malungkot na nakangiti sa akin.

Hindi ko na nakayanan at tumulo na ang luha ko at yinakap ang ina.

Wherever you are Reid, I hope you are happy and don't worry about your mom, I can take care of her.

You became my greatest friend despite all your mistakes. I will never forget you, Reid...

~~••~~
Comments are highly appreciated! ❤

The Revenge of the Moon Warrior ✔Where stories live. Discover now