Special Chapter

21.4K 854 418
                                    

"M-mommy! A-away ako nila k-kuya..." nagulat ako nang bigla may yumakap sa aking binti. Napatingin ako sa anak kong babae na umiiyak, namumula na rin ang ilong nito dahil sa kakaiyak.

Lumambot bigla ang mukha ko. Tinigil ko muna ang pag aayos sa kusina saka binuhat ang bunso kong babae.

"Hush... Bakit umiiyak baby girl namin hmm?" malambing sabi ko habang kinakarga ito.

Hindi pa rin humihinto sa kakaiyak ang anak kong babae kaya nanliit ang mga mata ko tumingin sa salas. Nakita ko naman ang kambal ko na nag tatawanan.

Nag buntong hininga ako saka pinatong ang anak ko sa mesa. Hinawakan ko ang pareho nitong kamay saka malambing siya tinignan.

"Ano ginawa nila kuya sayo, baby? Ako bahala..." nakangiti kong sabi.

Pinunasan ko ang luha nito sa matabang nitong pisngi. Humihikbi ito kaya nahihirapan mag salita.

"T-they c-calling my cheeks m-machaba..." humikbi nanaman ito.

Machaba?

"Baby, it's mataba not machaba..." natatawa kong sabi. Nagulat ako nang sinamaan ako ng tingin nito.

"Y-you're calling me m-mataba too, mimi!" nakanguso nitong sabi kaya kinabahan ako saka umiling.

"N-no, b-baby! I mean... Aish! Hoy Ace Ken Winston, buong araw ka na lang ba nakahilata diyan?!" sigaw ko sa asawa ko ng suksukan ng tamad.

Mag aalos-dose na hindi pa rin siya lumalabas sa kwarto namin. Dinaig pa siya ng mga anak niya!

"I'm sleeping, love!" ungot naman nito mula sa kwarto namin kaya sumama ang mukha ko.

"We don't sleep, Ace! Ako ba talaga ginagalit mo?!" sigaw ko pabalik.

Mabilis siya nakalabas mula sa kwarto. Walang itong suot na pantaas at tanging sweatpants lang ang suot nito sa ibaba.

Sa takot nito ay ginamit pa talaga ang bilis nito para makapunta sa kusina. Agad natakot sa aking banta, akala mo'y parang bata.

"L-love-- what happened?" nagulat siya na makita ang anak niyang babae na umiiyak. Dali dali niya kinuha ang anak namin mula sa bisig ko.

Binuhat niya ang anak niyang babae. Pinag hahalikan niya ito sa matatabang pisngi tila nilalambing ang anak.

Sumimangot ko siya tinignan. Hawak hawak ko ang sandok at tinuro ito sa mukha ni Ace.

"Inaasar nanaman siya ng kambal mo. Matagal ko na kasi sinasabi sayo na wag mo masyadong dalhin ang dalawang iyan sa mga tito nila! Marami silang natutunan na kalokohan!" inis kong sermon ko sa magaling kong asawa.

Natawa ito ng mahina. Umupo ito sa sofa namin at pinahiga ang anak ng babae sa kaniyang dibdib para ipatahan.

"Hindi na ma-uulit, love..." malambing na sabi nito. Umirap na lang ako saka pinuntahan ang kambal ko.

Hindi ko talaga inaasahan na makakaroon ako ng kambal na lalaki. Biniyayaan rin ako ng magandang batang babae.

Napatingin ako sa lalaki kong anak na si Kace Reiken Winston.

Siya ang tumatayo bilang panganay kahit may kakambal siya. Siguro dahil siya ang unang lumabas sa akin bago yung isa. Hindi niya ugali makipag salamuha sa ibang bata tulad niya.

Mas gugustuhin niyang mag stay sa loob ng bahay kasama ang mga kapatid niya at syempre asarin ang bunso nilang kapatid. Namana siya kay Ace sa ugali, pero namana niya naman sa sa akin ang pagiging malambing.

Kahit masungit ito tulad ni Ace, nawawala iyon pag dating sa amin. Lumalambot ito kapag saaming pamilya niya pero bumabalik ang ugali niya kapag pag dating sa ibang tao.

The Revenge of the Moon Warrior ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora