Chapter 1

215 8 3
                                    

CHAPTER ONE

“Alam mo pare, for a guy, ang korni mo”

Sinimangutan ako ni Matthew  tsaka dinilaan. Oh god, kadiri. “Bro, nagmahal lang ako. Alam mo yan, kapag ang tao nagmahal, talaga naming binibigay lahat para sa taong minahal o minamahal niya diba? Kaso eh, pare hindi ata ako sapat huhu” tsaka ito humikbi.

Nagsalin ako sa shot glass ng alak tsaka ko inoffer sa kanya. “Oh eto, i-shot mo yan.”

Aabutin niya na sana yung baso kaso bigla kong isinaboy sa mukha niya yung alak.

“Tangina mo dude, ang korni mo naiinis ako sayo. Sabi ko sayo huwag mo akong masimulan sa mga hugot na yan eh, pakielam ko sa mga ganyan.” Sabi ko sa kanya.

“Hayop ka talaga, broken hearted na nga yung tao ginaganito mo pa. Nagkamali ata ako ng kaibigang pinuntahan huhu” kinuha niya yung towel na nasa table na kinalalagyan ng hard drinks naming tsaka ipinamunas sa mukha niya.

“Ah ganon” nagcross ako ng kamay. “So you’d rather be with you fake friends na pakakainin ka ng sandamakmak na pag-asa tapos sa huli iiyak ka nanaman na parang babae? Ako ‘tong nandito para iparealize sayo yung mga bagay na dapat noon mo pa narealize tungkol sa relasyon na yan tapos ayaw mo pa sakin?”

“Joke lang bro, di ka na mabiro.” Nagsalin siya ng alak sa shot glass niya tsaka niya ito ininom. “Tara nga dito bebe ko, pa-kiss” tsaka siya nagmake face na parang kumikiss.

“Gusto mo sabuyan ulit kita ng alak?” nailing ako habang tinitignan ko ang medyo wasted ng itsura ni Matthew. “Alam mo pare, once kasi na nagcommit ka sa isang relation, you have to understand your chances and position. Kasalanan mo rin kung bakit ka iniwan ni Jazmine eh. Ever heard the rule ‘sisters before misters’? oh ayan, nadali ka ng rule na yan. Mas matagal niyang kasama yung bestfriend niya kesa sayo. Tapos pinapili mo pa siya kung ikaw o bestfriend niya. At alam mo pa kung ano mas matindi, brad?”

“ano?” humihikbi nanaman si Matthew.

Minotion ko siya na lumapit sakin. “Tara dito, ibubulong ko.”

Lumapit naman siya sakin tsaka itinapat yung tenga niya sa bibig ko. “Ano yon?”

“HINDI PA NAMAN KAYO, KUMAG!” buong lakas ko na isinigaw sa kanya yung sinabi ko.

“ARAY!” napabalikwas siya at napalayo saakin, hawak hawak yung tenga niya habang napapa-‘oww’. “Peste ha, nakakarami ka na!” sigaw niya rin sa akin. Bumalik siya sa upuan niya, tsaka ulit nagsalin ng alak at ininom ito. “Pare naman kasi, alam ko na mas matagal na silang magkasama nung bestfriend niya pero kasi nakakaselos! Oo nga, im courting her, pero palagi naman siyang wala, kesyo kasama niya yung bestfriend niya, may pupuntahan daw sila ng bestfriend niya, manonood daw sila ng sine ng bestfriend niya. Grabe lang, bakit niya pa ako pinayagang manligaw kung wala naman siyang time magpaligaw, right? Worse is TBOOM pa yung bestfriend niya kaya mahirap na, baka agawan talaga ako!” reklamo niya.

Ako naman ang nagsalin ng alak tsaka ko ininom. “Bro, wala naman nga tayong magagawa dyan. Sabi ko nga, girls have their rule na ‘sisters before misters’ na parang ‘bros before hoes’ satin.”

“Oo nga eh, pero kasi di ko na kaya. So pinapili ko siya, ako o yung bestfriend niya. Tsk”

“Pupusta ko yung buhay ko, syempre ang pinili niya yung bestfriend niya.” Sabi ko sabay iling. “Ititigil mo na ba?”

“Ang alin?”

“Yung panliligaw mo dyan kay Jazmine?” tanong ko.

“Hindi syempre! Medyo nabroken hearted lang ako ngayon, pero mahal ko parin.” Buong paninindigan ni Matthew na sabi.

Naiiling nalang ako na uminom. May mga bagay talaga sa mundo na mapapasapo ka nalang ng ulo dahil sa mga pangyayari eh. I guess, love is the thing na nakakapagpamove sa mga bagay sa mundo. You act because of love, nakakagawa ka ng desisyon dahil sa pag ibig. It’s always the prime suspect pagdating sa mga crazy things.

Lucky, I haven’t been a victim for a long time.

“Tara bro.” sabi ni Matthew sakin. Napansin ko na naubos niya yung isang alak na binili ko para sa kanya. Iba talaga ang loko oh, tsk. Tumayo siya at inayos ang sarili niya.

“Oh, saan tayo pupunta?” tanong ko sa kanya.

“Kay Jazmine, sabihin ko joke lang yung mga sinabi ko” sabi niya. Napatawa nalang ako ng malakas. Sira talaga to. Pero ganon pa man, tumayo ako at nag ayos ng sarili para samahan itong kaibigan ko.

Maybe the thing about love is that, kahit anong gawin mong pagkalimot dito, para parin siyang madikit na chewing gum sa ilalim ng desk sa upuan ng school na nastuck na doon for years, mahirap maalis. Pero you have to give credit sa mga taong patuloy parin sa pagpursigi at paghabol dito.

“Bro” sabi ni Matthew ng paalis na kami sa condo ko.

Nilingon ko siya. “Oh?”

“Thank you ha, for tolerating me. Iba talaga ang isang Clyde Arthur Castro.” ngiti niya.

“Korni mo talaga” sabi ko habang papunta kami sa kotse ko para puntahan ang babaeng kinababaliwan niya.

Dear JoiWhere stories live. Discover now