Chapter 3

114 7 2
                                    

“Uy ano yan? May secret admirer ka?” tanong ni Ria. Nakasilip siya sa loob ng locker ko. Mayroon nanamang letter, at galing pa rin kay Joi, kung sino man siya.

“Ewan, baka stalker, malay mo panget.” Sabi ko sabay kuha ng letter at inilagay ito sa bag ko.

“Grabe ka! Napakajudgemental mo naman!” hinampas ako nito.

Nagkibit balikat nalang ako. Sinara ko na yung locker ko, “Tara na, hinihintay na tayo nila Leo sa sasakyan.”

Gaya ng napag-usapan, pupunta kami after school kila Leo, dahil birthday ng little sister niya. Close samin si Yuri, parang anak anakan na ng barkada.

Pagkarating namin sa parking lot, nakita ko sina Matthew, Leo at Joseph kasama si Elise. Buong maghapon namin siya, simula umaga, lunch at hanggang ngayon. I guess she is part of the group, now.

“Hi guys!” bati ni Ria sa kanila.

“Oh, bakit ang tagal ninyo? Akala ko ba locker lang ang punta niyo?” pag-uusisa ni Joseph.

“Oo nga, eto kasing si Clyde eh,” tinuro ako ni Ria. “May secret admirer”

“Talaga ba, Clyde?” tanong ni Matthew. Lumapit ito sa akin, tsaka hinawakan ang balikat ko. “Pati ba naman ako ipagpapalit mo na!? bakit ganyan!?”

“Huwag nga kayong OA.” Irita kong sabi sa kanila. “Wala akong secret admirer. ha? Baka namali lang ng locker na pinaglagyan, tsk.”

“Ows? Eh bat may pangalan mo.” Pinagtaasan ako ng kilay ni Ria.

“Baka Clyderin pangalan.” pagpapaliwanag ko. “Ay nako, ewan ko senyo, tara na nga!”

Pumasok na ako sa kotse habang naghahagikgikan sila sa labas. Big deal na ba yon, na may naglalagay ng letters na ganon? ‘to talagang mga may katok na ‘to.

Binaba ko yung bintana, “sasakay ba kayo, o iiwanan ko kayo?”

“Yes, boss!” sabi nila.

“Init ng ulo ni commander” bulong ni Joseph, habang papasok na sila.

“Narinig ko yon!” sabi ko.

“Sorry na, joke lang yon, labyu” sagot nito. Napailing nalang ako.

Sensing my irritation, we drove in silence hanggang makarating kami sa bahay nila Leo. Maraming nakparadang sasakyan sa labas, kaya makikita mong marami talagang bisita ang pamilya nila Leo. It’s a fairy-themed birthday party, dahil mahilig si Yuri sa mga fairies.

“Hi tita,” bati namin sa mommy ni Leo pagpasok namin sa gate. Nakatayo kasi siya don, siguro nagdidirect ng guests.

“Hi, kiddos, pasok kayo! dali!” sabi ni tita kaya pumasok na kami sa loob ng bahay, with Leo leading the way.

Dear JoiWhere stories live. Discover now