Chapter 5

86 4 1
                                    

“Naka drugs ka ba?!”

Nakatayo ako ngayon sa harapan niya. Hindi ko na pinatagal pa, after class, i confronted her. She seems oblivious nga na alam ko na na siya ang naglalagay ng letters sa locker ko. Naglalakad siya noon palabas ng classroom nila ng hinila ko siya sa isang gilid. Shock was written all over her face, na bigla naman napalitan ng irritation.

“Ang sabi ko, alam ko na ikaw yung naglalagay ng letters sa locker ko.” Mahinahon kong sabi sa kanya.

She looked at me incredulously. “Yung totoo? Anong brand yan, marijuana o cocaine?”

“Sige na, umamin ka na.” sabi ko sa kanya, hinawakan ko yung magkabilang braso niya. “Im not angry, in fact, natutuwa nga ako sa pagsend mo ng letters sakin eh.”

Napasapo siya sa noo. “God, i cant believe this.”

“Alam kong ikaw yon, the moment na nakita ko yung bagay na ito.” Tinaas ko yung bagay na magpapatunay na siya nga yung nagpapadala sakin ng letter.

Yung panyo.

“Sayo to, diba Kathryn?”

 

Naalala ko nung nakabangga ko si Kathryn sa hallway noong isang beses na bumalik ako sa school. Nahulog niya yoong panyo niya. I tried calling after her pero mabilis siyang nakaalis. Nawala na ito sa isip ko, until kanina, noong nakita ko sa washbin yung panyo niya.

Mayroong naka embroider na name sa gilid ng handkerchief niya.

Kathryn Joi Lopez

 

So, narealaze ko na ang pinsan pala ni Elise yoong naglalagay ng letter sa locker ko.

Tinaas niya yung magkabilang kamay niya. “Yeah, i know, im not denying it. Saakin nga yang panyo na yan, may pangalan ko pa nga eh.”

“Edi umamin ka rin na sayo nga ang mga letters na ito.” Tinaas ko yung mga letters na hawak ko, ang mga letters na naipon ko simula pa last week.

Kinuha niya ang mga letters, tsaka binalik ang tingin sakin. “Look, Mr. Clyde, wala akong kinalaman sa mga letters na ito.” Binalik niya sakin ang mga ito. “I dont even know you, not until pinakilala ka sakin ni Elise nung isang araw, and by the way, salamat nga pala sa ride.”

Pagkasabi niya non ay tumalikod na siya sakin.

“H-hoy! Hindi pa tayo tapos oy!” hinabol ko siya at hinawakan sa braso.

Bago ko pa siya tuluyan maiharap sa akin, isang suntok ang pinakawalan niya at tumama ito sa kaliwang pisngi ko. Sa sobrang lakas,nakita ko na ata lahat ng stars sa buong galaxy, narinig kong nagcrack ang buto sa panga ko.

“I. Told. You.”  Sabi niya ng dahan dahan, nanlilisik ang mata na nakatingin sa akin. “Hindi ako yon! Kingina huwag kang assuming pwede!?”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 18, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dear JoiWhere stories live. Discover now