13 | Silver-Eyed

379 29 52
                                    

AURORA'S POV

"So both of you are leaders of the Asphodel Class?" takang tanong ko pagkatapos nila magkwento.

"Yes!" sigaw ni Aelia. "They voted for me and Kai."

"I thought you didn't want to become a leader, love? Why do you seem happy now?" natutuwang tanong ni Talia.

Natawa na lamang si Aelia. "Ah... I changed my mind. It's quite fun seeing Kai's grumpy face all the time."

I heard Kai's grunt.

Natawa kami dahil mukhang ayaw na ayaw niyang maging leader. Kahit ganon, di na ako magtataka kung bakit sila pinili. They both looked powerful... and maybe that's why they became leaders of their class.

Speaking of... sino nga ba ang namumuno sa Elysian Class? "How about us? Who is our leader?" tanong ko muli habang kumakagat sa pagkain ko.

Si Tazyn ang sumagot sa'kin. "Walang leader ang Elysian Class, Aurora..." mahinhin na bulong niya. She's the complete opposite of her sister who's bubbly and loud.

"Sabi ni Headmistress Adhira, gusto niyang pantay-pantay tayong lahat sa klase. Though, in missions, si Hiro o Amari ang namumuno kahit madalas ay si Hiro ang sinusunod namin," dagdag ni Talia.

Napatango-tango ako sa mga sagot nila. Hindi na ako magtataka, parehas silang malakas at magaling.

Patuloy lang kami sa kwentuhan at napagtanto ko kung gaano sila kasayang makasama. Nakakatuwang makipagkaibigan sa ibang klase.

"Oh my magic... Kai!" Nagulat nalang kami nang biglang sumigaw si Aelia. "What in the realms, late na tayo sa susunod na klaseeee!" Agad siyang tumayo bago hilahin ang braso ng kasama niya.

"Excuse us, late na pala kami!" Hanggang sa pag-alis nila ay rinig na rinig ko ang mga sermon niya sa kasama. "This is your fault, you brat!"

Naiwan kaming tumatawa sa lamesa.   "How about you, Lianna? Wala ka nang klase?" tanong ni Callie. Umiling si Lianna.

"Wala po, ate. Kailangan kasi naming magresearch para sa susunod naming topic tungkol sa origin of flowers. Dandelions nga ang napuntang topic sa'kin," nakasimangot niyang saad. "Hindi ko nga alam kung paano nagkaroon ng bulaklak na ganon eh!" pagrereklamo niya pa.

Ranting like a child, Lianna looked and sounded cute. She didn't look like a descendant of Ares at all. She was too gentle and warm, completely the opposite of her deity's violent behavior.

"Sige na, Lianna. Kailangan na naming umalis. Bibisitahin pa kasi namin yung kaibigan namin sa clinic," pagpapaalam sa kanya ni Talia. "Si Callie na maghahatid sayo pabalik."

Dahil sa sitwasyon ni Cole, excused na kami sa lahat ng klase namin ngayon. Unang araw pa lamang naman.

Agad na ngumiti si Lianna sa'min. "Nag-enjoy po ako kasama kayo! Sana maulit!" She waved her hand before walking back to her building alongside Callie.

I saw how Callie smiled brightly and how she laughed as they walked together. Mukhang close sila ni Lianna.

Tumayo na kami at katulad nang dati, si Amari ang nanguna sa paglalakad. "Will you visit your friend?" she asked me while peeking from her shoulder. 

"Of course I will," agad kong sagot.

"Come with me then. Talia and Tazyn need to help Mavi fix the training field," sambit niya. Agad kong narinig ang pagrereklamo ni Talia nang marinig ang sinabi ni Amari.

Embracing Chaos (#1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt