18 | Lost Soul

385 23 46
                                    

AURORA'S POV

It was the next day. Madaling araw pa lang ay bumangon na ako dahil sabi ni Headmistress Adhira ay kailangan naming mag-ensayo ng maaga.

Excused din kami sa lahat ng klase namin upang makapaghanda.

"You ready?" tanong sa'kin ni Callie na katapat ko sa dining room.

Sa totoo lang, natatakot talaga ako. Natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari sa akin sa hinaharap lalo na dahil sa mga boses na patuloy na bumabagabag sa'kin tuwing gabi.

Kahit ganon, nginitian ko si Callie.

"Yeah. Are you gonna meet Lianna today?" Ipapadala ko nalang sana sa kanya ang libro na pinapakuha niya dahil pakiramdam ko magtatagal ang pag-eensayo namin ng headmistress.

Napaisip muna siya ng ilang segundo bago tumango. "Hm, siguro," sagot niya. "Bakit?"

Tumayo muna ako bago pumasok sa aking kwarto. Agad kong kinuha ang libro tungkol sa mga bulaklak at pagkatapos, inabot ko ito sa kanya. "Here."

Nagtatakang tinignan niya ang libro. "Anong gusto mong gawin ko dito? Kakainin ko?" sarkastikong tanong niya.

"Try to hit your head with it. You might get smarter, love." Umagang-umaga ay narinig ko ang boses ni Talia na nakikipagtalo kay Callie. Agad siyang umupo sa tabi ko bago kumagat sa isang tinapay.

Callie rolled her eyes. "What if I strangle you with vines, huh?"

Napatawa si Talia dahil sa sinagot ng kausap niya. "Chill, my love. Umagang-umaga, high blood ka."

"Pag nakikita ko kasi pagmumukha mo, sumasama na agad araw ko," nakasimangot na ani ni Callie.

Kahit papaano ay napatawa ako sa kanilang dalawa. Ganyan man sila, alam kong pag nagkagulo ang lahat, hahanapin pa rin nila ang isa't isa.

"Aelia told me to get that book for Lianna. Hindi niya daw makuha dahil may emergency," paliwanag ko.

Sa sinabi ko ay walang ginawa si Callie kundi tumango muli. Pinagpatuloy namin ang pagkain. Syempre hindi nawawala ang mga pang-aasar ng dalawa sa isa't isa, pero natapos din kami agad.

"Hoy, ikaw naman maghugas ng pinggan!"

"But it's your turn!"

Napatampal nalang ako sa noo ko dahil hanggang ngayon para silang mga bata na hindi magkasundo kahit kailan.

"Ako nalang-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil naunahan na ako ng isang boses.

"Leave it to me."

Si Amari?!

Agad na nagturuan ang dalawa. "A-ay, Amari, nandyan ka pala! Wag ka nang mag-alala..." Halatang kinakabahan si Callie "Kami na ang bahala dito!"

Amari looked at them seriously before walking away with a book in her hand. As she left the dorm, I saw a sly smirk painted on her face.

Embracing Chaos (#1)Onde histórias criam vida. Descubra agora