21 | Healer's Power

291 19 28
                                    

AURORA'S POV

"Pwedeng time out muna?"

Two days have passed since the incident at the shopping center.

Pagod akong napaupo sa sahig pagkatapos kong makipag-ensayo kasama si headmistress Adhira. "You're improving, Aurora," sambit niya.

Improving... I don't think that's the right word. Hindi ko nga siya matamaan kahit anong gawin ko eh. Though, my stamina and endurance did improve.

Ito ang huling ensayo namin bago kami umalis para sa misyon mamaya. Dapat kahapon pa kami natapos pero nakiusap ako sa kanya kung pwedeng turuan niya ako hanggang ngayong umaga.

"Did you get hurt?"

I hesitantly shook my head. 

"You haven't let out any powers yet, but we'll get there," saad niya habang pinupulot ang isang feather blade ko na nakatusok sa sahig. "I'm fascinated by your weapon. Who made this?"

Inabot niya sa'kin ang feather blade. "Mira, my guardian, did," I whispered. "I only wanted a small blade but she wanted my weapon to be unique, something that's not too obvious."

I heard the headmistress chuckle. "My, my. What a brilliant mind. I'm kinda jealous. The only weapons I have are lightning bolts that I create."

"That's still cool," I commented while sitting on the ground. "Thank you for training me, headmistress."

She gave me a small smile. "You're always welcome, Aurora. Pwede pa rin naman tayong mag-ensayo pagbalik mo. Malay mo, matamaan mo na rin ako," biro niya na ikinasimangot ko.

"You're so mean," I sulked.

She chuckled before patting my head. "The other Elysians are waiting for you, Aurora," she said softly. "You better get going or else lightning will strike soon," natatawang sambit niya.

I guess she's pertaining to Raven who can manipulate the weather based on his mood. Ayon kay Callie, kapag galit si Raven ay nakulog at kapag malungkot naman siya ay naulan.

"Yes, headmistress. Salamat po ulit," pagpaalam ko.

She waved her hand while I was walking away. "Don't forget to remind Raven and Amari to get extra ambrosia in the clinic if they forget, okay?" she reminded me. I giggled before nodding my head and waving back.

Pagkalabas ay agad na nawala ang ngiti ko. Napangiwi ako bago mapasapo sa kamay ko na natamaan ng isang kidlat niya kanina. "Gods," I cursed.   

May konting daplis dito pero hindi ko nalang pinansin at patuloy na lumakad. Tinago ko ito sa cardigan na suot ko. Wala sa sariling napahawak ako sa aking singsing. Nagiging gawain ko na rin ito kapag nangangamba ako.

Ang daming tumatakbo sa isip ko. Halimbawa, yung libro. 'Yung librong binigay sa'kin nung nymph. Nalilito ako. Paano napunta sa kanya 'yun kung sa library ko huling nakita 'yun?

From what I know, that book was enclosed in a glass with a special key only a few people had.

Sa ngayon, tinago ko ang libro sa isang lugar na ako lang ang makakabukas.

Embracing Chaos (#1)Where stories live. Discover now