♡-Part three

1.2K 25 0
                                    

Part 3: Her planned

Ashley's POV.

Ngayon ko sisimulan ang plano ko, ayon sa pinag-usapan namin ni  Jenny kahapon.

“Ayan na siya,”siniko ako ni Jenny dahilan upang matauhan ako at mapatingin sakaniya, inginuso niya naman ang pinto kaya tumingin ako ron.

Tumayo ako at pumunta sa pinto.

Naglalakad siya at deritso lang ang tingin sa daan, habang papalapit siya mas lalo akong kinakabahan, hawak ko ngayon ang isang color blue na box ng sandwich.

Hindi ko akalaing gagawin ko 'to kagaya nang ginagawa ng iba.

Nang tumapat siya sa pintuan ay ngumiti ako.
“Good morning Cleo!”masigla kong bati “Para sayo nga pala,”unti unting natunaw ang ngiti ko nang lagpasan niya lang ako, napabuntong hininga na lang ako at bumalik sa silya ko.

“Okay lang yan, marami pa namang pagkakataon.”bulong ni Jenny at hinagod ang likod ko.

Ano pa nga ba ang aasahan ko? Ganyan naman siya palagi.

Palihim ko siyang sinusulyapan, magkaklase kami sa science subject at syempre, expected nang palagi siyang active at nangunguna sa klase.

******

Lunch break na at napagpasyahan kong pumunta sa office niya, kumatok muna ako bago pumasok nang marinig ang hudyat niya.
Nadatnan ko siyang nagbabasa ng libro, hindi niya manlang ako sinulyapan nang pumasok ako.

“What do you need?”malamig niyang tanong, huminga muna ako nang malalim bago lumapit sa desk niya at ilapag doon ang sandwich.

“Gusto ko lang ibigay yan, alam ko kasing hindi kapa kumakain—”

“Throw it.”

“Ha?”nasa libro parin ang paningin niya.

“Throw it.”sumama ang mukha ko, napabuntong hininga nalang ulit ako.

“Ikaw nalang magtapon nyan pres kung ayaw mo,”yumuko ako. “Ayokong itapon nalang basta ang mga bagay na pinaghirapan at binigay ko.”sinulyapan ko pa siya at ngumiti nang pilit bago tumalikod at lumabas ng office niya.

Inaasahan ko nang hindi niya tatanggapin ang ibibigay ko pero nakakapanghinayang rin pala minsan.

“Oh, kamusta?”bungad sakin ni Jenny pagdating ko sa classroom namin.

“Ganon parin,”mapakla kong tugon at sumubsob sa silya ko.

“Hay naku teh, wag ka lang muna sumuko, mapapalambot mo rin 'yang si mister president.”

“Ano pa nga ba, wala naman akong choice kundi subukan muna kung gaano talaga katigas ang puso niya,”

Hindi narin kami nakapag usap ni jenny dahil dumating na ang lecturer namin.

“So, move to tips number two na ba 'ko?”tanong ko kay jenny habang naglalakad kami sa kahabaan ng hallway.

“Oo teh, pero syempre hindi ka parin titigil sa pagbibigay sakaniya ng lunch.”tumango-tango nalang ako.

“Kung ganon, bibili na 'ko ng mga kailangan ko sa mall.”tugon ko.

“Piliin mo yung mga light lang na makeup para hindi ganon kasagwang tignan, para natural parin ang beauty mo teh!”napangiti ako sa suhestiyon ni jenny.

Kahit alam kong hindi ganon kadali yun ay nagiging malakas ang loob ko para ipagpatuloy ang misyon ko.

******

Hindi ko namalayan ang oras, masyado akong nalunod sa pagpili ng mga kailangan ko, kagaya ng make up, dress, bag, earrings at iba pang kagamitan pang babae kaya ginabi ako.

Hindi pa naman ako pamilyar sa street na ito, wala na ring mga sasakyan na dumadaan, nilingon ko ulit ang store na binilhan ko, nagsisimula na itong magsara, dito raw kasi ako bumili sabi ni jenny kasi makakatipid ako at maganda pa ang mga produkto.

Alas otso y medya na ng gabi, wala paring sasakyan at kahit isang tao sa labas, ang tahimik naman ng lugar na ito.

Nang hindi ako makatiis ay tinawagan ko si jenny pero nakapatay ang selpon niya!

Bahala na nga!

Nagsimula na'kong maglakad sa sidewalk, hindi lahat ng ilaw ay gumagana, kaunti lang rin ang mga bahay rito at malalayo rin sa isa't isa.

T*ngina, nakaramdam ako ng kaunting kaba nang marealize na mag isa lang talaga ako dito sa hindi pamilyar na lugar at gabi pa.

Panay ang lingon ko sa kaliwa't kanan at sa likod habang patuloy parin sa pagdial ng number ni jenny pero nakapatay parin ang selpon niya!

“Pst!”nanindig ang balahibo ko nang makarinig ng sitsit, binilisan ko ang paglalakad ko at hinigpitan ang hawak sa mga pinamili ko.

Nararamdaman kong may sumusunod sakin, naririnig ko ang kanilang mga yabag!

“Sandali lang miss, nagmamadali ka naman yata?”mas lalong lumakas ang kabog sa dibdib ko nang marinig ang mapang asar at malanding tinig ng lalaki. Lalo na nang mapagtantong hindi lang siya nag-iisa dahil narinig ko ang pagtawa ng kaniyang mga kasama.

Patuloy parin ako sa paglalakad nang mabilis habang dinadial ang number ni jenny.

“Wag kang matakot, papaligayahin ka lang namin eh..”nabitawan ko ang mga dala ko nang maabutan ako ng isang lalaki at hawakan nito ang braso ko.

“A-ano ba?!”malakas kong binawi ang kamay kong nanginginig na.

Akmang lalapit ulit siya sakin nang umatras ako, nagtawanan naman silang apat, parehong malalaki ang katawan at halatang wala talagang matinong gagawin.

“Wag kanang mag inarte alam kong magugustuhan mo rin naman ang gagawin namin—”

“H-hindi! Hindi ako papayag!!”sigaw ko at agad na tumalikod pero nakakadalawang hakbang palang ako nang hilain ng isang lalaki ang kamay ko.

“A-ano ba bitawan moko!”subrang higpit ng pagkakahawak niya at pakiramdam ko ay bumabaon na ang kuko niya sa balat ko.

Pinalibutan nila akong lahat, wala akong laban sakanila, nanginginig na ang buo kong katawan sa takot, katapusan ko na ba?

“Chill kalang miss, titikman ka lang naman namin eh..”nagsimula na silang magsilapitan sakin habang ang mga mata ay puno ng pagnanasa at parang gutom na mga leon.

Napahawak ako sa braso ko nang bitawan ako nang lalaki at tumawa na parang demonyo.

Napahigpit ang hawak ko sa selpon ko, ano nang gagawin ko?

“Bulaga!!”napatalon ako sa gulat at subrang takot sa biglaang pag sigaw ng isang lalaki.

“Tinakot mo naman eh.”nagsitawanan sila kaya agad akong nakakuha ng tiyempo para tumakbo.

Hindi ko na alam kung tama pa ba ang pinipindot ko sa selpon ko at kung tama pa ba ang daang tinatahak ko basta ang gusto ko lang ngayon ay ang makalayo sakanila.

Nabuhayan ako ng loob nang sinagot na ni jenny ang tawag ko, patuloy parin ako sa pagtakbo at pakiramdam ko ay madadapa na ako sa subrang panghihina.

“J-jenny... J-jenny tulungan mo'ko...M-may mga lalaking gusto akong gahasain at h-hinahanap na nila ako ngayon...J-jenny katapusan ko na!”umagos ang luha ko at nanginginig ang boses kong pakiusap. 
“Where are you?”agad akong natigilan nang marinig ang boses sa kabilang linya.

Cleo? Cleo Maverick?

Itutuloy....

MY HEARTLESS CRUSH (COMPLETED) Where stories live. Discover now