♡-Part twenty eight

1K 29 0
                                    

Part 28: Good luck kiss

Ashley's POV.

Halos dalawang linggo ko na siyang iniiwasan. Pagkatapos nung nangyari sa resort ay hindi na ako lumapit sakaniya.

Nang makatulog siya ay walang pag-aalinlangan akong lumabas ng unit niya at kinaumagahan ay umuwi na kami agad.

Hindi ako bulag, nakikita kong naghahanap siya ng paraan para makausap at malapitan ako.

“Ang bilis namang bumaliktad ng mundo! Parang kailan lang nung naghahabol si Shena kay Keigan tapos ngayon si keigan naman 'yung naghahabol!”

Hindi ko na lang pinansin si Jenny, alam ko naman pinaparinggan niya lang ako kasi nahahalata niya rin si Cleo.

“May mga lahi ata kayong aso eh, ang hilig niyong maghabulan, nakakaloka!”

Tumabi siya sa'kin habang kumakain ng ice cream, pilit ko na lang tinutuon ang atensyon ko sa selpon.

Nagulat ako nang bigla niya itong hablutin sa kamay ko at tumakbo papunta sa labas ng classroom.

Tinignan ko siya nang masama, tinatamad akong maghabol.

Natigilan ako.

Tinatamad ba talaga ako? o may hinihintay lang?

Maya maya lang ay ibinalik niya na sakin ang selpon ko nang may ngiti sa labi.

Agad ko naman hinalungkat ang selpon ko at pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko papunta sa mukha ko dahilan para uminit ito dahil sa nakita.

Ako: Hi babe! Manonood ako mamaya ng laro mo.

Cleo: I'll wait for you here, babe.

Ako: Talaga?

Cleo: Yes babe, hindi ako lalaro habang wala ka pa.

Cleo: Remember that babe, it's your fault if our team will lose because you didn't come.

Hindi ako makapaniwalang tinignan si jenny.

Nakakahiya!

“Kinilig ka naman?”muntik ko nang maibato sakaniya ang selpon ko sa inis, hiya at kilig!

Kilig?

Tinawag niya lang naman akong babe sa chat, anong nakakakilig dun?

“Kailangan mong pumunta teh, hindi raw siya maglalaro kapag hindi kapa dumating!”may bahid ng pang aasar ang kaniyang tinig kaya sinamaan ko siya ng tingin.

“Kasalanan mo naman 'yun!”paninisi ko.

Humalakhak siya sabay hampas sa braso ko.
“Nakakaloka ka! Pakipot kapa eh!”

“Ewan ko sayo!”

******

“Bilisan mo na teh! Dalawang minuto nalang at magsisimula na ang basketball, oh?!”pilit niya 'kong hinahatak pero hindi ko ito hinayaang madala ako.

“Ayoko nga! Ikaw naman kasi ang nag chat nun eh, kaya ikaw ang pumunta dun!”asik ko.

“Calling the attention of Ashley Gayle, please proceed here on court, babe.”

Natigilan kaming dalawa nang marinig ang isang tinig na umalingawngaw sa buong school.

Dalawang beses pa itong naulit, hindi ko alam kung ano ang irereact ko!

“Bitawan mo 'ko, Jenny!”asik ko, bwesit! Dahil sa ginawa ni Cleo hindi ko namalayang nahila na ako ni jenny.

“Tumigil ka nga teh, hindi bagay sayo ang umarte nang ganyan!”asik rin niya.

MY HEARTLESS CRUSH (COMPLETED) Where stories live. Discover now