Chapter 9

15.7K 569 231
                                    


Tyrant's POV

Pinagmamasdan ko ngayon si Eloi na may ngisi sa mukha habang nakatingin sa pinapaikot nyang bola sa daliri nya. May iba ngayon kay Eloi. Kanina pa sya nakangisi.

"Ang creepy ngayon ni Eloi." sabi ni Samantha. Napairap ako dahil nasa tabi ko na naman ang taong ito. "Kanina pa yan nakangisi na akala mo may binabalak na masama."

"Ano ba nangyari sa kanya?" tanong ni Daily na nakaupo sa bench. Tinatamad na naman silang magpractice. Nademonyo na nga nila si Janine.

"Hindi ba kasama mo sya kahapon?" tanong ni Janine kay Samantha. Napatingin tuloy ako kay Samantha.

"Oo, nag-bar kami." sabi nya.

"What? nag-bar kayo? seventeen pa lang kayo huh?" gulat na sabi ko.

"Hindi naman halata sa itsura namin na seventeen lang kami. Kita mo nga si Eloi ang tangkad, mukhang twenty something na sya." sabi nya. Napairap ako.

"Sabagay, mukhang matanda ka na kasi." pangbawi ko sa pang-aasar nya sakin.

"Aba't!" natawa ang tatlo naming kasamahan. "Hindi ka sana sagutin ni Eloi." napasimangot ako sa sinabi nya.

"Ang bilis ng bawi." natatawang sabi ni Daily.

"Bwisit ka!" inirapan ko sya ng todo dahil nakakainis ang Samantha na 'to.

"Tyrant panget!" pamilyar na boses ang tumawag sa pangalan ko na dinamay pa ang panget. Isa rin itong nakakainis eh.

"Ang panget mo din Lulu!" sigaw ko at tumingin sa kanila. Napangiti ako dahil kompleto na sila pero may kasama pa sila na pamilyar sakin. Bumaling ako sa mga kasamahan ko. "Alis na ako. May lakad ako ngayon."

"Aba aba, tatakas sa practice." sabat ni Samantha.

"Feeling nagpra-practice naman kayo." irap na sabi ko sa kanya. "At sorry ka alam ito ni Mama kaya bye!" tumakbo na ako paalis dahil baka pigilan pa nila ako.

Nagmamadali akong lumapit sa kanila. Agad akong tumalon kay Dite at niyakap sya.

"Makayakap akala mo naman sya yung sobrang tagal na nawala." sabat ni Lulu.

"Hindi ka kasi nakakamiss." irap na sabi ko sa kanya.

"Sus!" sabi na lang ni Lulu. Nginisian ko sya.

"Sya ba?" napatingin ako kay Dite tapos sa tinitignan nya. Si Eloi na nakatingin din samin na kasama na nila Samantha.

"Oo." nakanguso kong sabi. "Help."

"Wala kang pag-asa sa kanya." sinamaan ko ng tingin si Lulu. Nakakaasar talaga ito. Magsama kaya sila ni Samantha, ewan ko na lang kung sino ang mananalo sa kanila.

"Bakit ba nagkakagusto kayo sa mahirap magustuhan?" sabi ni Zandy. "Kaya kayo nasasaktan eh." lalo akong ngumuso sa kanya.

"Hindi ba sya si Samantha na anak ni Ninang Sam?" tanong ni Dite. "Nandito sya?"

"Sya nga. Hindi ko din alam sa taong yan kaya ang laki ng tampo sa kanya ng mga magulang nya dahil dito sya napunta at hindi sa Miracle." sabi ko. "Tara na, alis na tayo. Mamaya iniispy na ninyo kami." biro ko at kumawala ng yakap kay Dite pero kinawit ko ang mga kamay ko sa braso nya.

"As if. Hindi nyo pa din matatalo ang Dragon Empire." sabi ni Lulu. Naglalakad na kami paalis ng camp ng Shakers.

"Huh! akala mo lang 'yon. Sa Summer Cup ang bagsak ng Dragon Empire. Siguradong mananalo na kami next year." sabi ko sa kanya.

"Kung matalo nyo nga, sa oras na matapos ang training ko. Lalampasuhin ko kayo." sabi ni Lulu na nakangiti. Hindi ko naman sya inurungan. Tinignan ko din sya na naghahamon.

Melting Ice Princess 3Место, где живут истории. Откройте их для себя