Chapter 80

12.4K 556 157
                                    


Third Person's POV

Natapos ang first half na pagod na pagod si Kennie at Sylvia. Ni isa sa kanila ay walang nagpatalo. Walang nakapigil sa kanila kaya naman panay ang puntos ng dalawa. Lamang pa rin ang Meteorite pero hindi na ito nalalayo sa Miracle.

Pinanood ni Kill si Kennie na naghahabol ng hininga. Naisip nya na kung hindi dahil kay Kennie, hindi lalaki ang lamang ng Meteorite sa Miracle kaya naman hindi pwedeng mawala agad si Kennie sa laro.

"Kennie, hindi ka muna maglalaro ng third quarter. Mahihirapan tayo sa fourth quarter kung mananatili ka. Kailangan natin ng full power sa fourth quarter." sabi ni Kill. Nakikinig naman sa kanya ang buong team.

Pagod na tumango lang si Kennie kay Kill. Tumingin si Kill kay Dite na nakatingin kay Kennie. Nung mapansin ni Dite na may nakatingin sa kanya ay lumingon sya kay Kill.

"Maglalaro ka na." sabi ni Kill sa kanya. Napatingin ang mga kamiyembro ni Dite sa kanya.

"Okay, ako na ang magpo-point guard. Wala naman masyadong matangkad sa Meteorite kaya kaya ninyong makipag-agawan ng rebound." sabi ni Dite at tumalikod ito.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Rigel.

"Tatakbo lang." hindi na nila pinigilan si Dite na umalis.

Pagkaalis ni Dite ay kinausap ni Kill ang mga bata para sa magiging plano nila mamaya sa third quarter.

"Siguradong magtre-tres si Veloce kaya gawin mo ang lahat para mapigilan sya, Julia." tumango si Julia kay Kill. Tumingin si Kill kay Joella. "Sa tingin ko ay ibe-bench nila si Sylvia pero kung sakali, ikaw na muna magbantay sa kanya. Hayaan mo na si Lee ang bahala kay Blysse. Pero kung iaalis nga muna nila si Sylvia, i-hold mo lang si Blysse."

"Okay." sagot ni Joella.

"Hindi agad kikilos si Dite. Ia-assist nya lang muna kayo hangga't hindi tayo nilalamangan ng malaki ng Meteorite. Katulad ng laban sa Dragon Empire ang gagawin ni Dite pero depende na lang kapag naglaro si Asta. Magiging iba ang sitwasyon. Hindi natin alam kung ano ang gagawin ng dalawa pero lagi lang ninyo i-assist si Dite katulad ng ginawa ninyo kay Kennie." tumango ang apat sa sinabi ni Kill.

Pagkatapos nyang kausapin ang mga bata at may limang minuto pang natitira bago mag-umpisa ang third quarter kaya pinagpahinga na nya muna ito. Tatlong minuto ang natitira nung dumating si Dite na may konting pawis sa katawan. Agad syang nagpalit ng jersey at pinatungan ng jacket pansamantala. Kinausap sya nila Kill para sa planong gagawin nila. Natapos ang oras at pumasok na silang lima sa loob ng court. Napansin nila na hindi rin maglalaro si Sylvia.

"Mukhang parehas lang kaming naisip ni Silva." sabi ni Kill nung makitang si Asta ang ipinalit kay Sylvia.

"Kung sa quarter na 'to ay malamang natin sila, siguradong ilalabas rin nila agad si Sylvia pero kung mananatiling naghahabulan sa score, kailangan talaga ng full power para manalo." komento ni Zoe.

"Masyado kang bilib sa anak mo na mapapanatili nya ang scores." sabi ni Kill. Napangiti si Zoe.

"Anak ko yan eh." proud na sagot ni Zoe.

Maraming nag-aabang sa paglalaro ni Dite pero sa mga nakakakilala kay Dite at Asta, mas inaabangan nila ang paglalaban ng dalawa. Tutok na tutok sila sa dalawang magkaharap ngayon na nasa gitna ng three point line. Hawak ni Asta ang bola habang drini-dribble ito. Nakaabang naman sa kanya si Dite.

Nag-dunk in si Asta na ikaatras ni Dite. Mabilis na bumalik sa pwesto si Asta at tumalon para mag-tres. Mabilis humabol si Dite para i-block ang tira pero hindi itinuloy ni Asta ang pag-shoot ng bola bagkus ay ipinasa nya ang bola kay Veloce at ito ang nag-tres.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now