Special Chapter: Queen Part 1

12.6K 567 270
                                    


Avey's POV

Humalik ako sa pisngi ni Kill pagkakita ko sa kanya sa kusina. Nakapagluto na ito ng hapunan namin.

"Sino ang nakalaro mo ngayon?" tanong nito. Inihahanda nya sa lamesa ang mga pinggan.

"Zap." nakitbitbalikat ako. Napangisi ito at napailing dahil alam nya kung ano ang kinalabasan ng laro namin ni Zap kanina.

"Pang-ilan na ba ni Zap yan?" tanong nito.

"Four. Si Dite at Kennie, three. Si Sylvia, two." banggit ko sa ilang beses kong natalo ang mga bata. "Si Japan at Steph sumali." nakangiting sagot ko.

"Kamusta naman sila?" nagsidatingan ang dalawa naming anak. Inasikaso namin sila parehas ni Kill.

"Same old. Tumatanda na kasi yung dalawa." natawa si Kill sa sinabi ko.

"Mas matanda ka sa kanila." kinindatan ko ito at sya naman ay napailing.

"Hindi ako tumigil kahit isang araw sa paglaro ng basketball. Syempre, kakayanin ng katawan ko ang maglaro ng matagal. Every match ko sa mga bata, lagi akong nae-excite kalabanin sila. Palagi silang nag-iimprove." sabi ko.

"Pero kailan ka kaya nila matatalo." nakitbitbalikat ako at sya naman ay napailing.

"Bakit hindi ka makipaglaro sakin?" nakangising hamon ko.

"No, thanks. Matatalo lang naman ako."

"Aww...practice kasi." tinignan nya ako ng matagal at napailing. "Oh come on, baby. Hindi mo ba dream na matalo ako?"

"Ang pangarap ko ay makasama ka. That's all." napakagat ako ng labi.

"Ang tanda mo na pero ang sweet mo pa rin."

"Avey, mas matanda ka." natawa na lang ako.

Pagkatapos namin kumain at patulugin ang mga bata ay tumungo na ako sa kwarto namin. Kakatapos lang maligo ni Kill nung pumasok ako.

"May laro ka bukas?" tanong nito.

Sabado at linggo ay palagi akong free para makipaglaro sa mga humahamon sakin at linggo pa lang bukas.

"Bakit? Magda-date ba tayong dalawa?" matagal tagal na rin ang huli naming date na kaming dalawa lang. Palagi namin kasama ang dalawang bulinggit kapag nag-aayang lumabas si Kill.

"Hindi." sumimangot ako sa kanya. Dapat pala hindi ko sya inasar kanina sa pagiging sweet. "Napag-isip isip ko lang na kalabanin ka." nakitbitbalikat nyang sabi. Napangiti naman ako.

"Kanina lang natatakot ka."

"Hindi ako takot." mabilis na sagot nya. Natawa ako.

"Maglalaro kami nila Ella bukas. Kulang kami ng dalawa, gusto mo sumali na lang samin?" pag-aaya ko.

"Sure." sagot nya. Ngumiti ako. Nagtaka naman ako dahil nakatitig ito sakin. "Iniisip ko lang kung kailan ka titigil sa paglalaro ng basketball. Sinabi mo kanina na walang araw kang hindi tumigil kaya naman curious lang ako."

"Kapag may nakatalo na sakin." nakangiting kinuha ko ang kamay nya. "Hinihintay ko lang talaga na may makatalo sakin."

"Kapag wala?"

"Edi tatanda akong malakas." biro ko. "Sure akong may makakatalo sakin. Nararamdam ko."

"Sino naman ang sa tingin mo?" nginitian ko lang sya dahil kahit ako ay hindi ko masabi kung sino. Though mas magaling si Dite sa lahat ngayon, hindi ko pa rin masabi.

"Pero may isang tao akong inaasahan." sagot ko. Nagtatanong naman ang mga mata nito sakin pero hindi ko sinabi kung sino. 


Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now